" Girlfriend?! Bakit hindi natin alam?" tanong ni Jen na nabigla din sa kwento ko kung sino si Trina.
" You mean, matapos ang katakot takot na pangs- stalk natin kay Alex, nalusutan pa rin tayo?" anito pang natatawa.
" Kahit man sila ninang ay hindi rin nila alam ang tungkol don. Though kilala nila yung Trina. Hindi lang daw nila sa 'kin nabanggit dahil ang alam nila ay matagal ng naghiwalay ang dalawa. "
Nalaman ko lang din kay Liam that night mismo nung ma corner ko sila ni Zyrone. Pilit ko silang pinaamin kung ano ang alam nila. It happened na wla rin talagang alam si Zy. Mas close kasi si Liam kay Alex kaya mas marami syang nalalaman tungkol dito.
" So, what's your plan now?" maya maya'y tanong ni Jen sa 'kin. " Give up ka na ba or tuloy pa rin ang operation 'Make Alex fall for me plan mo?' "
" Of course, I still won' t give up to Alex kahit may Trina na sya." matatag na sagot ko. "Ngayon pa ba na okay na kami?"
"Wow, fighting pa rin!" ani Jen sabay tawa. " Sabagay kung yung dati nga na di ka pa nya napapansin, hindi ka na sumuko, ngayon pa ba na may pa friends friends na kayong nalalaman. That's a good start na rin baks."
Sana nga ay good start na ang pagiging friends namin ni Alex. Pero paano? Lalo na't may Trina na na umiiksena?
***********************
Nasa beach kami ngayon. Ang Scapolo Island Resort. Isang isla na matatagpuan sa Palawan. Isa lamang ito sa pag-aari ng magpipinsang Andrada, Sina Alex, Liam at Zyrone.
Dati ay exclusive for the family lang ang isla. Pero simula ng magkaroon na sila ng mga investors ay pinagpa planuhan na nila ngayon na i-open ito sa mga turistang nagnanais rin na makarating sa ganito kagandang paraiso.
Tuwing summer ay nakaugalian na ng tatlong pamilya ang pagsasama- sama para makapag bonding para na rin kahit paano ay makapag- relax at tumakas sa mga nakaka stress na trabaho sa Manila.
Pero mukhang mas mas- stress ako ngayon dito dahil mula sa kinaroroonan ko ay tanaw na tanaw ko ang paghaharutan nila Alex at ng girlfriend nitong si Trina. Yes, kasama ni Alex si Trina dito sa island. Kanina lang din ay pormal na ipinakilala nito ang babae sa mga magulang at sa amin. Siyempre na- hurt ako, kaya eto, gusto kong mapag- isa at umiyak na naman kaso siguradong mag- aalala lang sakin sila mommy kapag nakitang mugto ang mga mata ko. Ang alam lang kasi nilang lahat ay crush ko lang si Alex at hindi pa ganon kalalim ang nararamdaman ko para dito. Kaya kahit gusto ko ng maglupasay pinipilit ko pa ring ngumiti sa harap ng lahat. Sugatan man ang kaloob looban ko atleast may pride pa rin naman ako.
Sana pala ay sumama na lang ako kay Jen pabalik ng Manila kanina. Hindi sana ako ngayon nagmumukmok at masama ang loob.
Sumama rin kasi samin ang kaibigan ko dito para sana makapag relax kaso halos kalalapag pa lang ng eroplanong sinakyan namin ay may tumawag na sa kanya at ayun, nagkukumahog na agad pabalik. Saka na lang daw nya sakin iku- kwento kung bakit. Basta daw emergency.
Bukod kay Jen, si Zyrone at ang kapatid ko lang ang nakaka alam kung ano na ang totoo kong damdamin para kay Alex. Kaya naman hindi ako nilulubyan ng dalawa. Halos nagpapalitan lang sila sa pag sunod sunod kung nasaan ako na para bang may gagawin akong ikapapahamak ko. Mga baliw lang, hindi naman ako ganon ka desperada ano!
Hindi ko rin feel si Trina para kay Alex. Hindi dahil sa karibal ang tingin ko sa kanya. Sadyang iba lang talaga ang pakiramdam ko sa mga ikinikilos at ipinapakita nya sa amin. Hindi rin ako judgemental na tao. Pero madalas ay tama ang mga kutob ko.
" Ate! " gulat na napalingon ako kay Gwen. Nakalapit na pala ito pero hindi ko man lang namalayan.
" Bakit na naman ba?" inis na baling ko sa kanya. Bigla na lang kasing nanggu gulat.
"Ay bakit ang sungit?" kunwa'y gulat ding anito.
"Bakit kasi andito ka na naman?" pagtataray ko pa kahit alam kong nag- aalala lang sila sa'kin kaya nila ako kinukulit.
Gusto ko lang naman kasing mapag-isa at ng makapag- isip muna pero di nila ako tinatantanan. Kanina si Zyrone ang kasama ko at ang kulit lang dahil binantayan pa'ko hanggang sa pagtulog ko. Baka daw kasi magpaka lunod ako sa dagat. Baliw lang talaga!
" Wala lang... Nabo- bored na kasi ako. Wala man lang kasi akong makitang poging naliligaw dito sa resort nila." anito pa kunwari at nakiupo na rin patabi sa duyan na kinauupuan ko. Hindi ko pinansin ang sinabi nya. Binalik ko na lang ang tingin kina Alex at Trina.
"Alam mo ate, uso din ang mag move on kapag talagang masakit na." sinamaan ko sya ng tingin. Ang loka hindi man lang natinag at mula sa pagkaka upo ay nahiga na. Ang siste, parang ako na ngayon ang nakiki- upo at sya na ang naka duyan.
" It's been what, ate? " anito pa maya maya. "Seven? Eight? Oh, ten years na nga pala to be exact!"
"Ten years what?" kunot- noong ulit ko.
" Sorry for my wordings ate pero ten years ka ng umaasa na mapansin ni Kuya Alex. Ten years ka ng umaasa na mahalin ka rin nya." Sukat sa sinabing iyon ni Gwen, nag unahang nalaglag ang mga luha ko.
Dati rati naman ay nag papaligsahan pa sila ni Jen sa panunukso sakin patungkol kay Alex, ah. Sila pa nga ang madalas na nagbibigay ng mga ideas sa'kin kung paano ko makukuha ang loob ni Alex. Pero bakit ngayon, parang mas matanda pa sakin ang kausap ko at pinapagalitan ako?
" Bakit ganyan ang mga sinasabi mo sa'kin ngayon? Akala ko ba okay sayo ang mga ginagawa ko and you weren't judging me? "
"It's because that's too much na. Ate kita kaya naka support lang ako sayo noon. Kahit nasasaktan din ako kapag nalalaman kong madalas ka nyang i-reject hindi ako nagco- comment kasi kahit ako umaasa din dati na magiging kayo sa huli." tuloy lang sa pagdaloy ang mga luha ko.
" Pero ngayon na alam kong mas masasaktan ka lang kapag itinuloy mo pa rin ang mga ginagawa mo. You see, may girlfriend na sya Ate. Hanggang friends lang ang tingin nya sayo. I think its time naman for you to move on? "
" A-alam ko naman yun Gwen, eh." di ko na napigilang mapaiyak." Kaso ang hirap gawin. A-ang hirap turuan nito." ani ko sabay turo sa dibdib kung nasaan naroon ang puso ko.
" Alam ko rin Ate na mahirap. But atleast try it. Marami naman d'yan mas gwapo at mas higit pa sa kanya. Mas deserving sa love na binibigay mo. Hindi yung ganyan na palagi ka na lang umiiyak dahil sa kanya."
Kung sana lang ganon kadali gawin ang mga sinasabi ng kapatid ko malamang ay matagal ko ng ginawa.