Chapter 6 Intuition

1277 Words
Ala Sais ng umaga. Nagising si Lara na nakatambad ang sikat ng araw sa kaniyang mga mata na tila pilit na gumigising sa kaniyang diwa. Napabalikwas siya sa kaniyang kanan kung saan naroroon si Gio. Lumiliwanag ang mga ngiti sa labi sa tuwing nasisilayan ang maamong mukha ng anak. Mabusising pinagmamasdan ang mahimbing niyang tulog na nakayakap sa kaniyang unan na nasa pagitan nilang dalawa. Naglakbay ang kamay at naglalambing ang kaniyang mga daliri habang hinahawi ang bawat hibla ng kaniyang buhok. Nasulyapan niya ang cellphone ni Greg sa tabi ni Gio. Kinuha niya ito at sinubukang buksan. Ngunit ang akala niyang madali niyang mabubuksan ay mayroon pa lang password. Bumangon si Lara at naupo. Hawak ang cellphone na pilit binubuksan. Napapikit siya upang isipin ang posibleng password na ginagamit ng asawa sa phone nito. Ngunit kahit anong maisip ay mali pa din. Nagpahinga saglit si Lara sa pagbutingting ng screen lock. Napatingin siya sa kisame ng kwarto nila. Iniisip ang birthday ni Gio. Baka iyon ang password ng phone? Sinubukan niyang ipasok ang apat na digits na 0 9 1 5 at nabuksan nga niya. Tumambad ang screen wallpaper sa phone ni Greg na larawan ni Gio. Hinanap niya ang inbox ng phone. Subalit wala siyang makitang mensahe doon. Binuksan niya ang gallery ng phone at inisa-isa ang mga larawan doon. Karamihan ay mga picture ng mga documents ni Greg sa opisina. May nakita siyang picture ng isang batang babae. Nasa isang taon na siguro ang edad noon. Nagtataka siya kung kaninong anak iyon. Hindi niya maalala kung mayroon bang kasamahan si Greg na mayroong anak na iyon ang edad. Nag-iscroll ulit si Lara sa photo gallery ni Greg. Nakita niya doon ang mga larawan ni Gio at Greg mula noong maliit pa ang anak nila. Napangiti siya ng maaalala kung gaano kasaya ang bawat araw na magkasama silang pamilya. Naalala niya kung paano nila pinagsikapang maitaguyod ang kanilang buhay noong una silang maging mga magulang. Binuksan din ni Lara ang mga videos doon. Naroroon ang mga videos ni Gio noong unang siya ay natuto maglakad. Ang mga magagandang alaala ni Gio mula pagkabata hanggang ngayon ay nakatago pa din sa phone ni Greg. Tiningnan ni Lara ang mga social media applications ni Greg. Nabuksan nga niya mga iyon. Pumunta siya sa messenger at inisa-isa ang mga accounts na nakita niya. Halos group chat rooms ang mga naroon at iilan lang ang mga nakikita niyang individual accounts. Binuksan niya ang chat room ng builders and I group. Nag scroll down siya nang mabasa ang mga nasa itaas na bahagi na mga usapan. Naroroon ang mga palitan ng mesahe ng mga kasamahan sa trabaho ni Greg. [ Tina: sis tapos na ako kumain. Heto si Kat kailangan ko ng patulugin. Pau: Naku sis ako nga ay maliligo na, brown out ngayon dito sobrang init. Tina: Ay ako din sis maliligo din maya-maya. Pau: Naku! Sis huwag, matatalsikan ka niyan. Tina: Tsk! Ibang talsik ang gusto ko sis. Pau: Hahaha sorry ka, sis. Tina: Bakit? Pau: Walang gagawa noon para sayo mag DIY ka na lang Tina: Hoy! HAHAHA itigil mo iyan baka may mabuo Pau: Naku! May ebidensiya na iyan later Tina: Sure ka niyan? Pau: We will see, sis. Tina: Good night guys! I love you] Nagpatuloy sa pag scroll si Lara. May nakita siyang isang account doon. Tina Altamira [ Tina: “Look it, she draws this for you.” May ipinakitang picture. Greg: Wow good! Thank you! Tina: You are welcome! Mwah! Love Kat Greg: Keep it up little girl Tina: She will. Mula sa mga nabasang thread ay nagtataka naman si Lara bakit nagpapadala ng mga litarto ng bata itong si Tina. Naisip niya sa sarili. Totoo nga ang mga sinabi ni Vince. Baka nga talaga iniwan siya ng asawa niya kaya naghahanap ng magiging tatay ng anak niya. Mula doon ay nag scroll muli si Lara. Mayroong isang account siyang nakita. Kat Altamira [Kat: I’m going to sleep na po, so sleepy na talaga. Greg: Good night! Kat: I’ll see you tomorrow, I will bring something for everyone tomorrow. Greg: Leche flan? Kat: Galing mo humula. Huminga ng malalim si Lara. Tila biglang nag-aapoy ang kaniyang mga mata dahil nais kumawala ng luha mula doon. Subalit nasilayan niya ang anak na nasa tabi. Nahimasmasan na hindi niya kailangan magpaapekto sa nakita mula sa phone ng asawa. Subalit hindi maitatanggi ang hapdi na nararadaman sa kalooban. Hindi niya maiwasan ang masaktan dahil sa palitan ng mga mensahe. At nakikita niya na masyadong malapit na itong si Tina kay Greg. Bakas sa mukha niya ang kalungkutan. Nanghihina at tila walang nais gawin kungdi ang umiyak. Biglang tumawid ang kaniyang paningin sa likod na bahagi ni Gio kung saan niya huling nakita kagabi si Greg. Napakunot siya ng kaniyang noo dahil wala ito doon sa tabi ni Gio. Inikot ang kaniyang paningin sa loob ng kanilang kwarto at walang Greg na nakita. Nakasarado ang pintuan ng kanilang kwarto. Itinabi niya ang cellphone ni Greg. Subalit naalala niyang kuhanan iyon sa pamamagitan ng paggamit ng screenshot. Tumayo siya at hinanap ang cellphone niya. Iyon ang tanging naisip niya upang ipunin ang lahat ng pwedeng magamit niyang batayan kung sakaling mapatotohanan niya ang kaniyang hinala. Nakita niya ang cellphone niyang nakapatong sa console table at hinablot niya iyon hawak sa kabilang kamay ang cellphone ni Greg. Nag screeshot siya sa messenger ni Greg. Lahat ng thread ay kinuhanan niya ng picture. At saka binuksan niya ang phone niya para hintayin ang mga pinadala niyang pictures mula sa phone ni Greg sa pamamagitan ng messenger upang doon niya itago sa kaniyang account ang mga nakalap niyang ebidensiya. Iyon ang pinakaligtas na mapagtataguan niya dahil umiiwas siyang mahuli ni Greg ang mga ginagawa niyang pag-iispiya. Madalas kasi hiramin ni Gio ang phone niya, mahirap na baka makita doon ni Greg ang mga nakuhanan niyang message thread nila ni Tina. Naging mabilis ang paglipat ni Lara ng mga pictures. Nang matapos niyang ipasa lahat ay dali dali niyang binura ang lahat ng kopya na naroon sa phone ni Greg. Sa pamamagitan ng pagbura ng lahat ng iyon hanggang sa deleted photo file ay ligtas ang kaniyang sekreto sa kaniyang sariling phone. Itinabi ni Lara ang phone ni Greg sa tabi ni Gio upang kung sakaling hanapin ni Greg ay naroon pa din sa kanilang higaan. Ang phone naman niya ay itinabi na niya sa lugar na hindi makikita ni Greg. Parang siya na ngayon ang kailangan magtago ng cellphone upang protektahan ito at hindi makita ni Greg ang mga ebidensiyang iniipon niya. Bumukas ang pinto ng kwarto. Nagulat si Lara subalit hindi nahalata ni Greg. Nilapitan niya ito habang nakatayo sa tabi ng console table. Yumakap si Greg sa kaniya. Inamoy ang kaniyang ulo at hinalikan. Ramdam ni Lara ang paglalambing ni Greg. Subalit nais niyang magpumiglas mula sa pagkakagapos sa kaniyang mga braso. “Good morning, Mom! Kamusta ang tulog mo? Kamusta ang baby ko sa loob?” bulong ni Greg kay Lara sabay baba ng mga kamay sa tiyan ng asawa. “Okay lang, Dad.” Humalik si Greg sa pisngi ni Lara. “May gusto kang kainin? Nakapagluto na ako. Pero baka may iba kang gusto.” “Nagyayaya ka na ba kumain? Mamay na lang tulog pa si Gio. Mauna ka na if gusto mo.” “No. Kakatapos ko lang mag coffee. Sabay na tayo mamaya.” Umupo si Greg sa tabi ni Gio. “Mom excited na ako makitang dalawa na sila ang natutulog sa bed.” ang sabi ni Greg. Ngumiti lang si Lara. Pilit na itinatago ang pagdududa niya sa kaniyang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD