Chapter 19

2562 Words

“SAAN mo ako dadalhin?” “Basta. Secret.” “I don’t like surprises. Sabihin mo na.” “Haay, ang kulit mo talaga! Ihulog kita d’yan, eh!” “Ang sama mo talaga sa akin, baby panda.” Hinihila ni Amber si Grey paakyat ng bundok. Hinihingal na siya pero nasa kalahati pa lang sila ng destinasyon nila. Nang makita itong preskong-presko pa rin ay sinipa niya ito sa binti. Ni hindi man lang ito pinagpapawisan! “Aray! Bakit ba?” reklamo nito. “Sisiw lang sa iyo ang pag-akyat sa bundok, nagpapahila ka pa sa akin!” “I’m an athlete. Hindi ako madaling mapagod. Ilang beses na rin kaming pinatakbo ng kuya ko sa bundok bilang training.” Hinilot nito ang nasaktang binti. “Saka, malay ko ba kung gusto mo lang talaga akong maka-holding hands.” Naiikot niya ang mga mata. “Grabe, umihip bigla ang hangin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD