DUGDUG DUGDUG… Ang malinaw lang kay Amber ng mga oras na iyon ay ang magulong pagkabog ng puso niya. The touch of Grey’s soft lips on hers was becoming more and more demanding. Hindi siya makapag-isip ng maayos. Pakiramdam niya ay nawalan na ng laman ang utak niya habang ang puso niya naman ay tila sasabog na sa pagkabog. Sinapo ng binata ang likod ng ulo niya at mas lalo pang pinalalim ang halik. Impit na napatili siya na naging ungol sa pandinig niya. Grabeng kahihiyan ang nadama niya. Alam niyang narinig nito iyon. Baka isipin pa nito na nagugustuhan niya ang halik nito. Bakit, hindi nga ba? Hindi ka nga makakilos d’yan, eh, a small voice on her mind mocked her. Hindi na niya alam ang nangyayari. Hindi niya maigalaw ang mga kamay niyang na-freeze habang nakakuyom sa dibdib nito. He

