Hindi na matiis ni Greg ang nangyayari. Isang gabi, habang mahimbing pa ang tulog ni Gio, ay naglakas loob na harapin ni Greg ang asawa.
"Mommy mag usap na tayo." Humawak ito sa kamay ng asawa. Mahigpit ang pagkakahawak. Lumapit siya lalo kay Lara. Dumikit ang kanilang katawan. Nasa likod siya nito at yumakap ng mahigpit. Nais ipadama sa asawa ang pagsisisi at paghingi ng kapatawaran. Subalit ayaw naman niyang aminin kung meron man na namamagitan sa kanila ni Tina.
"Ayoko na, Greg. Kapag tayo ba nag usap? Magiging okay ang lahat?" mahinang pagkabasabi ni Lara na tila ay walang kabuhay-buhay.
" I’m sorry about Tina, mali ang iniisip mo. Oo madalas kaming magkausap, pero hindi kami magkarelasyon.” Pagsisinungaling nito sa asawa. Mas lalong hinigpitan niya ang pagkakayakap sa kaniya.
"Greg? O sige! Oo na mali na narinig ko kung paano ka tawagin. Hindi koo alam may bago ka ng mommy! Sana man lang pumili kayo ng itatawag na hindi naman nanggagaya. Nasaan ba ang asawa ng babaeng iyan? Bakit nakikigamit ng asawa ng iba? Hirap ba siyang maghanap ng lalaking papawi sa uhaw niya?”
Hindi nakaimik si Greg. Huminga siya ng malalim.
Naramdaman ni Lara ang init ng kaniyang hininga sa kaniyang leeg.
"Hayaan mo na, hindi na mahalaga ang kasal natin. Ibibigay ko ang kalayaan mo ng sa ganoon ay hindi na ako maging hadlang sa inyong dalawa. Sana lang ay sumaya kayo matapos niyong durugin ang mga pangarap ko para sa pamilyang ito." Bumitaw siya mula sa pagkakayakap ni Greg.
Malalim ang iniisip ni Greg, hindi niya malaman kung paano ba kakausapin si Lara upang maayos ang pagsasama nila.
Pilit na inaabot ni Greg ang kamay ng asawa, nais nitong iparamdam ang pagsisisi. Hinawakan niyang muli ang mga nanlalamig nitong mga kamay. Hinarap niya ng tuluyan si Lara.
"Alam mo? Sa dinami dami ng napagdaanan natin noon.
Sa lahat ng pag ayaw ng mga magulang ko na ikaw ang mapangasawa ko.
Sa lahat ng mga sinabi ng mga kaibigan ko na marami namang iba diyan.
Sa lahat ng pagtutuol ng mga mahal ko na ikaw ang mahalin at makasama sa buhay." Unti unti nanamang bumubuhos ang luha ni Lara, kumikirot ang dibdib niya.
"Bakit ganoon? May mali ba sa akin? May hinahanap ka bang pagkalinga na hindi ko maibigay? Hindi na ba ako kaaya-ayang tingnan kagaya ng dati?" Namumuo ang mga luha sa mata, malungkot na malungkot si Lara.
"Mommy mali ang iniisip mo. Hindi ko babae si Tina, wala akong alam sa mga sinasabi niya. I swear! Hindi ko rin alam kung bakit ganun siya sakin" katuwiran ni Greg kay Lara.
"Kanino ba ako dapat maniwala nito? Sa nakita ko? O sa sinasabi mo?"
Napayoko si Greg.
"Then, ano dapat ko gawin? To make you believe me?"
"Hindi ko rin alam, Greg?" Habang pinapahid ni Lara ang sariling luha na dumadaloy sa pisngi.
"Ayoko sirain ang pagsasama natin, alang-alang sa kapakanan ng mga anak natin,” dagdag pa ni Lara.
Napabuntong hininga si Greg.
"Then huwag na tayo mag-away." Ito ang solusyon ni Greg na sinabi kay Lara
"Hindi ko alam kung kailan ako hindi masasaktan" humiga si Lara at niyakap ang unan nito.
"Baka pwede uwi muna ako sa bahay?"
"Mom, ilalayo mo si Gio? No!" Umiling si Greg.
"Huwag mong gagawin yan, anong sasabihin ng mga magulang mo kung lalabas ka sa pamamahay ko?"
"Anong gagawin ko? Nasasaktan ako everytime I see you, paulit-ulit. Pabalik-balik ang sakit sa dibdib."
Sagot naman ni Lara.
Hindi na umimik si Greg, hindi niya alam kung paano ba makukumbinse si Lara na huwag ito umuwi sa kanila. Lumabas siya ng kwarto. Tinungo ang terasa ng kanilang bahay upang doon magpalipas ng oras.
Nababalot ng katahimikan ang paligid at tanging mga kuliglig lang ang maririnig doon.
Nakita siya ni Melinda na nag-iisa sa terasa, malalim ang iniisip. Lumapit ito sa kaniya.
Naupo sa tabi ng anak at tinapik ang balikat.
"Greg, narinig ko kayo ni Lara." Ang sabi ni Melinda sa kaniya sabay nagbuntong ng hininga.
"Ma gusto niya umuwi muna sa mga magulang niya."
"Oh! Anong problema dun?” Ito ang sinabi ni Melinda.
"Ma? Hindi pwede, paano si Gio?"
"Bakit? Ipadadala mo ang bata?"
"Hindi" sagot ni Greg.
"Alam mo, kung hindi na maayos yan, edi, hayaan mo. Bakit mo ipagpipilitan, e ayaw na nga."
Mas lalong napaisip si Greg.
Ang totoo natatakot siya na mailayo ang anak niya sa kaniya.
"Ma, solusyon ba yan?"
"Eh bakit nga kasi naging malapit ka kay Tina? Ang buong akala ko kaibigan mo lang naman siya, kaya ba nakipagkaibigan siya sa akin? Dahil nagkarelasyon kayo? Mayroon nga ba namamagitan sa inyo?”
Hindi nakasagot si Greg sa tanong ng ina nito sa kaniya.
"Alam mo, dati napagdaanan din namin iyan ng papa mo, maraming babae ang papa mo, minsan hindi na umuuwi sakin, kung saan-saan nagpapalipas ng gabi. Mag isa ko kayong tinaguyod ng mga kapatid mo. Kung may pagkakataong magkaroon siya ng panahon sa atin, masaya na ako doon."
Nagpatuloy ng kuwento si Melinda.
"Masuwerte nga si Lara, at ikaw ay laging nasa tabi nila ng anak niyo, hindi niya makita iyon, dahil sa galit na nararamdaman niya ngayon. Hindi ibig sabihin na gusto niyang lumayo, ay magkakahiwalay na kayong talaga."
Nakikinig si Greg sa mama niya habang nakatingin sa malayo sa kalaliman ng gabi.
"Kung hindi kayo magkasundo dahil ayaw magpatawad, panahon na para lumayo muna sandali, pagbigyan mo ang asawa mo,
kung mahalaga pa sayo ang pamilya mo,
hindi ka gagawa ng bagay na ikasisira nito."
Napaisip si Greg, kung hahayaan ba ang asawa na lumabas at lumayo sa kaniya.
Matapos mag –usap si Greg at Melinda ay napagtanto ni Greg kung alin ang mas mahalaga sa oras na iyon. Naisip niya, may punto ang ina niya.
Pumasok si Greg sa kuwarto, at humiga siya sa ni Lara.
Napapaisip, nalulungkot at nagkaganoon. Napabuntong-hininga si Greg at
nakapikit man ang mga mata ay naglalaro ang isip.
Hating gabi na at hindi pa din ito makatulog. Tila balisa sa kama.
Lumingon siya sa asawang alam niyang hindi rin tulog.
Niyakap niya ang asawa mula sa likod ng mahigpit. Bumulong si Greg.
"Naalala ko, noong una kitang nakita sa campus, nakuha mo agad ang atensiyon ko. Simpleng-simple, pero ang ganda-ganda mo. Magmula noon, di ka na naalis sa isip ko. Kahit na may nanliligaw na iba, pero gusto ko pa din subukan na lapitan ka. Iyon lang, natagalan noong nakuha ko ang matamis mong oo."
Ito ang mga naalala ni Greg kung paano sila nagsimula ng asawa.
Nakapikit ang mga mata ni Lara, naalala niya ang mga iyon, mga masasayang sandali dahil unang pag ibig nito si Greg.
Nais magsisi na minahal ito, subalit huli na.
"Marami tayong pinagdaanan, sana hindi ito ang dahilan para mawasak tayo ng tuluyan. Alang-alang sa kapakanan ng anak natin" dugtong pa ni Greg.
Nahimasmasan si Lara. Hindi pa tuluyang tumigas ang puso niya.
Naramdaman niya na kung pipiliin ang gusto niya, ay papano ang anak niya?
Kailangan bang magdusa ang anak dahil ganoon ang ama niya?
Ito ang mga napagtanto ni Lara sa isip.
Sa pagkakataong ito ay kailangan niyang mas lalo pang tumapang para sa mga anak.
Lalo pa at parating ang bagong anghel sa buhay nila.
Bumalikwas si Lara, hinarap ang asawa. Nais niyang sabihin lahat ng nasa isip.
Subalit hindi niya magawa dahil napapagod na rin ang puso niyang umiyak.
"Alam ko, Greg! Nanghihinayang ako" pabulong niyang sabi sa asawa.
"Ayokong masira tayo dahil sa ibang tao, mas pipiliin ko ang makabubuti sa mga anak ko,
kaysa naman piliin ko ang kagustuhan ko."
Humalik si Greg sa noo ni Lara, Yumakap siya sa asawa.
"Thank you, Mom!"
Iyon ay pahiwatig na nakikipag ayos na ang asawa sa kanya.
" Pwede ba ayusin na natin to, Mom?”
Tumingin siya sa mga mata ni Lara. Malungkot ang mga iyon, nangungusap na parang naghahanap ng katahimikan sa loob niya.
"Ayusin natin” tumango si Lara.
“Hindi ko kaya mag isa" iyon ang mga salitang binitawan ni Lara.
Humalik si Greg sa mga matang napapagod ng lumuha. Tila napahid ang mabigat na damdamin ni Lara. Ulit ay humalik ito sa noo, sa mga mata, ilong, dalawang pisngi at huli sa bibig. Isang halik na nangangahulugan ng muling panunumbalik ng pag-ibig nila sa isa’t-isa matapos na muling magkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ng maayos.
Lumalim lalo ang mga halik ni Greg. Sinakmal ang kaniyang bibig. Sinabayan ni Lara na tila lumimot sa bigat ng loob. Tuluyang nadala sa agos ng mainit na paggalaw ng mga dila ng asawa sa loob ng kaniyang bibig. Yumakap ang mga makisig na braso ni Greg sa kaniya at unti-unting bumaba ang kamay nito sa baywang niya. Humahaplos ang mainit na palad nito papasok sa loob ng kaniyang blouse. Binaybay ng isang kamay ang loob ng blouse niya hanggang sa likod niya dahilan na napaliyad siya habang patuloy ang halikan nila. Pilit na binabaklas ni Greg ang hook ng kaniyang bra.
Biglang dumilat ang mga mata Lara dahil naalala niya na nasa loob ng kwarto si Gio.
“Wait! Stop, Dad! Si Gio baka magising.” Bulong niya kay Greg.
Yumakap na lang ng mahigpit si Greg sa asawa.
“Thank You, Mommy!”