Kabanata 24 A T H E N A Naisipan kong makipagkita kay Andrei after ng class ko. Sasabihin ko na sa kanyang sinasagot ko na siya. Tama si Troy, dapat nga sigurong ituon ko na kay Andrei simula ngayon ang buong atensiyon ko para hindi na kung ano-anong kabaliwan ang pumapasok sa isip ko. Tama. Ganun nga dapat. Paglabas na paglabas ko pa lang sa panghuling klase ko ay bumungad na sa akin si Andrei na nag-aantay sa hallway ng building namin kaya tuloy yung mga kaklase ko panay ang tukso sa akin. Hindi naman na kasi lingid sa kaalaman ng lahat na talagang nanliligaw sa akin si Andrei. Sikat siya sa school kaya halos lahat ng galaw niya ay napapansin ng iba at sa halos araw araw niyang pagpunta dito sa building ay nakarating na din sa mga ka-batch ko na nanliligaw nga siya. Isa pa, siya ang k

