PART 3

2624 Words
Habang daan ay abala siya sa pag-iisip sa maaaring mangyari nang isang malakas na bati ang pumukaw ng atensiyon niya. “Hi, Rylen!” “Iba na ito, girl. Hindi ko alam kung malaki ang tama niyan sa’yo o siya na ang may tama,” pasimpleng bulong ni Allysa sa kaniya. Inginuso nito si Dexter at ang grupo nito na nakatambay sa gilid ng hallway. Pare-parehas nakangisi ang mga ito habang nakatingin sa kanila. “Don’t mind them,” mahinang aniya kay Allysa. Iniiwas niya ang tingin kina Dexter. Tuwid ang tingin na naglakad siya hanggang marating nila ang tapat ng mga ito. “Ang suplada naman,” komento ng isa sa kasama ni Dexter. “Hi daw,” segunda pa ng isa. “Naitago mo pa ba ang Men’s Magazine na ibinato mo kay Ma’am kahapon,” biro pa ng isa sa mga lalaki. Alam niyang hindi ganoon kadaling mamamatay ang isyu na iyon. Kanina nga lang ay halos umubob na lang siya sa buong klase dahil palaging masama ang tingin sa kaniya ni Mrs. De Leon. Bigla-bigla pa ay napupunta sa ethics ang lesson nila ganoong English teacher niya naman ito. Hindi niya pinansin ang mga birong iyon at taas-noong nilagpasan sila. Kaso mukhang tama ang sinabi ng kaibigan niya na siya ang putahe ni Dexter ngayong linggo dahil bigla na lang itong sumabay sa paglalakad niya. “Hindi ka na naman namamansin,” puna ni Dexter. “May gagawin ako,” malamig niyang wika. “Talaga o iniiwasan mo lang ako?” May something sa tinig ni Dexter pero hindi niya iyon maunawaan. “At bakit ko naman gagawin iyon?” taas-kilay niyang tanong. “Ewan ko din sa’yo. Oo nga pala, perfect ako sa Math,” pagkaraan ay anunsiyo nito habang may malapad na ngiti sa labi. Nagdesisyon siyang huwag na lang itong pansinin. Nagpatuloy naman ito sa pagsabay sa kaniya sa paglalakad. “Nagulat si Miss Vasquez sa score ko,” dugtong pa nito. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Hindi niya ito pinansin o tiningnan man lamang. “Hoy, Rylen,” tawag nito sa kaniya na sinamahan pa ng munting kulbit. “Okay. Good for you,” simpleng tugon niya habang patuloy sa paglalakad. “Well, hindi. Alam kasi ni Miss Vasquez na nahihirapan ako sa topic natin ngayon sa Math kaya nagdududa siya kung paano ako nakakuha ng tamang sagot lahat.” Doon na siya tumigil sa paglalakad at nilingon ito. “Anong ibig mong sabihin?” Lumitaw na naman ang nakakalokong ngiti sa labi nito nang muling magsalita. “Hindi ko sasabihin na pinatulad mo ako.” Naningkit ang mga mata niya. “’Yung seryoso?” “Siyempre hindi niya pwedeng malaman na pinakopya mo ako dahil mas malalagot ka kapag nalaman niya tapos sasabihin niya kay Mrs. De Le—“ “Manahimik ka nga.” Pinanlakihan niya ito ng mata at mabilis na hinila ito palayo. “Rylen!” tawag ni Allysa sa kaniya. Mabilis na nilingon niya ang kaibigan. “Mauna ka na. May gagawin lang ako,” sigaw niya dito. “Pero!” pagtutol ng kaniyang kaibigan. Hindi niya pinansin ito at ang malalakas na tawanan at paamboy ng mga kaibigan ni Dexter ng ito rin ay nagsabi ng,”umuna na rin kayo.” Nang medyo malayo na sila ay nilingon siya ni Dexter. “Wow, grabe ka. Kanina lang ayaw na ayaw mo akong kausapin ngayon naman excited na excited kang masolo ako.” “Manahimik ka diyan,” asik niya dito. “Mahirap manahimik kung ganiyang hinihila mo ako. Baka mamaya kung ano nang gawin mo sa akin.” Kunwa’y nahihintakutang saad ni Dexter. Nang makarating sila sa gilid ng building ay pabalang na binitiwan niya ito. “Asa ka naman.” “May maaasahan ba ako sa’yo?” naging pilyo ang ngiti nito pero dahil wala siya sa huwisyo na makipaglokohan ay inignora niya ang pasaring nito. “Ano bang problema mo at ginaganito mo ako?” gigil niyang tanong. Pinagsalikop nito ang palad sa likod ng ulo. “Wala pa akong ginagawa. Ikaw nga itong humila sa akin tapos sasabihin mo sa akin ay kung bakit kita ginaganito.” “Anong wala? Ano sa palagay mo itong ginagawa mo? Iyong kahapon?” Ikiniling nito ang ulo. “Desisyon mong ibato ang magazine. Hindi ko sinabing ibato mo.” “Pero ikaw ang naglagay ng tali sa likod ko.” Kuyom ang kamao niyang diretsang sinalubong ang mga mata nito. Bahagya siyang lumapit dito para ipagdiinan dito ang punto niya. “Nilagay ko lang pero hindi mo naman kasi kailangang pansinin.” Sa tono ng pagsasalita ni Dexter ay para bang hindi big deal dito ang ginawa. “Paanong hindi ko papansin ay ikinapit mo ang papel sa likod ko?” “Ikinabit ko pero wala akong sinabing ibato mo ang magazine.” “Ikaw sana ang babatuhin ko.” Tumaas ang sulok ng labi nito. “Well, unfortunately hindi ka magaling umasinta.” “Eh kung ngayon kaya kita asintahin,” asik niya at hinampas ng malakas sa braso. “Uyy, grabe ka ha. Masakit iyan.” Hinaplos-haplos ni Dexter ang balikat. “Mapanakit ka rin, ano.” “Mapanakit? Kulang pa iyan sa ginawa mo. Tapos sa dinami-dami ng mga magazine ay iyon pa ang inilagay mo doon.” Kumibot-kibot ang labi ni Dexter. “Actually nakita ko lang din naman ‘yung magazine na iyon na kasama ng mga books na ibinalik sa room natin.” Napamulagat siya. “Kahit pa.” Nagkibit-balikat ito. “Nangyari na kaya wala ka nang magagawa. Nandiyan na kaya tapusin na lang.” “Ano pa nga bang magagawa ko? Pero ipapaalala ko lang sa iyo na dahil mo lahat ng ito.” Napahinga siya sa daloy ng usapan nila. Parang ewan lang. “How about this one? Iyong kay Miss Vasquez?” Sinulyapan si Rylen ni Dexter. “Oh?” “Anong oh? Ikaw ang nagsabi na mas mananagot ako kapag nalaman ni Miss Vasquez na pinatulad kita ng assignment natin.” “Iyon naman ang totoo ‘di ba? Mas gusto pa niyang magpasa ka ng walang sagot kesa magpasa ka ng tinulad.” “Alam ko pero ang ibig kong sabihin ay kung ano na namang naiisip mong gawin.” Sumilay ang kakaibang ngiti sa labi ni Dexter pero hindi ito nagsalita. “Tantanan mo ako ng mga ngiting iyan,” irap niya dito. “Bakit mas nagiging cute ba ako?” tanong nito bago inilapit ang mukha sa kaniya. Kasabay nang mabilis na pag-iinit ng mukha niya ay ang mabilis na paggalaw ng kamay niya. Palagapak na tumama ang palad niya sa may noo nito. “Aray! Grabe ka na ha. Kanina ka pa nananakit.” Nakangiwing anito habang kinukuskos ang nasaktang noo. Dahil may pagkatisoy si Dexter ay bahagyang namula iyon. “Puro kasi kalokohan iyang nasa isip mo!” angal niya. Bahagya siyang lumayo dito at naglagay ng distansiya. Hindi pa rin nawawla ang pag-iinit ng buong pisngi niya. Aminado naman siyang cute talaga si Dexter at kahit minsan nakakairita ang ngiti nitong iyon, hindi man lang iyon nakabawas sa kakyutan nito. Mahirap lang talaga ma-off guard, nakakaloka. “Hindi kalokohan ang pagiging cute ko,” naka-pout na anito. “Tingnan mo, hindi lang kalokohan ang laman ng isip mo, puro din kahambugan. Hay! Ewan ko sa’yo.” Naisuklay niya ang mga daliri sa buhok. Ngayon nagdadalawang isip na din siya kung anong laman ng utak at puso niya at nagkagusto sa alaskador na lalaking ito. “Offensive na iyan, ha. Kanina nakailang hampas ka. Ngayon naman tinatawag mo akong hambog,” kunwa’y naghihinanakit ang tinig na wika nito. Pinandilatan niya ito. “Umayos ka at hindi bagay sa’yo.” Umiling-iling na lang ito. “Pero mabalik tayo kay Miss Vasquez.” Sumeryoso bigla ang tinig nito. Humalukipkip siya, naghihintay sa sasabihin nito. “Hindi ko sasabihin sa kaniya na tama lahat ng sagot ko dahil pinatulad mo ako,” simula nito sa seryosong tinig. Seryoso man ang boses nito ay parang wala siyang tiwala sa sunod na lalabas sa bibig nito. “At anong kapalit?” diretsa niyang tanong. Hindi na siya magpapaligoy-ligoy pa dahil doon din naman ang punta noon. Nawala ang kaseryosohan sa mukha nito. Napalitan iyon ng malapad na ngiti. “Iyan naman ang gusto ko sa’yo, Rylen. Hindi ka kagaya ng ibang babae na ang bagal maka-pick up. Parehas tayong ayaw nang paligoy-ligoy pa.” “So, may kapalit nga?” mataray niyang tanong kahit na ang gusto sana niyang itanong ay, ‘Ako ba gusto mo din?’ But ang corny at tatamaan muna siya ng kidlat bago niya sabihin iyon sa lalaki. “Depende sa magiging sitwasyon.” Umarko ang isang kilay niya. “Paanong naging depende?” “Ilang buwan na lang ga-graduate na tayo at sa kinamalas-malasan itong mga huling topic sa Math ang problema ko. Hirap na hirap akong ma-gets sila.” “At ano namang kinalaman ko kung hirap na hirap ka sa mga lesson na iyon.” Sumandal siya sa dingding at humalukipkip habang matiim na nakikinig. “Ikaw ang magiging tutor ko. You’ll teach me sa mga lesson sa Math na nahihirapan ako.” Natilihan siya sa sinagot nito kaya hindi niya kaagad nagawang makapagsalita. “You saw my notebook and book. Kita mo naman kung gaanong magpula ang bawat pages. Hindi ko forte ang Math pero bukod sa mga nangyayari ngayon, madalang akong makakuha ng mababang score sa Math. Nang makakuha ako ng perfect score kanina ay kwenistyon niya ako kaya tiyak na makakahalata si Miss Vasquez kapag sa susunod na activity ay mababa or worst ay zero na naman ang makukuha ko.” “At para hindi siya magduda na pinagaya lang kita ay kailangan kitang i-tutor,” pagpapatuloy niya sa hindi nito sinabi. “Nakuha mo.” Diretsa niyang tiningnan ito bago pagak na tumawa. “Come on, Dexter. Marami sa mga kaklase natin ang nanunulad lang pero hindi naman nagiging big deal kung perfect sila sa isang homework at zero sa quiz.“ “We’re both running honor students at tita ko si Miss Vasquez. Kinakapatid siya ni mommy,” putol nito sa mga sasabihin niya sana. Tigalgal namang napanganga siya dito. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. “She knew na hindi ako gumawa sa bahay ng assignment. And she’s also a kind of woman na hindi ito-tolerate ang masamang ginawa ko o natin kahit na kamag-anak niya.” Tama ito sa huling sinabi. Iyon din ang paalala sa kaniya ni Allysa kanina. Istrikto si Miss Vasquez kaya naman wala ding magbalak na mag-cheat sa subject nito. She was honest in accepting zero point kesa ang makakuha ng mataas na marka pero nakuha sa maling paraan. “Alam mo pala na ayaw niya ng ganoon, bakit mo pa rin ginawa?” wala sa loob na naitanong niya. “Nakakapagod makakita ng itlog sa papel,” nakangising saad nito. Gusto niyang maniwala na ayaw nitong bumaba ang marka ngunit sa klase ng sagot nito para bang wala lang talaga ritong pakialam kahit zero ang makuhang puntos. “Bakit kailangang ako?” Isa pa ito sa ipinagtataka niya. May mga classmates silang mas magaling at mas matalino sa kaniya. Iniiwas ni Dexter ang tingin kay Rylen. Namulsa ito at tumingin sa langit. “I don’t know. You’re just seemingly perfect for everything I planned.” May mga sinabi pa si Dexter pero dahil tumunog na ang bell ay kinailangan na nilang bumalik sa classroom. Dumagdag pang halos matulala siya sa huling sinabi nito. Habang klase ay sinimplehan siya ng tanong ni Allysa pero lutang pa ang utak niya pagkatapos ng mga sinabi ni Dexter. In some part, alam niyang ginagamit lang siya ni Dexter, but on the other part mas matindi ang pakiramdam niyang may higit pang ibig sabihin ang mga sinabi nito sa kaniya. And she was waiting for that. NANG dumating ang hapong iyon at kailangan nang pumunta ni Rylen ng library. Nandoon na kaagad si Dexter. Wala itong binanggit tungkol sa usapan nila sa may gilid ng building. Pumunta lang ito sa library para tulungan siya na magpunas ng mga libro at shelf. Nang magtanong siya kung bakit nito tinutulungan siya. Isang nakakairitang sagot lang ang nakuha niya. “You look helpless and in need. Eh di ba sabi tulungan ang mga nangangailangan at nahihirapan?” Kung wala lang sila sa library ay pinaghahampas na naman niya ito. Hindi talaga marunong sumagot ng tama. Lumipas ang buong linggo na iyon nang wala ng ginawang prank si Dexter. Ngunit wala man itong ginagawang prank ay puro naman kalokohan ang sinasabi nito kapag kausap niya. Isang gawi at bagay na unti-unti ay kinasanayan niya na sa loob lang ng ilang araw. Sa umaga kasi papasok pa lang siya ng library ay kumakaway na ito sa kaniya o bigla na lang itong sumusulpot sa tabihan niya. Sa hapon naman ay tinutulungan siya nitong maglinis sa library. Hindi na siya ulit nagtangkang magtanong kung bakit siya tinutulungan nito dahil pulos biro na naman ang isinasagot sa kaniya. Natapos na ang punishment niya mula kay Mrs. De Leon pero mukhang hindi pa ang kalbaryo niya kay Dexter. “Babayaran na lang kita kapag tinuruan mo ako,” pangungulit ni Dexter sa kaniya habang katabi niya ito sa library. Malayo sila sa librarian at konting estudyante lang ang kasama nila kaya ganito ito katindi mangulit sa kaniya. “Hindi ko kailangan ng pera mo,” malamig niyang usal. “Hahayaan mo na lang bang malaman ni Miss Vasquez na pinakopya mo ako?” nagpapaawa ang tinig nito, “Itigil-tigil mo ang pangba-blackmail mo sa akin,” walang ganang saad niya habang nagso-solve ng assignment nila. “Hindi kita bina-blackmail.” “Hindi daw. Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?” “Sinasabi ko lang na pag-isipan mo.” Nilingon niya ito nang may biglang pumasok sa isip niya. “Okay, ganito na lang. Tuturuan kita. Hindi mo ako kailangang bayaran.” “Pero may kapalit pa rin?” “Of course.” “Okay, Spill it.” “Tuturuan kita pero ititigil mo na ang mga prank mo, mga pagbibiro mo. Basta. Lahat ng kalokohan mo. Hindi lang sa akin kundi pati na rin sa ibang kaklase natin.” Seryoso at mariin niyang saad dito. “Ang hirap naman niyan. Wala bang iba? ‘Yung madali lang,” kakamot-kamot sa ulong saad nito. “Aba nga naman.” “Ang hirap naman kasi.” “Ayaw moa ta eh. ‘Di wag na lang. Madali naman akong kausap.” Akmang tatayo na siya pero mabilis siyang pinigilan ni Dexter. “Wait lang. Ito naman hindi mabiro. Siyempre pinag-iisipan ko pa.” Huminga ito nang malalim. May nalalaman pang pa-inhale at exhale bago nagpatuloy. “Sige, payag ako. Pipilitin ko nang magseryoso,” tumigil ito sa pagsasalita at matiim siyang tiningnan, “lalo na sa iyo.” May kung anong kakaibang hatid na kilig ang huling sinabi nito. Nagsisimula na namang kumabog ng sobrang bilis ang dibdib niya. Pakiramdam din niya ay may mga paru-parong nagliliparan sa tiyan niya. “Okay. So deal iyan ha?” “Okay, deal!” Simula nang umagang iyon ay nagkasundo silang tuturuan niya na ito ng Math. Tuwing umaga ay nasa library sila at doon sila nag-aaral. Sa pagsabit ng breaktime at sumasabit ito at ang mga barkada nito sa kanila ni Allysa. Isang bagay na nalaman niya mula sa mga ito, kahit medyo mga alaskador at maloloko ang mga ito ay mababait naman silang mga kaibigan. At sa pagsapit ng hapon, tinuturuan niya ito kahit thirty minutes sa library. Sinusulit nila ang bawat posibleng oras na pwede silang makapag-aral bago sumapit ang last summative nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD