Kabanata 30 C A S S A N D R A Nakakabwisit talaga. Ang aga-agang masira ng umaga ko. Paano ba naman kadarating ko lang sa campus nang bumungad sa akin ang dalawang higad na naglalandian sa harapan ko. Jusme! Muntik na akong masuka habang pinapanuod silang halos maglaplapan na sa parking. Gagawin pang motel ang parking napaka-cheap talaga kahit kailan. Like what the hell? Wala ba silang pambayad ng hotel at sa parking nila ginagawa yung mga ganung bagay. Nakakadiri talaga to the point na parang gusto kong i-sanitize pati ang mga mata ko. Nakakasuka! Bakit ba kailangang maabutan ko pa talaga yun? Hanep din naman talaga ang pagkakataon ano! Kung alam ko lang sanang may ginagawa silang kababalaghan duon sa parking ay ako na sana ang nag adjust at hindi ko na pinagpark si manong duon. Badtri

