LAST PART

2368 Words
Kagaya ng sinabi ni Rylen noon, hindi siya hihingi ng bayad. But Dexter had his own way of appreciating her efforts in teaching him. “Ano bang palagay mo sa akin? Patabaing baboy?” sarkstiko niyang tanong habang iniisa-isang tingnan ang pagkaing ibinaba nito sa ibabaw ng mesa. Nasa park sila, sa bench sa ilalim ng punong mangga. Last turo niya na dito dahil summative na nila next week. Pero ang mokong at balak pang gawing picnic ang last tutorial nila. “Agad na? Hindi ba pwedeng biik lang muna?” pagbibiro ni Dexter na sinundan ng halakhak. “Ah ganoon?” Masama ang tinging tanong niya. “Joke lang. Ano ka ba? Masasarap ang mga iyan. Itong mga cookies ay bake ni Ate Des. Itong muffins ay si Ate Della naman ang gumawa. Itong mochi galing naman kay Ate Dalla.” Mahabang salaysay nito habang inisa-isang itaas ang transparent na tupperware na may lamang cookies, muffins, at mochi. Bawat tupperware ay may pulang ribbon na nakatali. Ang cute din nang pagkaka-set up. “Hindi naman halatang may bakeshop kayo.” “Sinabi mo pa. Noon pa nila ako kinukulit na dalahin ka minsan sa shop namin. At dahil hindi pa nila ako mapilit ngayon, pinadala nila ito sa akin.” Napangiti siya habang pinapanood si Dexter na namumula ang pisngi. Hindi niya alam kung dahil sa mga dala nitong babaing-babae ang pagkaka-prepare o ang sinabi nitong dadalahin siya sa shop ng mga ito. Sa kabilang banda, nakakataba ng pusong marinig iyon mula rito. Noong una, hindi siya makapaniwala na bunso at nag-iisang anak na lalaki pala si Dexter. Lahat ng pangalang binanggit nito kanina ay mga nakakatandang kapatid na babae nito. May mga pagkakataong nakukwento nito ang mga kapatid at base sa mga kwento nito ay close ito sa mga kapatid. “May padala pa nga si mommy, eh.” Mula sa unang mga pagkain na inilabas nito kanina ay bumalik ang tingin niya kay Dexter. May something sa tinig nito na para bang nag-aalangan ito. May inilabas itong magkapatong na hugis rectangle na black tupperware. “Alam ba nila na mag-aaral ka at hindi magpi-picnic?” nakakiling ang ulong tanong niya habang nakaabang sa pagbubukas na gagawin. “Ilang beses kong sinabi na mag-aaral tayo, magre-review pero pag-alis ko kanina hindi pwedeng hindi ko dala lahat ng ito. Kaya uubusin mo lahat iyan. Lalo na ito.” “Grabe naman kung mauubos natin ito.” “Malay mo. Mahaba naman ang buong araw. Anyways, mahilig ka sa Korean foods ‘di ba?” “Sort of.” “Tiyak magugustuhan mo ito,” nakabungisngis na turan ni Dexter habang binubuksan ang tupperware. Namilog naman kaagad ang mga mata niya nang makita ang laman ng lalagyan. “Dosirak ba iyan?” hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango si Dexter. “Uhuh. Si mommy ang gumawa nito.” Namimilog ang mga mata niyang nilingon. “Talaga? Mahilig din ba sa inyo nito.” “Mahilig? Hindi ko sure kung iyon ang tamang term lalo na at may mga kapatid kang avid fan ng mga Kdrama.” “Mahihilig din sila sa Kdrama?” masiglang usisa niya na pinagsalikop pa ang dalawang kamay. “Hindi lang mahilig. Sobrang hilig.” Halos malukot ang mukha nito habang nagsasalita. “Ay bakit ganiyan ang mukha mo?” Pinaikot nito ang mga mata. “Stop asking. Kumain na lang tayo,” pag-aaya ni Dexter. “Yep!” malakas niyang pagsang-ayon. Inabot niya ang chopsticks at sabay silang kumain. Sa buong panahon na palaging minamasdan ni Rylen sa malayo si Dexter. Sa tuwing pinapanood niya itong humahagalpak ng tawa sa tuwing may successful na prank. O kaya ay sa mga panahong minamasdan niyang parang maamong tupa ito kapag nasesermunan ang buong klase dahil sa kalokohan ng magbabarkada nito. Hindi niya naisip na makakasabay niyang maglakad, mag-aral, kumain, at tumawa si Dexter. Buong akala niya, imposibleng mapalapit sa isang alaskador na gaya ni Dexter. Pero hindi pala. Ngayong huling araw ng tutor nila. Hindi alam ni Rylen kung magiging ganoon pa rin ba ang samahan nila ni Dexter pagkatapos ng lahat. Hindi niya alam kung magiging ganoon pa ba sila ka-open. Pero ano’t anuman, ite-treasure niya ang mga oras na kasama ang lalaki. “After ng summative, ilang linggo na lang ang ipapasok natin.” Pagkaraan ng mahabang katahimikan ay saad ni Dexter. “Oo nga,” pagsang-ayon niya. Tapos na silang kumain. Muntik na nilang naubos ang pagkaing dala ni Dexter. Tapos na rin silang mag-review at kasalukuyan nang nakaupo sa damuhan. Magkatabi silang nakasandal sa ilalim ng puno. Pinapanood nila ang mga ulap na para bang nag-uunahan sa langit. “May plano ka na kapag nag-college ka?” tanong ni Dexter. “Gusto kong maging nurse,” tugon niya. “Talaga?” “Uhuh. Ikaw ba?” nilingon niya ito. Sandaling nag-isip si Dexter bago sumagot. “Wala pa akong maisip pero pwede ring maging doctor ako para tandem tayo.” “Doktor? Baka mamaya kawawa lang ang mga pasyente sa’yo.” “Grabeng judgemental ito. Hindi ba dapat nga ‘yung mapapasaya sila para mas mabilis silang gumaling?” “Tama naman kaso baka mamaya kung anong prank ang gawin mo at atakihin sa puso ang pasyente mo.” Wala siyang nakuhang tugon mula kay Dexter. Nang lingunin niya ito ay tahimik itong nakatingin sa ulap. “Oh bakit ang tahimik mo na?” tanong niya na sinundan ng marahang pagbangga sa balikat nito. “Tumupad ako sa pangako ko na kapag tinuruan mo ako ay magseseryoso na ako. Successful ba?” Lumingon ito sa kaniya. May kakaibang kislap nang pag-aasam sa mga mata nito. “Dexter…” “Pagkatapos ba ng tutorial na ito ay kakausapin mo pa rin ako?” tanong pa ni Dexter habang masuyong nakatingin sa kaniya. “Papansinin mo pa rin ba ako? Pwede pa rin bang sabay tayong pumasok, maglakad papuntang classroom at kumain kapag lunchbreak?” Napalunok si Rylen. Kanina lang ay iniisip niya ang mga tanong na iyon. But hearing it from Dexter made her heart flutter. “G-gusto mo pa rin akong kasabay?” Ngumiti si Dexter sabay tango. “Oo naman. Gustong-gusto.” That time, siya naman ang ngumiti. “Walang halong biro?” Hinarap siya ni Dexter. “Nangako ako sa’yo noon na seseryosohin na kita. So, walang halong biro. Walang halong prank o kung anuman. Gusto pa rin kitang makasama, Rylen.” Pakiramdam ni Rylen ay sasabog na ang kaniyang dibdib sa sobrang saya. Gusto niyang yakapin ito at umiyak pero kinalamay niya ang sarili. Masiyado naman siyang halata kapag ginawa niya iyon. “Last tutorial na natin, Rylen. Pwede bang humingi ulit ako ng isa pang request?” Tumango siya. “Sure. Basta ba walang detention na kasunod.” Sunod-sunod na umiling ito. “Wala. Promise. This time mas sisikapin kong walang halong biro lahat.” “Ano ba iyon at ganiyan ka kaseryoso?” kinakabahang tanong niya. “Kapag naka-perfect ako sa summative natin sa Math, papayagan mo ba akong manligaw?” Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon ni Dexter. “Dex…” “Seryoso ako, Rylen.” Inabot nito ang kamay niya at marahang pinisil iyon. “Matagal ko nang gustong magsabi sa’yo pero nauunahan ako ng takot kaya lahat na lang ay idinaan ko sa biro. Gusto kong pangitiin at patawanin ka. Hindi ko magawa kapag tayo lang kaya ginagawa ko na lang sa tuwing makakaisip ako ng prank. I know that my way wasn’t the best thing. Pero iyon na lang ang naisip ko noon.” Tumigil si Dexter nang pagsasalita pero nanatiling walang sinasabi si Rylen. Walang ibang babae ang nagpakabog ng ganito ng dibdib niya. Walang babae ang nagpaseryoso sa kaniya maliban kay Rylen. Totoong matagal niya ng gustong lapitan ito pero palagi din siyang nauunahan ng takot. At ngayong may pagkakataon na siya, hindi niya aaksayahin ang lahat. “Hindi 50% o 75% o kaya ay 90%. Gagawin kong 100% ang summative ko sa Math. Tatandaan ko lahat nang pinag-aralan natin. Aalalahanin ko lahat ng tips mo. Seseryosohin ko ang pagsasagot. Ipapakita kong kahit ganito ako, worth it ako ng tiwala mo.” Walang makapang salita si Rylen. Hindi niya lubos akalaing ang lalaking minamasdan at minamatiyagan niya sa malayo ay mahal din pala siya. Nagpakawala siya nang malalim na buntonghininga. Hinarap si Dexter at kinuha ang kamay niyang hawak nito. Nakakita siya ng sakit sa mga mata nito pero inignora niya iyon. Sa halip, ipinatong niya ang kamay sa balikat nito at masuyo itong tiningnan. “Just pass the test at papayagan kitang manligaw. Hindi kailangang 100%. Ipasa mo lang. Maka-graduate lang tayo ng sabay, sapat na.” “Talaga?” paninigurado ni Dexter. “Yep.” “Walang halong joke or prank iyan?” “Sira! Linya ko iyan ah.” “Sagutin mo na lang.” “Oo nga eh.” Tunay na walang nakakaalam nang mangyayari bukas, mamaya, o makalwa. Wala ring nakakaalam kung paano at ano ang pwedeng magpabago sa isang tao. Pero may isang alam si Rylen na kayang pagbaguhin ang puso at karakter ng tao—at iyon ay ang pag-ibig. “Rylen!” Napatayo si Rylen mula sa pagkakaupo sa bench nang marinig niya ang malakas na tawag ni Dexter. “Mukhang labas na ang result nila,” komento ni Allysa. Una kasing na-release ang test paper ng mga babae kesa sa mga lalaki. Halos kanina pa nga sila hindi mapakali dahil excited na sila sa score ni Dexter. “Ano?” salubong niya kay Dexter. “Nakuha ko na ang test paper,” excited na anunsyo ni Dexter. “Oo nga. Kita nga namin,” Allysa stated the obvious. Hindi ito pinansin ni Dexter at inabot sa kaniya ang test paper. “Ikaw na ang magbukas.” “Pero…” “Come on, Rylen. Ikaw ang nagturo sa akin at anuman ang maging result niyan, tatanggapin ko ng maluwag gaya nang napag-usapan natin.” Halatang excited na may halong kaba ang mukha ni Dexter. “Look, Dex. Ako ang nagturo sa’yo pero ikaw ang nagsagot ng summative. At ‘di ba, sabi ko naman sa’yo, hindi kailangang 100%. Makapasa ka lang at makasabay naming grumaduate, papayagan kita. So, open it for yourself.” Hindi kaagad tinanggap ni Dexter ang papel kaya inilagay niya sa palad nito. Nanginginig ang mga kamay na dahan-dahan niyang binuksan iyon. Nang tuluyang makita niya ang score ay ilang mga salita lang ang pumasok sa isip niya. This time, no more play. “Seryoso kang balak mong mag-doktor?” pailang tanong na ni Rylen sa kasintahang si Dexter. “Yes, baby.” “Baka naman kaya mo lang gustong mag-doktor ay dahil magna-nurse ako.” Hinapit ni Dexter sa bewang ang kasintahan. “Nope. Tsaka kahit nurse ka na at doctor na ako, mababa ang posibilidad na magkasama tayo sa trabaho. It’s my decision.” Nagkibit-balikat si Rylen bago ikiniling ang ulo sa dibdib ng kasintahan. “Basta kung saan ka magiging masaya, susuportahan kita.” “Thank you, baby.” Hinaplos nito ang buhok niya. “But for now, kailangan munang maging successful itong birthday ni Reese.” Tiningala ito ni Rylen bago nginitian. “Thank you sa pag-alalay sa akin noon.” “No worries, baby. Worth it naman kung ganito kagandang babae ang kayakap ko.” Lalong humigpit ang pagkakahapit ni Dexter sa bewang niya. “Baka naman magulo na niyang ang dress ko. Ilang oras din kayang inayusan ako ni Ate Des.” Sibangot niya dito habang bahagyang lumalayo upang ayusin ang kulay navy blue na dress. A-frame ang style noon kaya hapit sa upper body at loose naman simula waist hanggang baba. “Kahit wala kang make-up, maganda ka pa rin. Mas pinaganda ka lang lalo ni Ate.” “Still, thanks to her.” Ngayon ang 7th birthday ng kapatid niyang si Reese. Malaki ang agwat ng edad nila ng nakababatang kapatid pero sobrang ka-close niya ito. Months before ay sinimulan niya nang paghandaan ang birthday ng kapatid. Dahil nag-aaral pa lang siya, sa allowance niya siya kumukuha. Nang magsimula siyang mag-tutor kay Dexter, hindi talaga siya tumanggap ng bayad pero nang malaman ng mga kapatid nito ang kwento nila, nagkaniya-kaniyang initiate ang mga ito ng pagbe-bake ng cakes at pagpe-prepare ng desserts para sa birthday. Ang Ate Des din ni Dexter ang nag-ayos sa kaniya. “Kahit saang anggulo ko tingnan, ang ganda mo talaga,” bulong ni Dexter nang magkaroon nang pagkakataong masukol siya sa isang tabi. Pinandilatan niya ito. May hawak siyang tray ng cupcakes. Kumuha siya ng isa at isinubo sa boyfriend. “Ikain mo na lang iyan at baka gutom ka na.” “Hindi ahmm…” Hindi na natuloy nito ang sasabihin dahil napilitang nguyain ang isinubo niyang cupcake. “Maupo ka muna doon at pupuntahan ko pa ang ibang bisita.” Ngumuso ito. “Pwedeng ako muna ang intindihin mo?” paglalambing nito. Tinaasan niya ito ng kilay. “Ano ka? Batang kulang sa aruga?” “Grabe ito.” Humagikhik siya. “Sige na. Dadalahin ko lang ito at kakain din muna ako.” “Ikukuha kita ng foods?” Malambing na ngumiti siya. “Yep. Sa terrace tayo kumain.” “Okay, baby.” Nang madala ni Rylen ang mga cupcakes ay sumunod siya kay Dexter sa terrace. Medyo tago iyon sa kasiyahan kaya hindi gaanong abot ng ingay. Ilang minuto ang dumaan na magkatabi lang silang dalawa. Pinakikiramdaman ang isa’t isa. Sinasamantala ang bawat sandaling magkasama sila. “I never thought na mangyayari ito,” basag ni Dexter sa katahimikan. “And so do I.” Umamin na siya ditong crush niya ito. Inaasahan niyang hahambugan na naman nito pero wala siyang nakita kundi saya sa mga mata nito. Hinuli ni Dexter ang kamay niya at iniharap siya. “Hindi ko alam kung saan tayo patungo pero isa lang ang maiipangako ko. Walang halong prank, walang halong joke, mamahalin kita ng buong puso.” “Seryoso?” “Seryoso,” pagkumpirma ni Dexter. Binigyan niya ito nang malabing na ngiti bago naglambitin sa may batok nito. “Mahal kita, Dexter. Mahal mo ba ako?” “Mahal na mahal, Rylen.” *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD