Chapter 8

2613 Words

“ANG mayabang na iyon!” Gigil na nagsulat ng straight line si Amber sa papel niya. Nang maalalang test paper niya nga pala iyon ay binura niya ang linyang iyon. Mabuti na lang at friction pen lang ang gamit niya at hindi nabutas ang papel niya. Nagsasagot na dapat siya pero ang naaalala niya ay ang impaktong iyon at ang mga pinagsasabi nito. Wala siyang maisulat na sagot sa papel niya. Buwisit! “Fifteen minutes more,” anunsyo ng instructor nila. Ah, bahala na. Ninja moves na. Mahinang sinipa niya ang upuan ng kaklase niyang kanina niya pa nakikitang nangongodiko. Aba! Kailangan din niyang makinabang sa krimen na iyon, ano? “Bakit ba?” mahinang asik nito.   “Pahinging sagot kundi isusumbong kita kay ma’am.” Masamang tiningnan siya nito. Gayunman ay inangat pa rin nito ang papel par

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD