Nakaupo si Lara sa couch sa loob ng Kwarto. Nakahiga naman itong si Greg sa kaniyang kandungan. Sinusuklay ni Lara ang buhok ni Greg.
"Dad? would you tell me bakit ganoon na lang ka sweet sa iyo si Tina? I'm sorry to ask this. But gusto ko marinig ang side mo. Pasensiya na kung napag-isipan kita ng hindi maganda. I know kasalanan ko." wika ni Lara.
Dumilat ang mga mata ni Greg. Tiningnan si Lara. Inabot niya ng kaniyang kamay ang pisngi niya. Hinaplos ng banayad upang maibsan ang pangangamba ng asawa.
Bumangon siya at Naupo sa tabi ng asawa. Inakbayan niya si Lara at inilapit sa dibdib niya ang ulo nito.
Mula doon ay dinig ni Lara ang pintig ng puso ni Greg. Tila napapawi ang bigat sa dibdib sa tuwing malalapit ang tainga niya sa dibdib nito.
Yumakap siya ng mahigpit kay Greg. Tila isang batang nagsasabik sa paglalambing nito. Matagal na panahon na din na hindi nila ito nagagawa.
Hindi kagaya ng dati noong hindi pa sila kasal. Ay madalas na ganoon lang ang ginagawa nilang dalawa kung walang mapag-usapang bagay. Bihira silang mag-away dahil palaging nagpapakumbaba si Lara sa tuwing mayroong hindi pagkakaintindihan.
Marahil naging kampante si Greg dahil alam niyang mahal na mahal siya ni Lara. Sa kaniya lang umibig ng ganito si Lara at tiwala siyang kahit ano man ang mangyari ay mapapatawad siya.
Natahimik si Greg ng marinig ang tanong ni Lara. Kinalabit siya nito upang mapansin.
"Dad? Pwede mo bang sagutin ang tanong ko? Gusto ko maging open ka sa akin sa nararamdaman mo. Ako ang asawa mo, sana naman simula ngayon ay maging bukas ka sa lahat ng mga iniisip mo at problema mo."
"Ano ba talaga si Tina sa iyo?" bumangon siya at hinarap si Greg.
Nangungusap ang mga mata ni Lara sa kaniya.
Greg held her face and looked straight into her eyes.
"Wala, Mom! Ikaw lang ang babaeng mahal at mamahalin ko. Huwag ka na masyadong nag-iisip ng kung anu-ano. Please? Makakasama sa baby natin. Ang gusto kong isipin mo ay ang mga bagay na makakapagpagaan sa loob mo. Si Tina ay kaopisina ko kaya hindi pwede na hindi kami mag-usap o magkita. It is all about work, Mom. Nothing more." paliwanag ni Greg.
"Then bakit dad ang tawag niya sa iyo kung wala lang naman?"
"Sa office kasi ganiyan lang sila sa akin. Hindi lang si Tina ang nag-gaganyan. Katuwaan lang nila 'yon." Paliwanag ni Greg sa kaniya.
Tumango lang si Lara dahil tila totoo ang sinasabi ni Greg sa kaniya.
"Promise me, Dad you won't ever cheat."
Yumuko si Greg at humugot ng lakas para sagutin ang asawa.
"I promise you, Mom." Sabay halik sa noo, mata, ilong at pisngi. Saka niya sinakmal ng halik sa bibig si Lara.
Sinabayan naman ni Lara ang paggalaw na iyon ng labi ni Greg sa labi niya.
"Would it be okay with you if we make love?" tanong ni Greg sa asawa.
"Gio's on the other room. Baka this time pwede na ulit?" patuksong sabi ni Greg sa asawa.
Ngumiti lang si Lara at inunahan na ng halik ang asawa.
Banayad na nakikipagpalitan ng halik sa labi ni Greg.
Unti-unting hiniga siya nito sa couch. Nakapaibabaw si Greg sa kaniya. Naglalakbay ang kamay mula sa balakang paitaas sa kaniyang dibdib.
"Dad? Sigurado ka?" tanong ni Lara.
"I am always sure. I cannot resist how you do it. Halik pa lang, Mom nababaliw na ako."
Yumakap si Lara sa leeg ni Greg. Nagpatuloy ang ginagawa nitong paghalik sa kaniya.
Ibinuka ni Greg ang mga hitang nakadikit at sinimulang maglakbay ang kaniyang mga kamay sa pagitan noon.
Napakapit si Lara sa ulo niya ng mahigpit.
"Teka lang, dad? Huwag mo ako hawakan diyan."
"And why not? Akin naman ito."
"Nakakakiliti."
"Gusto ko nga 'yun. Ayaw mo ba?"