Kabanata 23 A T H E N A Habang nasa sasakyan kami ay naisipan kong magtanong ng kung ano-ano kay Ares. Mga tanong na gusto ko din naman talagang tanongin sa kanya nuon pero hindi ko lang magawa dahil natatakot ako sa magiging sagot niya. Pero ngayon siguro naman handa na akong malaman ang mga sagot sa mga tanong ko na 'yun. Para na din hindi na ako masiyadong masaktan kapag dumating na kami sa point na yun ng mga buhay namin. "Ares can I ask you something?" parang wala lang na sabi ko. Kumunot ang nuo niya bago ako binalingan sandali at muli din namang ibinalik ang tingin sa daanan. "Yeah, sure. What is it?" "Si Arian na ba 'yung sa tingin mong babaeng pakakasalan mo?" Hindi ko napigilang mapakagat labi habang tinitignan siya at nag aantay ng sagot mula sa kanya. Ewan ko. Sobrang k

