What About Tina

1966 Words
Umuwi sina Greg at Lara sa bahay nila. Dala-dala ang magandang balita. Abot tainga ang ngiti ng mag-asawa na bumati sa anak. “Baby!” sambit ni Greg kay Gio. Sumalubong naman ito sa ama. Binuhat ni Greg si Gio at niyakap. Bumulong sa tainga ng anak. “Will it be okay if you will be a kuya?” Lumiwanag ang kumikislap na mata at biglang napahiyaw ng malakas si Gio sa narinig mula sa ama. Nakataas ang mga kamay na itinataas at ibinababa sa kasiyahang nararamdaman. “Will I have a baby brother or sister?” tanong niya. “Hindi pa namin alam, Kuya. Ano ba ang gusto mo?” tanong ni Greg sa anak. “I want a boy” ito ang sagot ni Gio. Marahil ay nais nitong may kalaro, kung kaya ay naisipan na lalaki ang gustong maging kapatid. Si Lara ay nagpahinga na lang sa kwarto nila. Hindi nito malaman kung saan huhugot ng lakas matapos ang mga nangyari. Sa isip niya ay mayroon siyang panibagong laban na kailangang kaharapin. Ang laban ng kaligtasan nila ng anak na nasa sinapupunan. Malungkot, nasasaktan at nahihirapan ang damdamin ni Lara, subalit naiisip niya na hindi pwedeng ganoon lang siya. Pinayuhan ng doctor si Lara na lumiban muna sa trabaho. Upang makasiguro na maging maayos ang kalagayan nila ng kaniyang anak sa loob ng kaniyang sinapupunan. Subalit dahil na rin hindi niya kayang manatili sa bahay lalo na at magulo ang isip niya, minabuti niyang pumasok pa din. Mas makatutulong sa kaniya na maraming ginagawa kaysa naman magmukmok sa loob ng buhay buong araw at walang ginagawa. Walang kaalam-alam si Greg kung ano ang nagyayari sa asawa. Wala siyang kaalam alam na may natiktikan ito mula sa cellphone niya. Araw-araw ay naghahanap ng paraan si Lara na mabuksan ang cellphone ni Greg. Alam niya ang mga mensaheng natatanggap nito mula kay Tina. Subalit walang makitang replies si Lara na nagmumula kay Greg. Ang buong akala ni Greg ay ayos pa din ang pagsasama nila. Hinahatid niya pa din si Lara tuwing umaga katulad ng dati. Itong si Lara naman ay kinikimkim sa loob ang mga natuklasan. Hindi niya ugaling ipagsabi kahit kanino ang mga bagay na may kinalaman sa asawa niya. Tanging siya at si Greg lang ang tanging nakakalam kung mayroon man silang hindi pagkakaintindihan. Umiiwas lamang si Lara na lalo pang gumulo ang sitwasyon kung mayroong makakaalam. Sumunod na araw sa opisina ni Lara. Habang abala ito sa paperworks niya sa kaniyang mesa. Lumapit ang isang kaopisina sa kaniya. Si Vincent Santos, isang staff sa pinagtatrabahuan ni Lara, isang bading na malapit kay Lara. “Lara, friend, kamusta ka naman?” tanong ni Vincent kay Lara na abala sa pag rereview ng plano ng isang project niya na para sa probinsiya ng Iloilo. Tumingin siya kay Vince na nakasandal ang dalawang kamay sa mesa at kaharap siya. Mapayapa ang mukha at nangungusap ang mga mata nito sa kaniya. “Ayos lang naman, bakit, Vince?” “Wala naman” sagot ni Vincent na nag-ikot ng mga mata nito. “Sure ka? Kasi kung wala lang din naman yan, huwag ka muna mangulit sakin, marami akong dapat gawin” diretsang sabi ni Lara habang abala ang mga mata at kamay sa ginagawa. Tumalikod saglit si Vincent. Tila ay hahakbang, subalit pilit na pinipigilan ang sarili na huwag lumayo mula roon. Bumalik siya kay Lara. “Ano kasi friend” bulong nito kaya Lara habang nakayuko sa tabi nito. Nag-aalinlangan ito. “Parang madalas kong makita si Greg.” Mabilis na sambit ni Vince. “Pero, baka naman mali lang din ako” sabi ni Vince. Natigilan si Lara. Ipinatong sa mesa ang hinahawakang papel. Huminga ng malalim. Nag iisip. Sumandal sa upuan at naghawak ng mga kamay. Tumingala kay Vince. Nakatingin ito direkta sa kaniyang mga mata na nangungusap. Mga ilang segundo pa ay nagsalita na siya. “Nakita mo si Greg? Saan? Kailan yan? Sino kasama?” ito ang tuloy tuloy na mga tanong ni Lara. Ang nasa isip niya ay marahil makakatulong ang impormasyon na maririnig kay Vincent upang malaman kung lumalabas nga si Greg na may kasamang iba. “Kilala mo ba si Tina? tanong ni Vincent sa kaniya, na medyo kabado. “Ah, narinig ko na ang pangalan niya, anong meron sa kaniya?” “Lagi siya hinahatid ni Greg sa bahay nila.” Hindi nakaimik si Lara. Unti-unti pang ipinoproseso sa isip ang mga narinig. Tila hindi gumagalaw ang mundo at hindi na umiikot ang oras sa paligid niya. Sa kabila ng lahat ay nananatiling bukas ang pandinig upang mapakinggan ang mga sinasabi ng kaibigan. Nagpatuloy ng kwento si Vincent. “Mga ilang beses ko na din sila nakikita sa tuwing lalabas ako ng bahay. Naka-park doon ang kotse niyo, pero hindi naman nagtatagal. Parang naghatid lang then aalis.” Ito ang mariing pagsasabi ni Vincent sa kaniya. Walang kaalam alam si Vincent na lalo niyang nadagdagan ang nararamdaman ni Lara. Isang hindi maunawaan na damdamin. Nais niyang ibuhos ang nasa isip, subalit mayroong pumipigil sa mga bibig na huwag isasambit ang mapait na sinasapit. Ang buong akala niyang trabaho ang inaatupag ni Greg ay hindi pala. Abala siya sa ibang babae. “Vincent? Hindi ka naman lumilipat ng bahay, hindi ba?” tanong ni Lara. Nais niyang malaman kung saan naroroon ang bahay ni Tina. May iniisip itong gawin. “Sa Bonifacio Road pa din naman ako, ano ka ba? “Baka kasi nasa bahay ka ng ano mo. Alam mo na!” “Ano ka ba Lara? Sa ganda kong ito? Of course ako ang pinupuntahan. Huwag ka!” sabay pilantik ng daliri nito habang kunwari ay hinawi ang buhok sa tenga. “Hindi pa ako nangingibang bahay. Magkapit bahay kami ni Tina.” Maraming naglalaro sa isip ni Lara. Abala si Vincent sa pagkukwento kung kaya ay hindi niya napapansin ang mga reaksiyon mula kay Lara. “Alam mo, may anak na iyang si Tina. Iyon nga lang iniwan ng asawa. Tsk tsk, sayang naman at di nagtagal ang pagsasama nila” patuloy ni Vincent. Nagkaroon ngayon ng ideya si Lara sa kalagayan ni Tina. Lalong lumilinaw sa isip niya, kung sakaling totoo ang hinala niya na may relasyon ang asawa at si Tina, ay marahil nais gumanti nitong si Tina sa asawa niya. Subalit para kay Lara maling mali ang ideyang iyon. Kailanman hindi tama ang mangaliwa kung minsan ka na ring niloko. Hindi maarok ni Lara kung bakit kailangan ang pamilya niya ang madadawit sa pagkakataong ito. “Vince, nasaan ang asawa ni Tina?” Tanong ni Lara na talagang interesado sa buhay nito. “Ah.. hindi ko alam e. Seaman yata iyon. Alam mo, pag-uwi ni Tina mulang maynila, ay dala-dala niya iyang anak niya. Baby pa yun noong inuwi niya dito. Yung asawa naman ni Tina ang sabi ng mama niya ay sumakay ng barko para bumalik sa trabaho, ayon pagkatapos ay di na bumalik noong huling umalis. Hindi na naalala ang mag-ina niya hanggang ngayon.” Dahil sa mga narinig, ay lalong nagiging interisado si Lara sa totoong kalagayan ng pamumuhay ni Tina. Hindi pa din nakokontento ay dinagdagan pa niya ang tanong dito. “Ilang magkakapatid sina Tina?” Nag-isip saglit si Vince. “Teka lang, si Angel, si Anne, si Joy, si Amy at si Rey. Si Tina ang panganay.” “Ah, ganoon ba?” sa isip ni Lara ay marami pala ang mga kapatid ni Tina. “Saan naman ang mga kapatid niya? Nagtatrabaho na ba?” “Uhm, teka lang, parang si Angel at Joy na lang ang nag-aaral, yung tatlo may mga trabaho na din.” “Ang mga magulang ni Tina? Buhay pa ba?” “Oo naman, malalakas pa ang mga buto ng mga magulang niya. Sila ang nag-aalaga sa anak ni Tina kapag may pasok ito.” Malaking bagay ang mga napag-alaman ni Lara mula sa kay Vincent. Ngayon ay parang nakilala na niya si Tina sa paraang iyon. “Thank you Vincent ha, meron ka pa bang idadagdag na impormasyon?” pahabol na tanong ni Lara. “Parang wala na. Pero kung marami ka pang itatanong, pwede ako makitsismis doon sa neighbor namin.” Pabulong nasabi nito kay Lara at tumawa silang dalawa. “Nga pala, bakit mo naman naitanong lahat ng iyon?” biglang naintriga ang bakla sa kaibigan. “Nakita ko kasi, mabilis ka magbigay ng detalye, kaya tinanong ko na lahat ng gusto ko malaman.” Ngumiti si Lara at nagtaas ng mga kilay kay Vince. “Sure ka, Lara? Iyon lang?” Sumisipat ang mga mata ni Vince habang kumukilatis sa mga mata ni Lara ng sabihin iyon. . “OO naman bakit ba?” mariing sagot ni Lara. “Wala naman, parang nag background check ka?” Pabirong sabi ni Vincent. “Ito naman, naintriga lang ako, bakit madalas mo makita doon si Greg.” Katuwiran ni Lara. “Hoy! Lara hindi ba siya kalaguyo ni Greg?” bulong nito sa kanya. Nag aalala si Vincent para sa kaibigan. Walang pag aalinlangang biglaang sinagot ni Lara si Vince ng “Pwede mong tanungin si Tina?’’ at tumatawa ito ng malakas. “Ah! Ayoko baka mali naman ako, at masamain ni Tina, sayang naman lagi niya ako binibigyan ng leche flan sa tuwing nagluluto siya sa kanila.” Ito ang sabi ni Vince na may paliko-likong tono. Tumawa silang dalawa. Tila walang sugat na iniinda si Lara. Talagang kaya niya magpakatatag sa harap ng ibang tao. Inipon niya ang lahat ng narinig mula kay Vincent. Tila isang tinta na tumatak na sa isip niya. Dahil sa mga impormasyong iyon, ay lalong nagkaroon siya ng kagustuhan na ungkatin kung ano talaga ang namamagitan sa dalawa. Balak niyang kilalanin ang pamilya ni Tina. “KAILANGAN kong pag-isipan ng maigi ang mga dapat kong gawin, kailangang magtiwala sa akin si Greg kagaya ng dati. Iyon ang tanging paraan upang malaman ko kung gaano na ba kalalim ang pagtitinginan nilang dalawa. Hindi ito ang panahon upang panghinaan ako ng loob. Kailangan ko magpakatatag, ipaglalaban ko ang para sa mga anak ko.” Ito ang mga salitang sinabi ni Lara sa sarili. Nais niyang bigyan ng lakas ng loob ang sarili. Naisip niyang siya ang legal na asawa at may karapatan siyang pangalagaan ang pagsasama nila ni Greg. Hindi isang Tina ang sisira noon. Isa lamang siyang pagsubok na inilagay sa pagitan nila Greg. Mahalaga pa din ang pangakong binitawan nila sa isa’t isa sa harap ng altar. Nangako silang dalawa na hindi iiwan ang isa’t isa. Habang nararamdaman niya ang pagmamahal ni Greg, ay hindi niya ito susukuan ng basta basta. Gagawin niya ang lahat, matupad lamang ang mga pangakong iyon.” Kahit maraming gumugulo sa kaniyang isipan. Panghahawakan niya ang pagmamahal niya para sa kaniyang asawa upang mapanitili ang kanilang pagsasama. Ayaw niyang makalakhan ng kaniyang mga anak ang pamilyang hiwalay ang mga magulang. Kailangang magpakatatag at huwag magpadala sa emosyon. “Vincent, salamat sa kwento mo ha, detalyado talaga ang mga binigay mong impormasyon sa akin, alam mo, kung ano man ang meron sa kanilang dalawa? Malalaman ko din yan.” Ang wika ni Lara at sabay na binawi. "What?" nanlaki ang mga matang iyon ni Vincent. "I'm kidding!” humalakhak siya sa harap ni Vincent na ikinagulat naman nito. "Huwag kang magbibiro ng ganiyan ano ka ba?" kalabit si Vincent kay Lara. Kumindat lang si Lara sa kaniya. "Friend? Please if something is wrong, magsabi ka sa akin." pakiusap ni Vincent. "Sure bakit hindi? Pwede kitang ispiya." "Grabe ka naman? Automatic?" Subalit sa isip ni Lara ay (hahanapan ko ng paraan, upang mapatunayan na mali ang mga hinala ko at mali din ako.”) Umaasa si Lara na sana ay wala lang talagang namamagitan sa dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD