bc

No More Play

book_age12+
14
FOLLOW
1K
READ
HE
sweet
bold
campus
like
intro-logo
Blurb

Crush ni Rylen si Dexter, but sad to say, numero unong alaskador si Dexter. Madalas pa ay biktima siya ng mga prank nito na nauuwi sa detention. Hindi niya maamin sa binata ang nararamdaman dahil alam niyang wala itong gagawin kundi ang asarin siya. Pero nagulat na lang isang araw si Rylen na si Dexter na ang kusang lumalapit sa kaniya at hiniling pa na maging tutor siya sa Math. Papayag ba si Rylen kung ang ibig sabihin noon ay mapapalapit siya sa binata o iiwas siya dahil baka isang bitag na naman ng mga prank nito iyon?

~One-shot Story~

chap-preview
Free preview
PART 1
Bakit ang puso kahirap pigilan? Tumitibok sa hindi naman dapat. Ito ang madalas na tanong ni Rylen sa sarili lalo kapag dumadaan ang crush niya sa tapat niya at hindi man lang siya napapansin. Para siyang alikabok sa hangin na kahit makapuwing ay hindi papansinin. “Rylen, hindi ba at si Dexter ‘yung dumaan?” kulbit ni Allysa sa kaniya na kadarating lang. Matalik niyang kaibigan ito simula noong Grade 7 sila. Ngayong ga-graduate na sila ng Grade 12, palagi pa rin silang magkasama. “Kahit naman anong pagdaan niya, ano namang gagawin ko? Alangan namang pumunta ako sa gitna at ibuka ang mga kamay ko sa kaniya,” sarkastiko niyang saad sa kaibigan. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa bench at isinakbit ang bag sa balikat niya. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa kanilang classroom. Mahirap ng abutan pa sila ng bell sa labas ng clssroom. Tiyak na sa labas sila buong period kapag nauna ang teacher nila sa loob ng classroom. “Wala naman akong sinabing ganoon ang gawin mo, ah.” Humabol sa kaniya si Allysa. “Wala nga. At alam mo ring wala akong pwedeng gawin. Malaman niya lang na crush ko siya ay baka iyon na rin ang magiging katapusan ng maliligayang araw ko.” Agang-aga ay nagmamaktol siya. Kung hindi ba naman kasi sa dinami-dami ng lalaking magugustuhan niya ay sa isa pang gwapo, matalino, habulin ng mga babae, at isang sikat na alaskador pa siya nagkagusto. “Hi, Rylen!” Hindi inaasahan ni Rylen na masasalubong pa niya si Dexter sa may pinto ng room. Kaklase niya ito kaya naman hindi kataka-taka iyon. Ang nakapagtataka lang ay mag-isa itong nasa labas ng room at wala ang mga alipores nitong parang bangyaw na laging nakasunod rito. “Una na ako, Rylen,” bulong ni Allysa sa kaniya bago dali-daling pumasok sa loob ng room. Binigyan pa siya nito ng isang kindat. “Hey, Dexter,” matamlay na bati niya kahit na ang totoo ay kumakabog ang dibdib niya sa tuwing nakakausap niya ito. Nabubuhay ang dugo niya at bawat himaymay ng katawan niya na para bang gusto niyang magtatalon. Mga bagay na hindi niya pwedeng gawin lalo na sa harap nito. “Bakit ba ang aga-aga ay ang tamlay mo?” tanong ni Dexter sabay mahinang tapik sa likuran niya. “Dapat inuumpisahan ang umaga ng masaya para buong maghapon at buong linggo ay masaya.” Ngiting-ngiti itong muling tinapik siya sa likod bago sa balikat. “Ngiti na!” Nagpumilit siya ng ngiti bago nilagpasan ito. May mga araw na hindi siya pinapansin nito pero may mga pagkakataon namang nilalapitan siya nito at kinakausap siya. Madalas nga lang nangyayari iyon kapag nasa mood itong kulitin siya. Hindi na siya nag-isip ng dahilan kung bakit agang-aga nitong bumati gayong kaninang pagdaan nito sa bench ay parang wala lang siya doon. Naglakad siya patungo sa kaniyang upuan na nasa pinakalikod ng classroom. May ilan ng mag-aaral sa loob ng classroom at ang isa sa ipinagtataka niya ay ang makahulugang tinginan ng mga ito. Gumapang ang pamilyar na kilabot sa kaniyang likod. May nararamdaman na naman siyang hindi magandang mangyayari ngayong araw. Pinili niyang magkibit-balikat at nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa may maramdaman siyang tila humihila sa damit niya sa likuran. Kagyat na nagsalubong ang kilay niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad at tila mas lalong dumiin ang humihila. Hindi na siya nakatiis kaya kinapa niya ang likuran. Doon na nagsimulang magtawanan ang mga kaklase niya ng may makapa siyang nakakapit na papel sa likuran niya. Hinila ni Rylen ang papel sa likod niya. May nakasulat sa papel na “Pull Me.” Naguguluhan niyang ibinaliktad ang papel at doon niya napagtanto na may taling nakakapit doon. Hinila niya ang tali pero hindi niya makita ang dulo. Hinila niya muli at sa pagkakataong iyon ay mas mabilis pa. Sa bawat hila niya ay nagtatawanan ang mga kaklase niya. “Go, Rylen!” “Hila lang!” “Wag kang titigil!” Kaniya-kaniya nang pagche-cheer sa kaniya ang kaniyang mga kaklase. Pero iyon ang klase ng cheer na nagmumukha lang siyang nakakatawa sa harap ng mga ito. Kung tutuusin ay dapat tumigil na siya pero dala ng kaniyang kuryosidad kung ano ang nasa dulo ng taling iyon ay nagpatuloy siya sa paghila. Nang naging pabigat ang paghila niya ay ginamitan niya ng buong lakas ang paghila hanggang sa pumasok ng classroom ang isang nakabilot na parang magazine. Sa pagkakataong ito ay tumigil na siya nang paghila. Nilapitan niya ang nakabilot na magazine at pinulot. Natahimik ang buong paligid habang inaalis niya ang pagkakatali sa nakabilot na magazine. At nang tuluyan niyang maalis ang tali at makita ang magazine, napuno ang buong classroom ng malakas na tawanan. Sinasabi na nga ba niya. May hindi na naman magandang mangyayari. Isa lang naman ang kilala niyang madalas puno’t dulo nang pang-aasar. “Dexter!” malakas niyang sigaw at inilibot ang mga mata sa buong classroom. Sa kasamaang-palad ay wala na ang lalaki sa silid. “Humanda ka talaga sa akin!” dugtong pa niya habang hawak pa rin ang magazine at ikinukumpas sa ere. Dahil sa ginawa ay naglitawan ang mga larawan sa loob at labas ng babasahin na siyang naging dahilan kung bakit lalong nagtawanan ang mga kaklase niya. “Grabe ka, Rylen. Hindi ko alam na mahilig ka pala sa ganiyang magazine,” kantiyaw ng isa sa mga kaklase niya. “Mali ha. Baka ganiyang mga katawan ang gusto ni Rylen,” wika naman ng isa na lalong ikinalakas ng tawanan ng mga kaklase niya. Gustong mag-init ng buong tenga niya. “Manahimik ka diyan!” angil niya sa mga ito. “Bes, ilagay mo na lang kaya iyan diyan,” bulong ni Allyza sa kaniya nang makalapit. “Baka mamaya ay ikaw pa ang mapag-abutan at masisi kapag nakitang hawak mo iyan. Padating na din si Mrs. De Leon.” “Hahanapin ko muna iyang Dexter na iyan nang maihampas ko sa kaniya itong Men’s Magazine niya!” nagpupuyos sa galit na anas niya. “Pero Rylen—“ “Ako ng bahala dito,” determinadong aniya. Desidido talaga siyang maihampas sa gwapong mukha ni Dexter ang magazine na iyon. Hahakbang pa lang siya nang biglang lumitaw si Dexter sa may pinto. Sa hitsura nito ay para bang wala lang na nangyari. “Hoy, Dexter!” agaw-pansin niya sa binata. Nilingon siya nito at kaagad lumabas ang kakaibang ngiti sa labi nito. Gwapo sana ito kung hindilang kalahati ng utak nito ay puro kalokohan. “Hoy ka din, Rylen.” “Napakawalanghiya mo talagang lalaki ka!” sigaw niya habang papalapit dito. Kung kanina ay nabubuhay ang dugo niya dahil sa kilig ngayon ay nabubuhay ang dugo niya sa inis. “Oh? Bakit ano namang ginawa ko sa’yo? Kararating ko pa lang dito,” painosenting tanong ni Dexter. Humakbang lang ito ng isa papasok ng pinto pero hindi na nagpatuloy. Nakahawak ang kamay nito sa may hamba ng pinto na para bang may hinihintay na makapasok. “Painosenti ka pa? Ito isaksak mo sa baga mo!” naiinis niyang sigaw sabay bato dito ng magazine. Lumipad sa ere ang magazine papunta sa direksyon kung nasaan si Dexter. Ngunit mukhang inaasahan na nito na gagawin niya iyon dahil mabilis itong nakaiwas. Sa kasamaang palad ay siya namang pagdating ni Mrs. De Leon, ang kanilang teacher. Tila tumigil ang mundo niya habang pinapanood ang magazine na lumipad sa ere, lumagpas kay Dexter, at tumama sa noo ng kanilang teacher. Nanluwa ang mga mata niya sa gulat habang nakatingin sa guro na tila sandaling nawala sa sarili. Parang iisang tao naman na napasinghap ang mga kaklase niya nang mapaurong ang guro dahil sa ibinato niyang magazine. “Lagot,” bulong niya sabay tutop ng bibig. Napangiwi si Mrs. De Leon dahil sa tumama sa noo niya. Hinaplos-haplos nito ang noo habang hinahanap kung sino ang bumato. Bumagsak sa kaniya ang mga mata nito. “Miss Rylen Romualdez?” hindi makapaniwala ang tinig ng kanilang guro habang nakatingin sa kaniya. Namimilog ang mga mata nito habang ang noo ay namumula. Ang bangs nitong pantay na pantay kanina ay nawala na sa linya. “S-sorry po, Ma’am,” hinging paumanhin niya habang hindi pa rin maalis ang pagkakatutop ng kamay sa bibig. “You threw thi—“ Natigil ang pagsasalita ni Mrs. De Leon nang mapatungo sa magazine na naibato niya. “Oh my gosh! What is the meaning of this Miss Romualdez?” “Ma’am, hindi ko po sinasadya.” “So, this is really yours.” Lalong namilog ang mga mata nito at ang buong mukhang namumula na dahil ng astrigen at mas lalong namula. “Come to my office!” mahigpit na utos nito. “Pero Ma’am…” “No more buts!” “Magpapaliwanag po ako.” “No! Save your explanation for later!” inis na saad ng guro bago nagmamartsang tinalikuran sila. Napuno ng tawanan ang buong silid nang tuluyang makaalis si Mrs. De Leon. Bagsak ang balikat na nilingon niya si Allysa. Apologetic ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Sabagay, kung nakinig siya dito kanina ay baka hindi mangyayari iyon. Pero dahil sa katigasan ng ulo niya ay iyon ang napala niya.  “Paano ba iyan, Rylen? Better luck next time,” nakangising saad sa kaniya ni Dexter pagkatapos nitong lumapit sa kaniya at tapikin siya sa balikat. Pinanningkitan niya ito ng mata. “Napaka mo talaga!” naiinis niyang bulyaw dito bago nagmamartsang tumalikod. Labag man sa loob ay sumunod siya kay Mrs. De Leon. Ito ang isang mapait na katotohanan. Nahulog siya sa isang notorious na alaskador na lalaki. Oo, gwapo at matalino si Dexter pero nuknukan ito ng pagiging prankster. Araw-araw na lang ay may pina-prank ito na kadalasan ay nauuwi sa detention at guidance office. Wala naman basta maniwala na gumagawa ito ng kalokohan dahil wala namang sobrang injury na nagaganap at dahil mautak din ang mokong. Ngunit ang masakit sa lahat, kahit siya ay hindi makalusot sa kalokohan nito. Kaya nga hindi niya rin masabing crush niya ito ay dahil sa taglay na ring pagiging palabiro. Oras na malaman nitong crush niya ito ay tiyak na araw-araw magiging impyerno ang buhay niya. NANGHIHINANG ibinaba ni Rylen ang huling hilera ng mga libro. Dahil sa nangyari kanina ay naparusahan siya ng isang linggong paglilinis sa library ng mga shelves na madalang nagagamit. Bawat araw ay kailangan niyang makapaglinis ng 45 minutes. At kailangan niyang matapos iyon ng walang paltos. Ipinagpasalamat na lang niya at kahit papaano ay may awa ang librarian. Ang ipinalilinis lang nito ay iyong mabababang shelves. Nang maibaba niya lahat ang mga libro ay pinunasan niya ang shelf. Minadali niya na ang ginagawa. Kanina pa nakapag-uwian ang mga kaklase at kaibigan niya pero siya ay abala pa sa paglilinis. Lalabas pa sana sila ni Allysa ngayon para mag-milktea. “Hay! Nakakainis talaga,” frustrated niyang bulong. Naaawang naiinis sa sariling ibinagsak niya ang basahan sa sahig. Gusto niya din sanang umuwi ng maaga lalo pa at may inaasikaso siya para sa darating na kaarawan ng nakababatang kapatid niya. Sasamahan pa nga sana siya ni Allysa na mamili pero dahil sa nangyari ay naunsyami lahat ng nakapalano niyang gawin. Hindi pa naman siya pwedeng makamintis ng araw dahil pinaghahandaan at plinano talaga nila ng mga magulang ang birthday nito. “Hoy, hindi ka matatapos diyan kung magmumokmok ka lang,” ani ng tinig lalaki na bigla na lang nagsalita. Mabilis na napatuwid siya ng tayo. Ang alam niya ay sila na lang ng librarian sa library kaya hindi niya inaasahan na may etudyante pa. Pero nang makilala niya kung sino ang nagsalita ay awtomatikong bumangon ang inis sa dibdib niya. Sa halip na batiin ito ay inikutan niya ito ngmata. Pinulot niya ang basahan at muling pinagpatuloy ang ginagawa. “Kumusta naman ang paglilinis?” tanong pa ng lalaki. Hindi siya nagsalita at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa. Mas binilisan niya ang pagpupunas ng shelf. Isinunod niyang pagpagan ang mga libro. At nang ipapatas niya na iyon ay isang pares ng kamay ang umagaw sa kaniya ng mga libro. “Ano ba—“ “I’m talking to you,” malamig na saad ni Dexter, ang lalaking dahilan kung bakit siya naparusahan ng ganoon at ito pang may ganang maging cold sa kaniya. “Pwes, wala akong pakialam,” may diing saad niya at binawi mula dito ang libro. “May pakialam ka dahil ako ang nakikipag-usap sa’yo,” makahulugang saad ni Dexter sabay bawi ng libro mula sa kaniya. Sa gulat pa niya ay ito na ang nagsimulang magpatas ng mga libro. Hindi niya inaasahan ang ginawa nito pero hindi niya rin naunawaan ang ibig sabihin nito. Pakiramdam niya ay natuod na siya sa kinatatayuan habang pinapanood ang binata na magpatas ng mga librong pinunasan niya. Ngayon niya lang ito lubusang napagmasdan ng malapitan. Kahit magkaklase sila at crush niya ito ay madalang na mapagmasdan niya ito nang malapitan. Matangkad si Dexter. Malago ang itim na itim na buhok nito. Medyo singkit ang mga mata nito na tenernuhan ng malalantik na pilik at manipis na kilay. Hindi ganoon katangos ang ilong nito pero hindi rin naman pango. Sakto lang. Ang manipis nitong mga labing madalas na may mapaglarong ngiti sa labi ay bumabagay sa buong features ng mukha nito. Siguro nga kung naging babae ito ay mas maganda pa ito sa kaniya. At mas mukhang maamo rin. Isa pang dahilan kaya napakadaling mahulog sa bitag ng mga napa-prank nito. Para itong mapanglinlang na tigre na nagtatago sa katawan ng isang maamong tupa. Sad to say, isa siya sa mga nahuhuli nito sa bitag. Wala sa huwisyo na sumandal siya sa bookshelf at nasisiyahang pinanood ang binata sa ginagawang pagpapatas ng libro. Hanga talaga siya sa tangkad nito. Nagtataka nga siya at hindi ito sumasali ng basketball. Maganda rin naman ang pangangatawan nito na hindi niya mapigilang titigan. Nakabukas ang polo nito kaya bahagyang nakalitaw ang puting undershirt nito. Hindi ito maangas tingnan. Sa halip para bang ang cool, cool niya. Madalas man itong napupuna dahil sa pananamit pero pagkakaraan naman ay para bang wala lang. “Ano? Tutunganga ka na lang ba diyan?” sarkastikong untag sa kaniya ni Dexter na pumutol sa pagpapantasiya niya sa lalaki. Napakurap-kurap siya at tila nagising sa mahimbing na pagkakatulog. “Anong?” Hindi siya makapaniwala nang makitang maayos nang nakasalansan ang huling hilera ng librong ipinapatas niya kanina lang. “Okay na?”may angas na tanong ni Dexter sa kaniya. “Wag ka nang umiyak diyan,” nakangisi pang dugtong nito. Napamulagat siya dito. “Hindi ako umiiyak!” “Really, Rylen?” “Of course. Bakit ko naman iiyakan ang mga ganitong bagay?” nagmamatapang na tanong niya. Nagkibit-balikat ito. “Maybe, you’re just too soft.” Hindi siya nakapagsalita saitinuran nito. “Well, I’m just checking things out.” That was his last drop before he turned his back at her. Wala na ang binata pero hindi pa rin siya makapaniwala na tinulungan siya nitong patasin ang mga libro. May tinig na bumubulong sa kaniyang baka hindi rin ginusto ng binata ang nangyari. Ngunit desidido siya na kahit anong mangyari, hindi mapapalambot nang ginawa nito ang puso niyang inis na inis dito. Hindi dahil crush niya ito ay ganoon lang kadali niya palalampasin ang ginawa nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.1K
bc

Rewrite The Stars

read
101.5K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook