Kabanata 18 A T H E N A Ilang segundo lang kaming nagkatitigan bago siya tumalikod at lumakad palayo. Agad naman akong kumilos upang habulin siya. Mabuti na lamang at mukhang busy na si Cassandra sa kasayaw niya ngayon kaya hindi na niya namalayan ang pag-alis ko. Mabilis ang lakad na tinungo ko ang palabas. Halos madapa pa nga ako dahil medyo hilo na din talaga ako pero nagtuloy tuloy pa din ako hanggang sa tuluyan na akong makalabas ng bar. Nagpalinga-linga ako sa paligid upang hanapin siya. Napabuntong hininga ako nang sa wakas ay makita ko siya. Nakasandal na siya ngayon sa kanyang pulang sasakyan. Nakatitig lang siya sa akin at walang reaksiyon ang kanyang mukha. Bumilis ang t***k ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan kaya napahawak ako duon. May kinalaman din ba ang alak sa bigla

