Kabanata 17 A T H E N A "Happy birthday Athena!" Puro bating ganiyan ang sumalubong sa akin pagdating na pagdating pa lang namin ni Andrei sa venue. Magkahawak ang kamay namin nang pumasok kaya naman ang mga kaklase ko ay hindi na napigilang mang-asar sa aming dalawa ni Andrei. Akala siguro nila kami na dahil magkahawak kamay kami ngayon. Bahala na nga silang mag-isip ng kung ano. Balak ko na din naman talagang sagutin si Andrei pagkatapos ng gabing ito kaya hayaan ko na lang muna sila. Yes, nakapag-isip-isip na ako at naisipan kong sagutin na nga si Andrei since pinatunayan naman na niya sa akin na seryoso siya. Wala na akong babaeng nakikitang nakadikit o nakabuntot sa kanya simula nang manligaw siya. Hindi ko nga lang alam kung ano na nga bang napag-usapan nilang dalawa ni Ares dahil

