Chapter 2

2526 Words
‘DEAR Diary, Today I finally talked with Ivo. Gosh! Sobrang gwapo pala niya sa malapitan! Ayos lang na muntik nang mabasag ang bungo ko sa pagkakatama ng bola ng kapatid niyang impakto. Inalalayan niya naman ako sa pagtayo at binigyan pa akong ticket sa susunod na game nila! Front row pa! Napaka-gentleman niya talaga!’ Tumigil sa pagtipa si Amber para magkikisay sa kilig sa upuan niya. “Eeehhhh!!” Unang beses niyang makita si Ivo nang tumuntong siya sa Heartfield University three years ago. Graduating na ito at varsity player din ng school. Nagkataong napaaga ang pasok niya sa first day of school at naabutan niyang nagja-jogging ito sa race field kasama ang ilang ka-team nito. Pawisan man ito, hindi iyon nakabawas sa angking karisma at gandang lalaki nito. Gustung-gusto niya ang kislap ng focused na mga mata nito at marahang pagkurba ng mga labi na tila nang-aakit. Mula noon, ang kaguwapuhan na nito ang nangibabaw sa puso niya. Akala niya ay huling taon na niyang masisilayan ito sa university. Kaya nga laking tuwa niya nang mag-apply itong manager ng team. Pero dahil nag-retire ng mga panahong iyon ang dating coach, ito ang ipinalit sa pwesto. Hindi man niya araw-araw nakikita doon ang binata dahil abala rin daw ito sa negosyo, ayos lang sa kanya. At least, nakikita niya pa rin ito. ‘Alam mo, diary, kahit na playboy siya at major turn off ko ang isang playboy, gusto ko pa rin siya. Napakagwapo naman kasi niya. Isa pa, siya ang tipo ng playboy na hindi pinagsasabay-sabay ang girlfriends niya. One at a time, kumbaga. Hindi nga lang pangmatagalan pero ayos na rin. Hindi ko naman hinahangad na maging girlfriend niya sa ngayon. Ayoko ng short time. Ako ang tipo ng babae na pang-lifetime—kung wala mang forever. Hihintayin ko na lang siyang magsawa hanggang ma-realize niya na isang babae lang ang kailangan niya sa buhay niya. Handa akong maghintay gaano man iyon katagal. Napangiti siya nang matapos magsulat. Dito, naiilabas niya ang mga damdamin na kinikimkim niya. Paraan din niya iyon para huwag masabi sa iba ang nararamdaman niya. Mahirap nang magtiwala. Ang bestfriend niya noong high school na isa palang linta ay ibinulgar ang mga sekreto niya sa isang lalaking gustong manligaw sa kanya. Nagkataong itsinitsismis naman ng lalaking iyon sa buong klase nito ang mga nalalaman. Nang malaman niya iyon, friendship over na rin sila ng bestfriend niya. Kung tunay na kaibigan niya ito, hindi nito ibebenta ang pagkatao niya sa iba. Yes, itinuturing niyang pagkatao niya ang kanyang mga sekreto. Kaya nga sobrang nasaktan siya nang malaman ang ginawa nito. S-in-ave niya ang bagong entry sa diary. Naka-private sa Psychopath ang diary niya. Nasa ibang folder iyon at at walang makaka-access doon kundi siya. Kung sa papel niya kasi isusulat, may posibilidad pa na mawala iyon at mabasa ng iba. Mas maganda nang sa website dahil siya lang ang nakakaalam ng password niyon. Paglabas niya sa diary folder niya ay saktong isang notification ang nag-pop up. Your webpage has been opened on Mac OS. Do you confirm this activity? Nalukot ang noo niya. Doble ang seguridad ng website na iyon dahil sa isang magaling na IT niya iyon binili. Hindi iyon basta magloloko na lang at magpapadala ng ganitong mensahe. Bago niya pa ma-click ang ‘no’ button ay nawala na ang notification. Lalo siyang nagtaka. Minumulto na ba ng mga kaluluwang na-feature niya doon sa website niya? Another notification popped in. It’s from the comments from her newly updated story. And the comment came from... her?! What the f**k? ‘Hey. You got a nice site here,’ sabi nito. Ilang segundo niyang tinitigan ang comment na iyon bago luminaw sa kanya ang nangyayari. “Oh my gosh!” Isa lang ang ibig sabihin niyon. Setting the ghost part behind, na-hack ng kung sinong herodes ang website niya! Mabilis gumana ang mga daliri niya. Nagpunta siya sa settings at pinalitan ang password niya. Sa gayong paraan kasi ay maii-log out niya ang other user. Subalit ayaw niyong mag-activate. Muntik na niyang mapukpok ang monitor niya. Binalikan niya ang hacker sa comment box. Malamang kagagawan nito ang kaabnormalan sa website niya. ‘Who are you and what are you doing on my site, you asshole?’ she typed back to the hacker. Kung eksperto lamang siya, pinadalhan na niya ito ng virus. Pero Journalism nga pala ang course niya. Ni hindi nga niya alam kung paano ito ila-log out sa site niya. Ilang sandali bago magkaroon ng reply. It’s so creepy talking to herself—este sa username niya dahil account nga niya ang gamit ng hinayupak na iyon. ‘I’m Mr. Hackerbreaker. Nice to meet you.’ ‘Are you here to steal my stories? Because, I swear, I’m going to hunt you down wherever you are! Get out of my website, you son-of-a-b***h!’ gigil na pinindot niya ang ‘reply’. ‘I’m just visiting. Relax. I’m not going to steal your files… Just reading something interesting.’ ‘You can read as a reader. Get out or I’ll call a specialist or a cop!’ Hinintay niya ang pagre-reply nito habang dina-dial ang numero ng kaibigan niyang nagbenta sa kanya ng site. Hindi niya hahayaang masira ng kung sinong Mr. Hacker-churva ang website niyang inalagaan ng tatlong taon! “Hello, Ate Elise?” bati niya sa kabilang linya nang sagutin nito iyon. “O, Amber, napatawag ka?” “May nang-hack sa website ko!” mangiyak-ngiyak na sumbong niya rito. “What? Paano nangyari iyon? Isinulat mo ba sa kahit saan ang password mo? Mahaba iyon. Hindi basta-basta mahuhulaan ng kahit sino.” “But that damn hacker just hacked it! I’m gonna kill him!” Halo madurog ang mouse sa pagkakahawak niya. Wala nang reply na nanggaling dito. Baka may ginagawa na itong kababalaghan sa site niya! “Have you tried changing your password?” “Hindi iyon gumagana! Ayaw mag-activate! Baka ang hacker pa na iyon ang magbago ng password ko at bandang huli, ako na ang walang karapatan dito.” “Calm down. May ise-send ako sa email mo na anti-hacking software. I-activate mo lang iyon at malalaman mo ang IP address niya…” “Mapapaalis ko ba ang hacker na iyon?” “If you say your password is not working… no. Hindi mo siya mapapaalis sa site kung hindi siya ang magkukusa.” “Ano’ng silbi ng software na ipapasa mo sa akin?” “We’re going to determine who your hacker is.” Nakasimangot man, sumang-ayon na lang siya. Masama pa rin ang tingin niya sa mga mensaheng ipinadala ng hinayupak na hacker na iyon.     KUYOM ang mga palad at walang lingon-lingon sa paligid na deretsong naglakad si Amber papasok sa gym. Nandoon siya hindi para makasilay kay Coach Ivo na alam niyang wala naman doon. Nandoon siya para itumba ang hacker niya. Nakuha nga nila ang InterProtocol address ng nang-hack sa kanya pero napakahigpit naman ng seguridad nito kaya hindi rin nila napasok ang system nito at nalaman kung sino ito. Ang sabi ni Elise ay isa itong upperclass na hacker. Ngunit nang banggitin niya kay Elise ang code name ng hacker na ibinigay nito sa kanya ay doon nito nabigyan ng pangalan ang impaktong salarin. Dahil isa rin itong computer geek, alam ni Elise ang mga codenames ng ilang magagaling na gaya nito. Pangalanan na lang natin itong Gustavo Rei Cruise—o mas kilala sa tawag na Grey Cruise. Kung paano nito nalaman ang password niya? Hindi niya alam. Hindi naman iyon nakasulat sa notebook niyang nabasa nito. Ang nakalagay doon ay ang URL ng website niya. Naabutan ni Amber na nakahilata sa stage sa dulo ng gym si Grey, at may binabalanseng bola sa noo nito. Nasa court naman ang kambal at nagwa-one-on-one. Habang ang iba pang players ay nagte-training din kahit wala ang coach ng mga ito. Pagkakita niya rito ay kumulo kaagad ang dugo niya. Wala siyang pakialam sa paligid na naglakad palapit dito. Kahit na matatakot ang kahit sino sa itsura niya sa mga oras na iyon. Huminto siya sa ulunan nito. “Mr. Hackerbreaker,” malumanay na tawag niya rito. Nahulog ang bolang nasa noo nito nang tingalain siya. Kahit paano pala ay kuha nito ang magagandang mga mata ni Ivo. Pareho ng kislap doon ang kislap ng determinasyon na nakita niya sa kuya nito. Teka, pinupuri mo ba siya, Amber? H-in-ack ng impaktong iyan ang pinakamamahal na website mo kaya wala siyang karapatang ihanay kay Ivo. She could only agree to that little voice on her mind. “Hindi ako iyon,” simpleng sagot nito. Pansin niyang agad itong napangiti ng makita siya. “Ikaw iyon.” Nangati ang kamay niyang sabunutan ito pababa sa stage. But then, she tried to be calm. Kailangan muna niya malaman kung ano ang mga natagpuan nito at nabasa sa website niya. O kung may binago man ito. “Huwag ka nang magmaang-maangan d’yan. May kakilala akong magaling na computer geek tulad mo at sinabi niya na sa iyo ang code name na iyon.” “So? It’s just a code name. Did you know that three hackers have that code name? Even a CIA agent had that code name. Oh, and there’s—” “Wala akong pakialam!” Hindi mapigilang sansala niya. Kaunting-kaunti na lang at kakalimutan na niya ang world peace. “Sagutin mo ang tanong ko. Ikaw ba ang nag-hack sa website ko?” He just smiled while staring at her, as if thinking about something funny. Nagsalubong ang kilay niya. Pinagtatawanan siya nito, ganoon?! Pinagtatawanan ang website niya? O baka naman ang mga nakalagay doon? Gusto niya itong sabunutan nang maalala niya ang diary niya. Hindi malayong pati iyon ay napakialamanan nito sa pag-hack nito sa site niya. Kung hindi lang ito patamad na umupo sa gilid ng stage ay maisasakatuparan na niya ang iniisip. Inilaylay nito sa gilid ng stage ang mahahabang binti nito. “You don’t have to be mad and ashamed about your site. It’s… interesting.” Confirmed nga na ito ang nag-hack sa website niya. Bumaba-taas ang dibdib niya sa galit. Tama na muna ang kapayapaan. Sa galit niya ngayon, walang lugar ang ganoong bagay. “Bumaba ka rito,” mahinang sabi niya. Itinuro niya ang harapan niya. Sumunod naman ito. Pagkatapak na pagkatapak nito sa sahig ay umigkas kaagad ang kamao niya sa mukha nito. Matangkad ito pero matangkad din naman siya, kahit na ba hanggang baba lang siya nito. Nag-aral siya dati ng boxing kaya alam niya kung paano ito susuntukin ng malakas nang hindi gaanong nasasaktan ang kamao niya. Napasinghap ito ng malakas at nasapo ang pisnging tinamaan niya. “What the hell, lady?” “Huwag mo akong ma-what the hell-what the hell d’yan. Ibibitin talaga kitang siraulo ka!” Sinuntok niya itong muli sa mukha pero nasalag nito iyon. “Not the face, lady. Damn!” wika nito habang patuloy na sinasalag ang mga suntok niya. “Gago! Kahit palagay mo ay ikaw na ang hari ng mga hacker, wala ka pa ring karapatang mang-hack ng kahit sino. Lalo na ang website ko! Alam mo bang tatlong taon kong inaalagaan iyon? Pinaghirapan ko ang mga laman niyon! Ilang gabi akong hindi natutulog para makatapos ng kwento. Para dumami ang readers ko. Binili ko pa iyon ng mahal three years ago! Tapos iha-hack mo lang? Wala kang kwentang tao! Wala kang kunsensya, puso, baga, atay…” “Teka, Miss. Wala naman akong pinakialamanan sa website mo. I just hacked it.” Tumama sa baba nito ang suntok niya. “Aw! Darn it!” Naubusan na yata talaga ito ng pasensya kaya bigla na lang hinuli ang mga braso niya. Nagpumiglas siya pero malakas ito. “Listen, Miss—” “Hindi ako makikinig sa iyong tarantado ka! Bitiwan mo ako!” “Para masapak mo ulit ang gwapo kong mukha? No.” Itinulak siya nito sa gilid ng stage, hinuli ang mga kamay niya at inipit iyon sa likuran niya. Aba’t— Pinilit niyang makawala pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa mga kamay niya. Siya lang ang nasasaktan sa ginagawang pagpiglas. Lalo lang uminit ang ulo niya. Kung hindi niya maigalaw ang mga kamay, may paa naman siya. Tutuhurin niya sana ito pero mukhang nabasa nito iyon at mabilis na inipit ang mga binti niya sa mahahabang binti nito. Ngayon ay hindi na siya halos makagalaw. Saka siya naging aware sa sitwasyon nila. Halos yakap na siya nito. Halos?! Hindi pa ba yakap na maiituring iyon, eh mistula na siyang bilanggo sa mga bisig nito at mga binti. She’s even feeling his hard and warm body over hers. Bigla siyang kinabahan. This is the first time a guy got so close to her like this. It’s… strange… and warm. Wait—what?  “Ano’ng ginagawa mo, siraulo ka?! Pakawalan mo ako!” “Better to act first before you hurt me again,” amused itong nakayuko sa kanya. Humahaplos sa mukha niya ang mainit at mabangong hininga nito. Nagdadala iyon ng mga mumunting kilabot na tumutulay sa mga himaymay niya papunta sa puso niya kaya dumoble iyon ng kabog. What the heck?! Pinili niyang huwag magpaapekto. Malaki ang atraso sa kanya ng lalaking ito! “Pakawalan mo ako! Harassment ito!” “You harassed me first.” “You hacked my account! Tatadtarin talaga kita ng pinung-pino kapag nakawala ako!” “Listen, Miss Lady_Psycho,” banggit nito sa penname niya sa website. “I—” “Ipapakulong kita! Invasion of privacy ang ginawa mo, hayup k—” “Hahalikan na kita kapag hindi ka tumahimik.” Nabitin ang pagmumura niya sa biglang sinabi nito. Pati na ang paghinga niya. Pero pinabalik niya kaagad ang nawindang na kamalayan niya. “You—” Impit na napatiling naipaling niya ang kanyang mukha nang ilapit nito ang mukha sa kanya na parang hahalikan nga siya. “Silence.” Nanayo ang mga balahibo niya nang marinig ang pag-anas nito sa tapat ng tenga niya. Wala siyang naisagot. Bigla na lang kasing nawalan ng laman ang isip niya. Tanging ang puso niya ang nagmumura rito sa lakas ng pagkabog niyon… she thought? Basta, malakas ang t***k ng puso niya na halos ikabingi na niya. “Good. Ang sakit sa tenga ng sigaw mo,” sabi nito na hindi pa rin lumalayo sa kanya. “Now listen. I didn’t harm your site. I just cracked your password and opened it. Okay, nagbasa ako ng kaunti pero iyon lang iyon. Wala akong ninakaw o binura. In fact, nag-log out din ako kagabi. Pwede mo nang baguhin ang password mo at siguruhing hindi iyon maha-hack ulit.” Duda siya kung pumapasok pa sa nag-alsa balutan na utak niya ang mga sinabi nito dahil patuloy niya pa ring nararamdaman ang mainit na hininga nito sa tainga niya at leeg. Ang malinaw lang sa kanya ay ang nakakakiliti, nakakakilabot at nakakaewan na sensasyong hatid niyon sa kaibuturan niya. Damn! Ano bang ginagawa ng lalaking ito sa akin? At bakit ganoon ang epekto nito sa kanya? Marami pa itong sinabi pero hindi na talaga niya iyon naintindihan. “Understood?” Nakapaling pa rin ang ulo niya sa gilid at nakatulala sa bukas na bintana. “`Oy, Miss. Nakikinig ka ba?” Tila naalimpungatan siya nang mahinang bungguin nito ng siko ang siko niya. Saka lang siya lumingon rito. Malayo na sa mukha niya ang mukha nito. “H-ha?” Nangiti ito na parang ikinatuwa pa ang ekspresyon niya. Nag-iba ang tingin ng lumamlam na mga mata nito sa kanya. Na para bang… nang-aakit. At ang pesteng puso niya, bumilis na naman sa pagkabog. “Wala naman talaga akong kasalanan sa iyo, `di ba? Huwag mo na akong saktan, ha? Malay mo, mapakinabangan mo pa ang kaguwapuhang ito. Hindi naman ako maramot. Pwede mo akong ilabas kung gusto mo.” “Ha?” Unti-unti nang nagbabalik sa katinuan ang isipan niya. Sapat na ang sinabi nito para mapatay niya ang abnormal na pagkabog ng pesteng puso niya. Tumikhim siya. Ngumiti siya rito ng peke pero maganda. “Ah, oo nga.” Lumawak ang ngiti nito. Lumuwag na rin ang pagkakahawak sa kanya. Mas malagkit ang titig nito sa kanya. Sayang at nasa katinuan na siya at bumalik na rin sa isip niya na numero-unong playboy ito. “Do you want a kiss? Hindi rin ako maramot sa kiss.” “Sure.” Lihim siyang napangisi nang pakawalan nito ang mga kamay niya. Nakatingin sa mga mata nitong itinaas niya ang mga kamay sa batok nito... ginawa niya iyong kapitan para matuhod niya ito… there. Hah! Akala nito, ha?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD