Chapter 5

2339 Words
“NUMBER ten, two points!” Nginangatngat ni Amber ang straw ng inumin niyang binigay ni Cade habang pinanonood ang laban ng Heartbreakers. Ang sinabi ng announcer na number ay number ni Grey. Tatlong minuto pa lang ang nakakalipas pero tambak na ng dalawampung puntos ang mga ito. Hindi niya alam kung laban pang maiituring iyon dahil wala namang kalaban-laban ang kabilang team. Halimaw talaga ang team ng Heartfield. Ngunit hindi dahil doon kaya siya naiinis. Ang impakto kasing Grey na iyon! Suot pa rin nito ang mga salamin niya, and damn hell he really looked handsome on those. Kahit na nakasalamin ito ay hindi iyon naging sagabal sa paggalaw nito. The grace, strength and discipline were still in him like it was already a part of him since he was born. And it looked like she’s not the only one recognizing his overflowing charisma in the court wearing that stupid spectacles of hers. “Waaahhh! I love you, Grey!” “Ang galing mo talaga at super-duper gwapo mo!” “Pakakasalan kita sa lahat ng simbahan sa Pilipinas, Grey-munch!” The fudge?! Grey-munch? Ang ko-corny talaga ng mga babaeng ito. “Go, go, go, Breakers!” Kinawayan ni Grey ang mga babaeng iyon na lalong nagtilian. “Ma-request nga si Ivo na alisin sa start-up ang ungas na iyan. Mabait naman siya sa akin ngayon kaya sasamantalahin ko na.” Grey turned to her. He adjusted his glasses and winked at her with that gorgeous smile of his. After that, he run towards his teammates. Damn him! How could he make her heart beat this fast with that stunt? Dati naman ay hindi siya ganoon. Bakit mula nang magkadikit ang katawan nila ay naging ganito na siya? She cursed under her breath once more. Hindi niya dapat iniisip iyon. Dapat ay focused siya sa agenda niya na paghihiganti rito. Tama. Hindi siya titigil hangga’t hindi ito nagagantihan. “Excuse me?” Napatingala siya sa mga babaeng lumipat sa tabi niya at pinagitnaan siya. Hindi niya alam kung paano napaalis ng mga ito ang mga katabi niya. Pati sa likuran niya ay may nakapwesto nang mga babae na kanina lang ay nasa cheering squad ng Heartbreakers. “Yes?” “Who are you and why did Grey looked at you?” taas ang isang kilay na tanong ng nasa kanan niya. “He also winked at you. Ikaw ba ang bagong fling niya?” sabi naman ng nasa kaliwa niya. Muntik na siyang masuka. Naiinis siya dahil inaaway na naman siya ng mga babae dahil sa ungas na iyon. Hindi siya nagpaapekto sa mga ito. “Sino’ng Grey tinutukoy ninyo? Wala akong kakilala na ganoon ang pangalan.” “Liar! Nakita namin kung paano ka niya ngitian!” “Oh, girls. For sure naman ay laruan lang din ang turing ni Grey sa kanya. Hinding-hindi siya seseryosohin ni Grey.” “Tama. She’s just another pastime and playmate.” “Tsk. Nakakaawa ka naman.” Patamad na tiningnan niya ang mga ito. “Kung gusto ninyo ang lalaking iyon, inyong-inyo na. Mas nakakaawa kayo. Naghahabol kayo sa isang lalaki na walang ginawa kundi saktan lang naman kayo. Tell me, ilan ba sa inyo ang naging girlfriend na niya at napagsawaaan? Iniwan matapos makuha ang gusto niya?” Naningkit ang mga mata ng mga ito. Halatang nainsulto ng husto ang mga ito sa sinabi niya. Wala siyang pakialam. Ang gusto niya lang ay mamulat ang mga mata ng mga ito kung ano’ng klaseng tao ang sinasamba ng mga ito. “You!” “Sino’ng nakakaawa, ha?” “At least we had him once!” “Matingnan niya lang, masaya na kami!” Naiikot niya ang eyeballs niya. “Duh? Ang babaw naman ng kaligayahan ninyo.” “At ikaw? Pang-short time ka rin naman niya, ah! Kaya huwag kang magyabang d’yan!” “Hindi mangyayari iyan. Ako ang babaeng pang-lifetime. At kung hindi man, ako ang mang-iiwan sa kanya at hindi siya,” taas ang noong sagot niya sa mga ito. She kept her heart safe for years. Hindi niya hahayaang mabasag lang iyon ng lalaking walang pakialam sa nararamdaman ng iba. “Aba’t—ang yabang mo talaga!” “Akala mo kung sino kang maganda!” “Eh, kung hindi ka na kaya namin palabasin ng arena na ito?” Bago pa siya makasagot ay may sumungaw sa mababang pader na nagsisilbing harang sa court at manonood sa harapan nila. Ang coach ng Heartbreakers na si Ivo. “Girls, girls. Ginugulo ba ninyo ang girlfriend ko dito?” There’s a manic grin on his face. Iyong tipong hindi lang team members nito ang matatakot. Maski siya ay gusto niyang mapaurong. Grabe! Nito niya lang naiintindihan ang mga pasaway na myembro ng Heartbreaker kung bakit takut na takot ang mga ito sa binata. “Gusto niyo bang hindi na makapunta sa gym ng Heartfield? Because, honestly, nakakagulo lang sa practice ang pagsigaw ninyo. Mapapalampas ko na sana iyon. But, this is different.” Tinapunan siya nito ng tingin. Gusto na lang niyang magtago sa bangs niya. “Ah, eh… h-huwag naman po, coach Ivo.” “P-pasensya na po. Hindi po namin alam na girlfriend niyo siya.” “O-oo nga po. K-kasi naman po, kinindatan siya ng k-kapatid ninyo.” Sunod-sunod na paliwanag ng mga babae. “I don’t mind my brother flirting with her. Loyal siya sa akin. Hindi ba, Amber?” She could only nod. Para bang kapag nag-disagree siya rito ay babagsakan siya nito ng meteor sa ulo. “Good. Now, you girls, go back to your seats. Bago niyo pa tuluyang mapainit ang ulo ko.” “Yes, Sir!” sabay-sabay na sabi ng mga ito bago mabibilis na nagsialis sa tabi niya. Medyo bumait naman ang ngiti ni Ivo sa kanya. “You seemed fine here now. Ano’ng gusto mong parusa kay Grey?” “P-po?” “Oh, come on. I know you want to punish the hell out of him,” amused na sabi nito. “Spill it. Ako na ang gaganti para sa iyo.” Ito na ang pagkakataon niya. Sasamantalahin na niya. Nilakasan na niya ang loob. “Alisin niyo siya sa game.” Hindi siya makakapag-usisa ngayon kay Ivo dahil abala ito sa pagbabantay sa game. At least he can do this thing for her. Tutal, ito naman ang nag-alok ng tulong. Umangat ang isang sulok ng bibig ni Ivo bago naglakad palayo. Lumapit ito sa mga curator na nag-aasikaso ng game. Kinausap nito saglit ang mga iyon. Pumito ang isang referee. “Heartfield, substitution! Number 10!” Napakunot ang noo ni Grey. Tumakbo ito sa coach. Mukhang nagtalo ang dalawa pero hindi naman nayanig si Ivo. Tapos ay inginuso siya nito. Napatingin sa kanya si Grey. Masama ang mukha nito. Malawak na ngisi lang ang iginanti niya rito. Mapapakinabangan naman pala niya ang kabaitan ni Ivo sa kanya kahit paano.     “SO, you’re the reason kung bakit ako na-bench buong game.” Sinulyapan lang ni Amber ang nakasimangot na si Grey. “Wala akong kasalanan. Si coach ang sisihin mo.” Tapos na ang laro ng mga ito. Si Cade ang ipinalit dito ni Ivo. Kahit na baguhan ay magaling din pala ang batang iyon. Napanatili ng team ang tambak nito kahit pa inalis ang power forward. Well, wala rin namang kapantay sa galing ang iba pang regular players. Kaya nga lahat ng mga ito ay maiituring nang star players. “You know I can’t do that. Kaya ikaw na lang ang sisisihin ko.” Grey suddenly pushed her to the wall. He placed one of his hand on her side. Hindi tulad ng pagkakakulong niya rito noong nakaraang araw, pwedeng-pwede niya itong itulak ngayon at kumawala. Subalit pinagtaksilan naman siya ng katawan niya. Heto na naman ang hindi niya maipaliwanag na reaksyon niya rito.  Sa halip ay hindi siya makakilos at napansandal na lamang sa pader habang pinagmamasdan ang nakangising mukha nito. “Ano’ng ginagawa mo?” galit na asik niya rito. Kahit sa sarili niya ay nagiging defensive siya. “Baka nalilimutan mo na na magaling ako sa boxing?” “Hindi kayo bagay ng kuya ko. Kapag nagkatuluyan kayo, guguho ang mundo sa kasamaan ninyo. Isang amasona at isang halimaw na coach. What’s worst this world could have?” “Kung ganoon, bakit mo pa sinabi sa kanya na gusto ko siya?” Gusto niya itong pitseran. “Wala lang. Gusto ko lang makita kung paano ka maging babae.” Bigla siyang nalito. Hindi niya inaasahan ang isinagot nito. “Ano?” He smiled that sexy smile of his. That kind no one can resist. Including her? Damn it! And he really looked good in that glasses he’s still wearing. “I’m curious about you. Bakit kaya?” His reached his free hand and touched her newly cut bangs. “Bagay sa iyo.” May sumipang kaba sa puso niya. Sa pagkabigla niya sa sariling reaksyon ay natapik niya ang kamay nito palayo. “Kung mangmamanyak ka na naman, I swear, hindi lang balls mo ang pupuruhan ko ngayon!” Napasimangot ito. “Kapag ako hindi nakabuntis, kasalanan mo. Leave my balls alone, will you?” “Pwes, lumayo ka sa akin!” “I’m not even touching you.” Siya na mismo ang nagtulak dito. Nasaan ba ang mga ka-team nito at nang hindi siya namamanyak dito ng ungas na ito? “Tsk. Ganyan kayong mga babae. Mahawakan lang ang dulo ng buhok ninyo, m******s na agad? Paano pa kaya kung pangit ang hahawak sa inyo—hey! Saan ka pupunta?” “Lumayo ka sa akin!” Nagpatuloy siya sa paglalakad. Kung bakit ba naman kasi palabas na siya ng gymnasium ay nakita pa siya nito. Kung may makakakita sa kanilang fans nito ay baka sugurin na naman siya. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Wala siyang makitang mga die-hard fans ng Heartbreakers. Malamang na nakaabang sa locker room ng team ang mga ito. Nagtataka nga siya kung paano nakatakas si Grey sa mga ito. Dumako ang tingin niya sa babaeng nakasalamin na kalalabas ng arena. Ito ang babaeng umagaw sa pansin niya kanina na nakatingin kay Grey sa picture! “Sabay na tayong umuwi.” Napatalon siya sa gulat nang magsalita mula sa likuran niya ang impaktong lalaki. “Bakit mo ako sinusundan?” “Dahil uuwi na rin ako.” “Hindi pa ako uuwi. At ayaw kong makasabay ka.” Inirapan niya ito. “Kung umasta ka, parang wala kang kasalanan sa akin, hunghang ka!” Come to think of it, hindi pa nakakapag-sorry ang lalaking ito sa pag-hack sa website niya. “Wala naman talaga. Tinulungan pa nga kita kay Ivo.” “Ang yabang mo! D’yan ka na nga!” Imbes na pag-initin niya ang ulo niya ay lumakad na lang siya pabalik sa entrance ng arena kung saan naroon ang babaeng nakasalamin. Nakasandal ito sa pader na tila may hinihintay. Hinihintay ba nito si Grey? May naisip siya. Nilingon niya ang binata. “On the second thought, samahan mo muna ako sandali.” “I don’t trust your smile. Para kang ang kuya ko,” wika nito pero sumunod pa rin sa kanya. “Where are we going, by the way? Basta siguruhin mo lang na hindi mo na naman gagalusan ang mukha ko, kahit saan pwede mo akong dalhin.” “Duh?” Gusto niyang malaman ang reaksyon nito kapag nakaharap ang babaeng iyon. Sa ganoong paraan ay madali niyang matutukoy kung ano nito ang babae. Nag-angat ng tingin ang babaeng nakasalamin at naka-bangs din nang marahil ay mapansin ang paghinto nila sa harapan nito. “Hi!” bati niya rito. Pinagmasdan niyang maigi ang ekspresyon nito nang ituro niya rito ang kasama. “Do you know him, Miss?” Naguguluhang tumingin ang babae kay Grey bago ibinalik sa kanya ang mga mata. “Yes. He’s one of the regular players of Heartfield. Saka sa Heartfield din ako nag-aaral.” “Friends kayo? Ilang taon na kayong magkakilala? Nandito ka ba para panoorin siya?” Nagpalipat-lipat ang paningin niya sa mga ito. Baka nga tama ang hinala niya na may nakaraan ang mga ito! “Kilala mo ba siya?” tanong naman ni Grey sa kanya habang maganda ang pagkakangiti sa babae. “Hindi. Ikaw, kilala mo ba siya?” “Oo naman. Hi, Alexis! It’s nice to see you here.” Binalingan siya nito. “You shouldn’t ask people like that without knowing who they are, okay?” “Ex mo siya?” “Naku, hindi!” Bago pa makasagot si Grey ay nakatanggi na ang babae. “Actually…” “She’s Van’s Alexis,” sabi ni Grey. Si Van? Binalikan niya sa alaala ang larawan. Katabi nga pala ni Grey si Van doon. Malamang na ito ang tinitingnan ng babae. “My name’s Alexa,” giit nito. “But you looked like Van’s ex, Alexis.” Natigilan ang babae. Bumakas na naman sa magagandang mata nito ang lungkot. Ang galing talagang manakit ng feelings ng kumag na ito! Siniko niya si Grey sa tiyan. Napasinghap ito ng malakas at nakangiwing humawak sa sikmura. “Ano na namang problema mo?!” “You are the problem here! Lumayas ka na nga sa harapan namin! Wala kang kwenta!” Nakasimangot na napakibot-kibot ang mga labi nito. “You really enjoy hurting me, aren’t you? Isang karinyo brutal mo pa, hahalikan na talaga kita sa lahat ng uri ng halik na alam ko.” He grinned while looking with immeasurable desire on her lips. Bigla siyang pinanuyuan ng lalamunan. Awtomatikong napalayo siya rito. Iniharap niya rito ang kamao. “Ito’ng kamao ko, gusto mong halikan?” “Why don’t you try, Lady underscore Psycho?” hamon nito habang nakatutok sa kanya ang buong atensyon. Feeling niya tuloy ay nasa court sila at hawak niya ang bola na desidido nitong makuha. Tipong kahit saan siya tumakbo, mahahabol at mahuhuli pa rin siya nito. Peste lang! Besides, those bright brownish eyes of his were doing its wonders again on her heart. Gigil na hinablot niya sa mukha nito ang salamin niya. Masyado lang niyong ini-emphasize ang magagandang mata nito. “This is mine, you jerk! Ang hilig mo talagang mangialam ng hindi iyo!” “Dapat nga magpasalamat ka pa at m-in-odel ko ang salamin mong iyan. Now, it’s worth more than its original price.” “Ang kapal talaga ng mukha mo! Hindi ikaw ang pinakagwapong lalaki sa mundo kaya—” “Ah, excuse me?” Sabay pa silang napalingon kay Alexa. “Nakakagulo na yata ako sa inyo kaya maiwan ko na kayo.” Nakatingin ito sa likuran nila. Curious na napalingon din siya sa tinitignan nito. There stood Van. “`Uy, pare! Nakatakas ka rin sa mga fans mo?” nakangising bati rito ni Grey. Tumango lang ang lalaki habang nakatingin pa rin kay Alexa. “I need to talk to her. Please, excuse us.” “Go live your lives, man.” Tinapik pa ito ni Grey sa balikat habang nakangisi. “T-teka…” Bago niya pa mapigil ang dalawa ay nakaalis na ang mga ito. She’s alone with the maniac Grey again. Masamang tiningnan niya ito. “What’s your deal? Bakit mo ako sinama sa pagkausap kay Alexa?” “Wala. D’yan ka na.” Tinalikuran niya ito. “At huwag mo rin akong susundan. Kundi sasabihin ko kay Ivo na pahirapan ka.” “You like to make him suffer, then?” Paglingon nila ay naroon na si Ivo kasama ang buong team ng Heartfield. Nasa likuran ng mga ito ang maiingay na fans. “Walang sinabi si Amber, Ivo,” biglang kambyo ni Grey sa kapatid. “`Di ba, Amber?” “Meron.” Hinarap niya si Ivo. “Coach, pwede mo bang pahirapan ang impak—este lalaking ito?” Maiganti man lang niya si Alexa sa katabilan ng binata. A manic grin returned on Ivo’s face. Namutla naman si Grey. “Sure. In one condition.” “Po?” Teka, bakit may kundisyon? Hindi naman siguro siya nito paghuhubarin sa harap nito, hindi ba? “A-ano pong kondisyon?” Ivo patted her head. “You might want to come with us to celebrate our today’s victory.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD