Chapter Five - A The Concealment

1961 Words
Siya nga pala friend, magbibirthday na si Gio” malambing niyang sabi kay Vincent. “Oh! Kailan na ba? Tanong nito kay Lara. “Sa susunod na linggo. Baka pwede tulungan mo ako na maghanda?” pakiusap ni Lara kay Vincent. “Of course, ako ang bahala, ano ba gusto mo mangyari?” “Ano ba magandang gawin? Gusto niya kasi mag beach daw kami, you think? Makakasama ka doon?” nilalambing ni Lara ang kaibigan. “Hmm” tumaas ang kilay ng bakla, nagbuntong ng hininga, “OO NA, hindi ako pwede tumanggi, alam ko na alam mo yan.” Tumayo si Lara at niyakap si Vincent. “Thank you friend!” masayang masaya ito sa kabila ng pagkabalisa dahil kay Tina. “Ano ba, ayan ka nanaman kung makakapit ka akala mo naman parang naka glue.” Bahagyang tinatapi ni Vincent si Lara. “Okay, tapusin ko muna itong ginagawa ko, then later, take out kita ha, akin ka mamaya!” ngumingiti si Lara kay Vincent. “Uy, grabe ka, mamaya na agad? Paano rarampa ang lola kung ikaw ang kasama ko? Mamaya mapagkamalan akong PA (personal assistant) mo, celebrity ka pa naman” nasabi iyon ni Vincent dahil sa magandang talaga si Lara. Tumawa si Lara, dahil nakakatuwang kausap ni Vincent. Madalas ito ang kausap niya, napapawi lagi ang pagod dahil maraming kalokohan na alam itong isa. Mabilis na lumipas ang mga oras, at sabay lumabas si Vincent at Lara ng opisina. “Hey! San tayo? Restau, café, fast food?” ito ang tanong ni Lara. Nakahawak ito sa braso ni Vincent. “Girl, alam mo na kung saan may magandang tanawin, huwag ako dadalhin sa may masarap lang ang pagkain, alam mo na, dapat doon sa masarap na ang pagkain, masarap pa ang naghahain.” “Haha, ikaw haliparot ka talaga. Tingnan mo nga sarili mo? Who would ever think you’re a gay, eh kay lusog ng mga bisig na ito, pwedeng pwede mambihag ng babae.” “Ew! Isang kasalanang mortal ang tumikim ng…” naputol na sabi ni Vincent dahil biglaang nagsalita si Lara. “Sige na, ikaw na pumili kung saan, okay na ako anywhere, pag usapan lang natin yung gagawin sa birthday ni Gio.” Naglakad lang sila dahil hindi naman kalayuan ang babaybayin patungo sa Flora Coffee and Tea. Maaliwalas ang paligid kung kaya minabuti nilang maglakad. Nasa café sila. Pagpasok pa lang ay umorder na ng kape si Vincent para sa dalawa. Dumiretso ito sa counter. May cashier doon na isang lalaki. Nakatayo si Lara at Vince na magkatabi habang hawak ni Lara ang braso ni Vince. “Machiato for two.” “Teka lang, bawal ako sa kape, any drink, huwag lang may caffeine or tea.” Paalala nito sa kaibigan. “Friend? Ikaw ba iyan? Ayaw mo sa coffee? For real? “ gulat na sabi ni Vincent. “Ano ka ba, buntis ako kaya iwas ako diyan. Ito ang sabi ni Lara. “Oh MY!” Gulat na gulat ang bakla. “Friend ha, malakas pa din pala talaga sumipa si papa Greg.” Tukso nito sa kaibigan. “Hoy! Pinapantasya mo nanaman ang asawa ko, tigilan mo ko.” “Oo na, di na, okay order na ko” l Lumayo si Lara mula sa kinatatayuan ni Vince. Nagmamasaid si Lara mula sa bintana ng café. Maya maya ay nasilayan niya ang sasakyan ni Greg, nasa tapat lang ito ng kinaroroonan. Napaisip siya. “Tawagan ko ba?” tanong nito sa sarili. Subalit, baka maistorbo kung may ka meeting sa work. Mamaya na kung sakaling lumabas siya.” Ito ang wika ni Lara sa isip habang tinitingnan ang phone niya. Lingid sa kaniyang kaalaman na sa café na iyon din galing si Greg at kasama si Tina. Nauna lang lumabas ng café ang dalawa bago pa man sila nakapasok doon. Maya-maya ay dumating na si Vince dala-dala ang order nila. Kumain silang dalawa. Habang kumakain, ay isiningit ni Lara ang planong gawin sa birthday ng anak. “Oh, ayan, okay na yung idea mo friend, meron pa ba akong gagawin niyan?” tanong ni Vincent. “Of course, I materialize mo ang ideas ko, wala akong time, you know, busy lagi kahit sa bahay.” “FINE. I can never say no sa iyo, oo na agad!” at tumawa silang dalawa. “Ang sarap naman ng pasta dito, parang gusto ko ganito yung pasta sa birthday ni Gio.” Ang sabi ni Lara kay Vincent. “Kaya kong lutuin yan, magsabi ka kung gusto mo talaga” “Yes! I really love it. Thank you, friend. Lagi ka talaga willing to help.” Natutuwa si Lara na sa kabila ng katotohanan na siya ang nahihirapan sa sitwasyon ngayon dahil sa pagdududa sa asawa, ay mayroong taong kasama niya na nagpapasaya sa kahit na maliit na bagay lamang. Pinagpala siya na magkaroon ng kaibigang maasahan sa mga panahong lugmok siya. Hindi niya maramdaman ng tuluyan ang hirap dahil handa itong siya ay damayan, di man siya magsabi, alam niyang ramdam ni Vincent kung ano man ang meron sa isip niya. “Friend, ilang buwan na ba ang baby sa loob?” ngumuso si Vince na tumuturo sa tiyan ni Lara. “Hindi ko pa alam, nagpa schedule na ako ng ultrasound para ma detect kung ilang buwan na siya.” Hinihimas ni Lara ang tiyan. “Hindi ko pa siya ramdam, marahil two months to three.” “UY, alam mo, delayed din ako” ang sabi ng bakla. Tumawa si Lara dahil sa birong iyon. Isa yun sa mga bagay na minahal ni Lara sa kaibigan dahil lagi itong may baon na kalokohan. “Ilusyunada ka, kailan ka pa nagkaregla ha?” Tumawa si Lara. Si Vincent naman ay nakahawak sa puson. “Ano kaba? Hayaan mo na, ayaw mo yun? Sabay tayo magbuntis, tapos yung mga anak natin magiging friends din.” “Haha, you’re so impossible! Mag ampon ka, para magkaanak ka, huwag yung magbubuntis- buntisan ka, tapos hidi mo alam kung sino talaga ang ama? Ay naku Vincent, huwag ganun, kawawa naman ang magiging anak mo, hindi rin siya magiging sure kung sino ang tatawaging Daddy.” Malakas ang halakhak nilang dalawa na parang wala lang iniinda itong si Lara. Lumipas ang kalahating oras ay nagyaya na si Vincent na umalis. “O? Let’s go!” akma ng kukuhanin ang bag nito na ipinatong sa katabing upuan. “Teka lang friend, mamaya na tayo umuwi, icancel mo muna iyang appointment mo sa boylet mo. Please!” Ito ang lambing ni Lara sa kaibigan. Sabay hawak sa kaniyang kamay. “Anong icancel? Tigang na tigang na ako. Kailangan ko na ma repelinish friend.” “Aha! May repelenish ka pang nalalaman.” Ang totoo niyan nais niyang hintayin si Greg na umakyat ng sasakyan kung sakaling nasa kabilang cafe nga ito. Lumipas pa ang ilang minuto. May lumapit sa sasakyan, si Greg. Hindi ito sa driver’s seat bumukas ng pinto, kundi sa passenger’s seat sa unahan. Nagtaka itong si Lara kung bakit doon. Iniisip niyang baka may kasama ito sa loob. Maya-maya ay nag ring ang phone niya. Nakikita niya si Greg mula sa kinauupuan. May tinatawagan. Tiningnan ni Lara ang phone si Greg iyon. “Saglit lang Vince ah, sagutin ko lang ito.” “Hello?” sagot ni Lara. “Mommy nakita kita kasama mo si Vincent, di pa kayo uwi?” tanong ni Greg. “Talaga? Nakikita din kita, nasa harap mo lang kami. Pauwi na din kami, Dad.” “Tara na, isabay na natin si Vincent.” Alok ni Greg. “Okay lang?” tanong ni Lara. “Oo naman, malapit lang naman” “Okay. Bye lalabas na kami.” Ibinaba ni Lara ang phone. “Tara na, hatid na kita pauwi.” “What?” medyo may kataasang tono na tanong ni Vince. Nagpapahiwatig ng hindi pag sang-ayon dahil may nais pa itong puntahan pagkatapos doon. “Bakit? Kunot ang noo ni Lara dahil sa reaksiyon nito sa sinabi. “Mauna ka na, mamaya pa ako uuwi, may need ako daanan. Alam mo na.” bumunot ng compact powder mula sa loob ng kaniyang bag at nagayos ito sa harap ni Lara. Ngumiti si Lara, alam na nito ang ibig sabihin ni Vincent. “Then I will go ahead. Mag-ingat ka pauwi.” Nagpaalam na siya, at lumabas. Tumungo papunta sa kinaroroonan ni Greg. Subalit hindi siya nagtuloy ng lakad dahil sinalubong naman siya ni Greg mula sa kabilang kalsada upang alalayan sa pagtawid. Humalik si Greg sa asawa. “Hi! Just in time at nakita ko kayo ni Vince. May ka-meeting kayo, Mom?” “Wala naman.” “Then let’s go.” Inalalayan nito si Lara. Nakahawak ang kamay sa beywang ng asawa at sinisigurong ligtas ang kanilang pagtawid doon. Ipinagbukas ni Greg ng pintuan ng sasakyan si Lara. Umakyat ito ng dahan-dahan at agad naming isinara ni Greg ang pinto. Umikot patungong driver’s seat at sumakay. Habang nasa daan, ay nangusisa si Greg. “Kanina ka pa ba doon?” “Medyo, nagkayayaan lang kami ni Vincent, nakakamiss na din lumabas. Siya nga pala, Dad nag usap kami about Gio’s birthday. Nagbigay ng Place si Vincent, maganda naman doon, then we can invite some friends if we want. Malaki naman yung cottages doon, pwedeng iset up for a party.” “Okay, whatever makes Gio happy, go tayo diyan, Mommy.” “Thank you, Dad!” “Anyway, you can invite some of your friends, Dad.” Iyon ang bilin ni Lara, iniisip niya na pwede niyang makilala si Tina. Ang di alam ni Lara na si Tina sana ang nasa pwesto niya sa mga oras na siya ay masayang nakikipagkwentuhan kay Vincent. Bumabalik sa isipan ni Greg ang napag-usapan nila ni Tina bago pa man siya tumawag kay Lara. “Hon, nandito si Lara sa malapit.” “Huh? Nakita niya tayo?” “Parang hindi, masaya siyang nakikipag-usap kay Vince.” “Hala? Si Vince?” “Oo, hindi ba kapit-bahay kayo?” “Dad kailangan natin mag-ingat, baka kung may alam si Vince.” “Don’t worry, I know Lara better, kung may alam yan, siguradong pinag-awayan na namin.” “Okay, kakapitan ko ang sinabi mo.” Habang nagmamaneho ay tahimik si Greg dahil iniisip nito kung si Tina ba ay okay lang na mag-isang umuwi. Samantalang itong si Lara ay tahimik at nababagabag dahil na din sa takot ng anino ni Tina sa buhay nila. “Mom are you okay?” tanong ni Greg sa kaniya. “Oo naman. Pwede ba tayo dumaan sa supermarket?” tanong ni Lara. Nilingon siya ni Greg. “O sige. Mabuti nga at dadaan tayo. May kailangan din akong bilhin.” Pag sang-ayon naman ni Greg sa asawa. Tumungo sila sa isang mall upang doon bumili ng mga kakailanganin nila sa kanilang bahay. Nagpark si Greg malapit sa may puno. Lumabas siya ng sasakyan at pinagbuksan si Lara saka sinigurong naka-lock na nga ang mga pinto ng sasakyan. Sa kanilang paglalakad papasok ng mall ay may nakasalubong silang dalawang babae. Nasa labing-anim at dalawampu ang edad ng mga ito. “Hi po, sir Greg!” bati ng isa na ang edad ay nasa labing-anim. “O! Hi Joy. Uwi na kayo?” tanong ni Greg. “Hindi pa po, may hihintayin pa kami dito sa labas. Mauna na po kami sa inyo, sir.” Ngumiti ang dalawang babae at saka tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad. “Dad sino sila?” nagtatakang tanong ni Lara. “Ah kapatid ng katrabaho ko, Mom.” “Ah.” Tanging nagging tugon ni Lara. Nagpatuloy sila sa paglalakad papasok sa mall at dumiretso na sa supermarket para mamili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD