Sumapit ang mahalagang araw na pinakaaabangan ni Lara. Birthday na ni Gio.
“Happy birthday to you!” kinantahan ni Lara at Greg si Gio.
“Shall we go the beach?” tanong ni Lara habang yapos ang anak sa mga braso nito.
“Yes Mommy please!”
“All right! You go and get ready, pag ready ka na, we will go.”
Agad bumangon si Gio at pumunta kay tiya Laura. Inasikaso siya nito at binihisan.
NAGPUNTA sila sa Mambuquiao sa Mambu Rise Beach Resort, ito ay nasa bayan ng Batan may kalayuan sa town proper. Liblib ang lugar, kung kaya makakapag enjoy talaga ang pamliya ng privacy nila sa party.
Bumungad doon sa kanila ang mala paraisong babayin dahil sa maraming mga puno sa paligid nito. Maaliwalas sa mga mata at sinabayan pa ng mga along nagsasayawan. Ang samyo ng hanging dagat ay nagpapanatag sa kalooban nga mga naroon.
Ang pakiramdam na kapag masilayan ang malabughaw na repleksiyon ng kaulapan sa dagat ay madadalang tuluyan ang iyong damdaming naguguluhan. Isang mahika ng dagat na walang sinuman ang makakaayaw.
Na set up na ang lugar sa tulong ni Vincent. Maraming balloons sa function hall, kulay asul, dilaw, berde at pula. Naglagay siya ng standee na lego pieces upang mas lalong maging kaaya-aya ito sa mata ng mga bisita lalo na kay Gio.
Lego ang tema ng birthday ni Gio.
Hawak ni Lara si Gio noong tumungo sila sa function hall. Biglaang nagpumiglas sa pagkakahawak ng ina ang batang abot tainga ang ngiti dahil sa nararamdamang kagalakan sa mga nakita.
Naroon nakapaskil ang kaniyang pangalan at edad na bumabati ng happy birthday.
Tuwang tuwa ang bata, dahil nagustuhan nito ang inihanda ng mga magulang para sa kaniya.
Hinahabol pa sana ni Lara ang kamay ng anak, subalit mabilis siyang kumalas. Walang magawa kundi ang tingnan ang anak na masayang-masaya.
Malakas ang tinig ni Gio na nangusap sa ina nasa kalayuan pa mula sa kinatatayuan niya.
“Mommy, I like it so much!” ang sabi nito.
Isang magandang araw upang ipagdiwang ang mahalagang yugto ng buhay nila.
Nandoon ang mga pinsan ni Gio sa kapatid ng mama niya, kung kaya ay makakapaglaro si Gio.
May mga round tables na nakaarange, may bbq area, kung saan pwede umihaw ng gusto nilang kainin ang mga bisita, nakahanda ang mga marinated na baboy, manok at isda, meron din hotdogs, at sea shells, at pusit. Ang handang iyon ay sinadya ni Lara na ilagay upang makapag enjoy din sila na magpamilya. Nais niyang sulitin nila ang panahon na minsan lamang dumating na mayroong pagkakataon.
Busy ang bawat isa, si Gio ay binabantayan ni Lara sa tabing dagat na naglalaro ng buhangin kasama ang mga pinsan.
Natanaw si Lara ng mama niya, si Annie. Humakbang ito papalapit doon. Naupo sa tabi ng anak at nagsimulang makipag-usap.
“Lara, malaki na si Gio. Parang kailan lang at hindi na siya baby” iyon ang sabi ng ina, habang tinitingnan ang mga apo.
“Oo ma, nakakamiss din noong baby pa, ngayon malaki na talaga. Tapos magiging kuya na rin siya.”
Namangha sa kagalakang nadama. Nagliwanag ang mukha ni Annie. Nagulat si Anie pero masayang-masaya dahil magkakaapo na itong muli.
SAMANTALA. Nagsidatingan na ang mga bisita ni Greg na kaopisina.
Isa-isa silang bumati kay Greg ng salubungin nito. May mga dalang nakabalot na mga regalo na para kay Gio.
Lahat sila ay bumati din sa lahat ng naroon bilang pagbibigay-galang na din. Hinatid sila ni Greg sa kanilang magiging pwesto upang maging komportable sila habang naroroon.
Habang abala si Lara at Annie na nag-uusap ay lumapit doon si Greg at humingi ng paumanhin kay Annie. Bumulong ito sa asawa.
“Mommy can you come with me? I will introduce you sa mga bago sa company, nagtatanong kasi kung saan ka.” bulong ni Greg kay Lara.
Nagtaas ng tingin si Lara kay Greg at tumayo ito.
Inakay ni Greg si Lara papunta sa lugar kung saan naroon ang mga staff na babae ni Greg. Mula doon ay nakikita ni Lara ang mga kasamahan nito.
Isa-isa niyang tiningnan ang mga ito. Ang ilan ay kakilala na niya, ang ilan naman ay doon pa lang niya makikilala.
“Everyone, meet my wife, Lara” pakilala ni Greg.
Isa-isa niyang ipinakilala kay Lara ang mga ito.
Isang magandang ngiti ang bati ni Lara sa kanilang lahat.
“HI! Nice to have you all here sa birthday ni Gio, sana mag enjoy kayo”
Maya-maya ay binati niya si Tina.
“You are?” ang tanong ni Lara.
“I’m Tina, Tina Altamira.” Ang pakilala ni Tina.
Iniabot ni Lara ang kamay upang makipagkamay sa babaeng alam niyang may hindi magandang dala sa kaniyang buhay may-asawa.
“Nice to finally meet you, Miss Tina” iyon ang magalang na sabi ni Lara habang nakatingin ang mga mata niya mula ulo hanggang paa. Tila kinikilatis kung saang banda ba lamang ang babaeng iyon kung sakaling may relasyon sila ng asawa niya.
“Kung mayroon kayong kailangan, do let me know, huwag kayo mahihiya.” Bilin niya sa mga katrabaho ng asawa. Habang ang mga mata ay nakatingin kay Tina.
Humawak si Lara sa bisig ni Greg. Nakabalot doon ang braso niya. At bumulong sa tainga ni Greg.
“I’ll leave you here, Dad. Puntahan ko muna si Vince.” Bulong niya.
“Sure, Mom asikasuhin ko muna ang mga bisita ko.”
Kumalas ng hawak si Lara sa mga bisig ni Greg at tumalikod na ito. Tumungo sa kinaroroonan ni Vince na abala sa pag-iihaw ng talaba sa grill area.
“Friend, gusto mo ba nito? Isasabay ko na sa pagluto.”
“Ayoko, mamaya na lang.”
“Sino yung mga dumating? May nakita akong yummy doon.” Nakanguso ang mga bibig ni Vince patungo sa direksiyon na kinaroroonan ng mga kaopisina ni Greg.
“Ano ka ba? Ang papangit ng mga iyon. Ang baba na ng standard mo ah.”
“Hala? Sa panahon ngayon, limited edition na ang straight, mommy Lara. Kaya okay na sa akin ang ganiyan at least sigurado ako na lalaki siya.” Ito ang paliwanag ni Vince habang iginigiling ang katawan sa harap ni Lara.
“Ay naman. Huwag sa kili-kili alam mo may kiliti ako diyan.” Ang tili ni Vince na napalakas.
Tumawa na lang si Lara dahil sa kakwelahan ng kaibigan. Hindi na niya nagawang ibungad kay Vince ang tungkol kay Tina.
Tila nagbabago ang pagtanaw ni Lara sa sitwasyon na mayroon sila. Biglang nagkaroong ng malakas na determinasyon na hindi ito papatalo sa lungkot. Nais niyang maramdaman ni Tina na kailangan niyang dumistansiya sa asawa niya.
Isang mahalagang bagay ang napagtanto sa sarili matapos makausap si Vince at nalaman ang kalagayan ng buhay ni Tina at ng kaniyang pamilya. Sa kabila ng lahat ng pagdududa ay nais niyang itago sa sarili ang mga bumabagabag sa kaniyang kalooban. Sisiguraduhin na mali ang kaniyang mga hinala at ng mapanatili ang maayos na pagsasama nil ani Greg alang-alang sa kapakanan ng mga anak.
“Friend excuse magpunta lang ako ng cr.” Paalam ni Vince dahil naluto na ang bbq niya.
“Oh sure, Vince. Pupuntahan ko muna si Mama iniwan ko siya doon na nakabantay kay Gio.”
Tumalikod si Lara at ganoon din si Vince na tumungo sa cr. Habang naglalakad ay nasulyapan niya si Tina na papunta din sa direksiyon ng pupuntahan niya. Ang akala niyang papasok iyon sac r ay hindi pala. Pumasok siya sa isang villa na naroon. Hindi niya alam kung bakit pumasok doon si Tina.
Ipinagwalang bahala ni Vince ang nakita dahil ihing-ihi na ito. Pagpasok ni Vince sa cr ay papalabas din si Greg.
“Oh Vince? Mag-Cr ka?” tanong ni Greg.
“Oo, kanina ko pa ito pinipigil.” Sagot naman niya.
Diretsong pumasok si Vince sa Cr.
Si Greg naman ay lumiko doon sa villa na pinasukan ni Tina.
Dali-daling isinara ni Greg ang pinto noon at ni-lock para makasiguro na walang makakapasok.
Lumapit si Tina sa kaniya at biglang yumakap. Nakasuot ng summer dress si Tina na off shouldered. Tumitingkad ang kaniyang kaputian lalo na ang kaniyang legs dahil hanggang tuhod lang ang suot niya.
Tinitigan iyon ni Greg.
“Hi! I missed you so much.” Ang sabi ni Tina. Habang nakalock ang mga braso niya sa leeg nito.
“Will you please stop? Nandito tayo sa party ng anak ko.”
“Why not? Kung may time ka lang naman. Sayang naman ang place kung hindi mabibinyagan. Alam mo na?” ang malabing na bulong ni Tina kay Greg habang ang kamay nito ay dahan-dahan na pumipisil sa braso niya. Tila sinusubukan niyang pukawin ang damdamin nito sa kaniya.
“Dad? Will you allow me to?”
Napalunok ng laway si Greg sa narinig mula sa kaniya.
“No! Mahuhuli tayo dito. Baka makahalata si Lara na wala ako doon.”
“Hindi ka niya hahanapin. She is busy.” Diniin lalo ni Tina ang sarili kay Greg.
“I need to go now!” bulong ni Greg kay Tina.
“Of course, I won’t let you out ng hindi nakukuha ang gusto ko.” ang sabi ni Tina.
Yumakap ang mga braso niya sa leeg nito. Dahan-dahan dumampi ang kaniyang bibig kay Greg. Nilalaro ng dahan-dahan ang bawat pagdampi nito sa kaniya. Umaayon sa kaniyang kagustuhan ang sumunod na mga pangyayari.
Unti-unti ay gumalaw ang kamay niya paibaba ng pantalon ni Greg. Kinakapa ang pinakaaasam-asam na bahagi ng kaniyang p*********i.
Hindi nagawang ayawan ni Greg ang paggalaw ni Tina kung kaya ay sinabayan niya ang kaniyang malalagkit na paghalik. Nagpapalitan ng matatamis na pagkasabik.
Ang mga kamay naman ni Greg ay nagsimula ng maglakbay sa ilalim ng dress ni Tina. Tila hindi na niya nagawang tanggihan ang ginagawa nito.
Pilit na binubuksan ni Tina ang tali sa shorts ni Greg upang tuluyang mahawakan ang nais maabot sa loob nito. Napagtagumpayan niyang matanggal ang tali. Papalapit na sana sa puntong mararamdaman ang nag-aapoy na palad ni Tina.
Naramdaman ni Greg na mayroong paparating dahil dinig niya ang mga yabag mula sa labas. Tinulak niya si Tina upang silipin mula sa glass window kung sino ang taong naroroon sa labas.
Nakita niyang si Lara ang naroon at kausap si Vincent. May dala-dala itong plastic na iniabot kay Vince.
Hinarap niya si Tina.
“Let’s stop here. Babalik ako sa labas. Mahirap na.” bulong niya kay Tina.
Biglang tumunog ang isang katok sa pintong iyon.
Namumutla si Greg at dali-daling itinaling muli ang shorts. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.
Hinila siya ni Tina at pinapasok sa likod ng kurtina sa may bintana.
“Diyan ka lang. Ako ang bahala sa asawa mo.” Bulong ni Tina sa kaniya.
Hindi na gumalaw si Greg doon dahil wala siyang ibang mapagtaguan kungdi iyon lang.
Lumayo si Tina sa kaniya at dinampot ang kaniyang bag na ipinatong niya sa kama. Binuksan niya iyon para humanap ng damit. Kinuha niya iyong nasa loob ng bag. Hawak ang bra at panties niya kasama ang tuwalya ay humakbang patungo sa pintuan at binuksan.
“Yes?” tanong ni Tina.
Nagulat si Lara ng makita niya doon si Tina.
“Ah. You are Tina, right? Gumagamit ka ba ng room?” Ang tanong ni Lara sa kaniya.
“Ah oo sana, magbibihis ako kasi nagkayayaan sila na mag swimming daw kami. Ito nga oh, hawak ko na sana para magbihis.”
“I see, sige tapusin mo na lang muna iyan mamaya na lang ako.” Ang mahinahong sagot ni Lara.
Tumalikod siya at naglakad pabalik sa cottage kung saan naroon ang pamilya.
Dali-daling isinara ni Tina ang pinto. Inilapag ang bra at panties niya sa kama saka dali-daling nilapitan si Greg.
Sinakmal niya ng halik pagkatapos niyang hawiin ang kurtina. Tila nabitin sa kaniyang ginagawa kanina.
Ginantihan iyon ni Greg at dahan-dahan na humiwalay sa kaniya.
“Please stop. I need to go.” Ang sabi niya kay Tina.
“Aalis ka? I need to do something.” Ang sabi ni Tina habang nilalakbay ang daliri nito sa tiyan ni Greg at unti-unti ay ibinababa sa loob ng shorts niya.
“Medyo matigas na, dad. Shall we do it?”
Hinawakan ni Greg ang kamay ni Tina upang ilayo doon. Tila gusto na ayaw niyang alisin iyon sa pagkakahawak dahil sa takot na baka mahuli ng asawa.
“Please let go now. We can’t do this here. Maybe some other time?” hinawakan niya ng banayad ang mga pisngi ni Tina at hinalikan sa noo.
Humiwalay si Tina kay Greg at nagbuntong hininga. Nadismaya sa pang-iistorbo ni Lara.
Pinulot niya ang kaniyang bra at panties at ipinasok muli sa bag niya. Bitbit ang bag ay dali-dali siyang tumungo sa pinto at lumabas.
Naiwan si Greg sa loob ng malalim ang paghinga. Naupo siya sa kama at humilamos ng mukha. Muntikan na silang makita ni Lara.
Paano kung tuluyang mahuli silang dalawa?