bc

Itchay's Collection of Short Stories

book_age16+
10
FOLLOW
1K
READ
serious
mystery
another world
like
intro-logo
Blurb

This book contains a compilation of short stories I've written for various contests I joined. Some stories inside this anthology include English works, Filipino, and Fillish languages.It is a compilation of various stories with different genres, but all of it has a touch of Romance.Please, I do hope that you enjoy this book.

chap-preview
Free preview
HIMIKO: AISHETERU (Part One)
Masiglang tawanan at usapan ang bumungad sa aking pandinig nang imulat ko ang aking mga mata. Pumapaimbabaw sa lakas ng halakhakan ang hiyawan at harutan nang mga batang naglalaro sa hardin. Gumuhit ang ngiti sa aking labi habang mataman ko silang pinakikinggan. Ah, isa itong napakagandang musika para sa akin. Hindi ko lubos-maisip na magkakaroon ako ng ganito kalaki at masayang pamilya. Ni hindi pumasok sa aking hinagap na mararanasan ko ang ganitong kapayapaan at kasiyahan noong aking kabataan. Parang kailan lang nang iniatang ko ang aking sarili at sumali sa Hukbalahap upang palayain ang Pilipinas sa pananakop ng mga Hapon. Nuong mga panahong iyon ay wala akong ibang pangarap kung hindi makalaya ang Mahal kong Pilipinas at ang mga Pilipino sa talim ng kuko nang mga Hapon; kahit ang kapalit pa ay ang aking buhay. “Iwan mo na ako dito,” saad ko kay Arturo, ang 'nars' na itinalaga sa akin ng mga anak ko upang alagaan ako. Katatapos niya lang akong paliguan at bihisan. Ngayon nga ay tulak-tulak niya ako sakay ng makabagong upuang de gulong na kaloob ng isa sa mga anak ng kambal. Kalalabas lang namin ng aking kuwarto. “Hindi ho ba kayo tutuloy sa labas, 'Tay Ignacio? Naroon na po ang buong pamilya ninyo,” malumanay na pahayag sa akin ni Arturo. “Gusto ko munang manatili saglit dito. Tawagin na lang kita ulit maya-maya para ilabas ako.” Marahang tango ang isinagot ni Arturo sa akin, saka niya ako tuluyang iniwanan sa sala; sa harap ng isang kupas na larawan nang aking namayapang esposa. Alam ko namang hindi tuluyang lalayo si Arturo sa tabi ko. Iniangat ko ang aking nanginginig na kamay upang mahaplos ang larawan ng aking pinakamamahal. Marahan kong isinandal ang aking noo sa kanyang kuwadro, na wari nakahimlay sa kan’yang mga braso. “Himiko, mahal ko.” Bulong ko sa kan’yang litrato. “Hintayin mo ako, Mahal ko. Malapit na tayong muling mag-tagpo. Tinupad ko na ang aking pangako, sinunod ko ang habilin mo. Handa na akong sumunod sa piling mo. Ako’y nangungulila na sa’yo. Panahon na para tayong dalawa naman ang maging maligaya sa piling ng isa’t isa. Mahal na mahal kita aking esposa.” Ako nga pala si Ignacio Dela Cruz, ngayon ang aking ika-siyam napu’t pitong kaarawan; at ito ang kuwento ng pag-ibig ko. Taong 1943 “Anak gising!” may himig ng pagkabalisa at pagmamadali sa tinig nang aking ina, kaya agad akong napabalikwas ng bangon. “Bakit po inang?” pupungas-pungas na tanong ko. “Sssh!” saway nito sa akin, sabay takip niya sa bibig ko. “I-inang?” nanlalaki ang mga matang mahinang tanong ko kahit na takip-takip pa rin niya ang bibig ko. Sumenyas lamang siya sa akin na tumahimik at pakinggan ang paligid. Nakarinig ako ng mga yabag sa hindi kalayuan, papalapit nang papalapit ang mga iyon sa aming kubo. “Ano po’ng nangyayari?” pabulong na tanong ko, nang tanggalin ni inang ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko. para sa dagliang paglikas. Narito na ang“Mga Kenpentai at Makapili,” nanginginig ang kamay na pabulong na sagot sa akin ni inang. Mabilis niyang isinilid sa isang ulapot ang ilan kong gamit. Saka agaran niya akong pinatayo at dinala sa likod bahay, patungo sa kasukalan. “P-pero bakit po–” “Tandaan mo ang habilin ng ama mo. Dise-siyete ka na at alam mo na ang nararapat mong gawin. Hanapin mo si Ka Isko,” Pinagtulakan ako nang aking ina papasok sa kasukalan. “Tandaan mo, anuman ang marinig mo, huwag na huwag kang lilingon o babalik dito!” Bagama’t naguguluhan at labag sa loob ko ay wala akong magawa kung hindi sundin ang utos ni inang. Kitang-kita ko sa kan’yang mga mata ang determinasyon na maiwan upang ako ay makatakas. Gusto kong samahan siya at ipagtanggol, pero ang alab ng pagmamahal at determinasyon niyang makalayo ako sa lugar na iyon ang siyang pumigil sa mga paa ko upang muli siyang balikan. Nang marinig ko ang boses ng mga Kenpentai ay agad akong pumasok sa kasukalan, nasulyapan ko pa ang pagkaway ni inang sa akin bilang pamamaalam, bago siya muling bumalik patungo sa kubo. Hindi pa man ako gaanong nakakalayo ay isang matinis na sigaw ng aking ina ang narinig ko. Napahinto ako, natulos sa aking kinatatayuan. Nagtatalo ang aking puso’t isipan, gusto kong balikan ang aking ina at alamin ang kan’yang kalagayan. Pero paulit-ulit namang bumabalik ang kan’yang huling kataga sa aking isipan. ‘Tandaan mo, anuman ang marinig mo, huwag na huwag kang lilingon o babalik dito.’ Namalayan ko na lang na tumutulo na ang luha ko, at ang ulapot na bitbit ko ay nabitawan ko. Napayukyok ako sa gitna ng kasukalan at impit na umiyak. Nasa ganuon akong kalagayan nang makarinig ako ng mga yabag. Madilim sa kinalulugaran ko, mangani-ngani ng lumabas ang mga bituin sa langit at ang buwan dahil sa maulap na panahon. “Kare wa mitsuke te kudasai!” sigaw ng isang Kenpentai sa hindi kalayuan. Nang marinig ko iyon ay parang may sariling isip ang mga paa ko, mabilis akong kumaripas ng takbo. Hindi ko na alam kung saang direksiyon ako patungo, ang tanging nasa isip ko lang ay makalayo. Kahit na walang ampat sa pagtulo ang luha ko ay hindi din maawat sa pagkaripas ng takbo ang mga paa ko. Dahil sa walang direksyon kong pagtakbo at sa kadilimang nakabalot sa kasukalan ay hindi ko namalayan ang naka-usling ugat ng puno ng Akasya sa tinatahak ko. Natalisod ako at nagpagulong-gulong padausdos sa matarik na lupang kinatataniman nito. Tumama ang aking ulo sa isang matigas na bagay hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay. Pagmulat ko ng aking mga mata, akala ko ako ay nasa langit na. Isang mala-anghel na mukha ang aking nasilayan. Nang tuluyang magising ang aking diwa ay saka ko lang napagtantong ang inakala kong anghel ay may singkit na mga mata at kimono ang damit niya. “S-sino ka? Nasaan ako?” gulilat kong tanong, umakma akong babangon ngunit nabigo dahil sa kirot sa aking ulo. “Ikaw huwag galaw. Ikaw pahinga, huwag ka alala. Wala galaw sayo dito. Ikaw ligtas dito,” saad nito sa akin sa paputol-putol na pananagalog. “Lugar na ito, sakop Hukbalahap. Ako pala Himiko. Nakita ko ikaw duguan sa kasukalan. Hingi ako tulong Ka Isko, upang ikaw dala dito,” pagpapaliwanag nito sa akin ng makita marahil ang katanungan sa mata ko. -TO BE CONTINUED...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.3K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.2K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook