Kabanata 31 A T H E N A Medyo tinanghali na ako ng gising dahil hirap na hirap talaga akong makatulog kagabi. Ewan ko ba. Walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi iyong fact na magkasama si Ares at Arian kagabi. Kahit anong gawin kong paglilibang para lang makatulog at tanggalin sa isip ko yun ay walang nangyayari. Tinanghali tuloy ako ng gising. Mabilis akong kumilos para makaligo at makapag-ayos ng sarili nang mapagtanto kong wala nga pala akong pasok ngayon dahil weekend. Lumabas na lang ako ng kwarto upang tignan kung nakauwi na ba si Ares kaya lang nang katokin ko ang kwarto niya ay walang sumasagot kaya dumiretsiyo na lang ako sa kusina dahil duon ko naman talaga siya madalas makita tuwing umaga. Nagmamadali pa akong nag tungo duon dahil sigurado akong nanduon siya kaya nang maabuta

