" Besh good morning! " Napalingon ako kay Jen. Kadrating lang nito.
" Good morning Jen." ganting bati ko sa kanya.
"Aga natin ngayon ah." anitong nakangiti at bumeso sakin matapos nitong mailapag ang bag sa sarili nitong desk. Sa aming dalawa kasi sya ang palaging nauuna dito sa restaurant dahil sya ang nasa mas malapit lang nakatira. "Kanina ka pa?"
" Hindi naman, mga twenty minutes pa lang."
"Sorry late na kasi ako nagising. You know nalasing ako kagabi. Nilasing ako ng sisteret mo."
Bahagya akong natigilan dahil naalala ko ang mga nangyari kagabi. Ang pagpunta ni Alex sa birthday ko. Ang akala kong maganda na naming simula. Ang sayang naramdaman ko nung makita ko sya pero agad din naman nyang binawi.
" Oy, bakit may pa windshield?" Narinig kong tanong ni Jen na nagpabalik sa lumilipad kong diwa. Nangunot pa ang noo ko sa tanong ni Jen. Ininguso naman nito sabay senyas sa suot kong sunglasses.
" Wala trip ko lang." ani ko.
" Weh, di nga?!"
" Bakit naman pati salamin ko pinagdidiskitahan mo?"
" Because it's so not you. Kelan pa nauso sayo ang magsuot ng sunglasses sa loob ng office? Kahit nga ang init sa labas ayaw mo magsuot nyan kasi nahihilo ka."
Naudlot ang pag-uusap namin nang may kumatok sa pinto. Sumilip doon ang isa sa mga crew namin.
"Ma'am Raine, excuse me po.. Narito po si Sir Zyrone hinahanap po kau."
Kasunod nga nito si Zyrone. Ano na naman kaya ang ginagawa ng lalaking ito dito. It's Sunday today at walang pasok sa office nila kaya paniguradong mambu bwisit lang na naman 'to dito.
" Good morning Raine! " ngiting ngiti ito ng pumasok.
"Hi papa Zy, good morning!" si Jen ang bumati dito. Napataas ang kilay ko dahil halatang nagpapa cute ang kaibigan ko.
" Hi Jen good morning!" ganting bati ni Zyrone kaya naman lalong kinilig ang bruha. Ang harot, talaga!
Nakita ko ang pagtawa ni Zyrone. Isa pa tong lalaking to, maharot din!
" What brought you here Zy?" agaw ko sa pansin ng dalawa.
" Hindi pa ako nagb- breakfast." anito at pasalampak na naupo sa couch na naroon.
" Oh, tapos?"
" Dumaan ako sa inyo kanina nakaalis ka na raw."
Malamang si Gwen ang nadatnan nito sa bahay namin at nagsungit na naman ng kapatid ko.
" So, ba't di ka pa kumain don sa dining at andito ka pa sa office?"
" Tara, sabay na tayo."
" Mauna ka na, busog pa'ko. " tanggi ko.
" Pano ka mabubusog sa coffee?" kunot noo ko syang tiningnan. Napatingin naman ito sa suot na wrist watch. " Sabi ng Yaya mo coffee lang ang ininom mo at di ka nag breakfast man lang bago ka umalis. Malapit ng mag lunch time, oh. "
Pinapagalitan ba ako ng lalaking 'to?
" Aw, ang sweet naman ni Papa Zyrone..." bulong ni Jen na nasa tabi ko.
"Oo na sige na. Kakain na po, dami mong sibasabi e." Umo-o na lang din ako kahit ayoko sanang kumain dahil wala akong gana. Panigurado di na naman ako titigilan ng dalawang 'to.
" Gusto ko itry yung mga bago sa menu nyo."
Nagulat ako ng bigla na lang tinanggal ni Zyrone ang salaming suot ko.
"Hey, Zyrone ano ba!"
"Aha! Bakit namumugto yang mga mata mo ha?" nakapamaywang na tanong ni Jen sakin.
" Umiyak ka Raine?" seryoso ang mukha ni Zyrone ng balingan ko ulit. Salubong ang kilay nito at igting ang panga.
Imbes na sagutin, pahablot na inagaw ko sa kamay nya ang salamin ko at tatalikod na lang sana ako ng pigilan nya ako sa braso.
" Sabihin mo nga, dahil na naman ba kay Alex kaya namumugto yang mga mata mo?"
"Hindi Zy, wala lang to. Nakagat lang ng insect kaya namaga and puyat na din." pagdadahilan ko kahit na alam kong hindi naman nya yun paniniwalaan.
*****
Pagkatapos naming tatlo kumain umalis na din si Zyrone. May lakad pala ang mga ito kasama nila Tita Shine pero parang wala lang sa kilos nito. Kaya pala kanina parang naririnig kong may tumatawag sa cellphone nito pero hindi naman sinasagot. Ang luko-loko ni-silent pa ang cellphone para di matawagan. Akala ko naman kung sino lang sa mga babae nito iyon kaya deadma lang din ako.
Sa akin pa tumawag si Tita Shine para magtanong kung andito si Zyrone. Kanina pa daw kasi nya tinatawagan pero di nya ma- contact. Sigurado mapipingot na naman iyon mamaya sa tainga. Napapangiti ako sa naisip ko. Na- imagine ko kasi ang mukha ni Zyrone habang pinipingot ni Tita Shine ang taynga.
"Baks, ano'ng ganap?" si Jen "Bakit ka naging emotera magdamag?"
" Grabe ka naman sa magdamag. Hindi naman ganon.." pagde deny ko.
" Bakit namaga 'yang mga mata mo kung hindi magdamag?"
Hindi talaga ako nito titigilan hanggat hindi ako nagkukwento.
*****
" Hi Alex!" di parin ako maka paniwala na nagpunta nga sya ngayong birthday ko. Para tuloy akong tanga na nakatulala lang sa gwapong mukha na nakangiti ngayon sa harapan ko. Buti na lang at nakapag retouch ako kanina.
" Sorry I'm late." anito pa.
Gosh gusto kong himatayin sa kilig. Kinakausap nya ako! Feeling ko isa akong teen age girl na kaharap ni crush.
"It's okay. Thank you for coming. I'm happy to see you." ang lapad pa rin ng pagkaka ngiti ko. Kung panaginip man ito, please lang 'wag na' wag nyo akong gigisingin!
" Oh, here." iniabot nito sakin ang isang paper bag. " Happy Birthday Raine."
" Wow, nag abala ka pa. Thank you, ha."
Grabe! To the highest level na ata ang kilig ko. Gusto ko ng tumili. Malamang kung nasa tabi ko si Jen o ang kapatid ko, kanina pa nagreklamo dahil talagang mahahampas o makukurot ko sa sobrang sayang nararamdaman ko ngayon.
" Can I? " excited na akong makita kung ano ang gift nya sa'kin.
" Yeah, sure. Open it." Kinakausap nya talaga ako. Hindi nya rin ako sinusungitan!
" Wow, Ang ganda!" naibulalas ko ng buksan ko ang regalo nya. Isa iyong mug na color red at may naka print na 'Coffee Lover'
" According to Zyrone, madalas ka raw mag- coffee?" anito at nagkibit balikat.
" Yeah." I made a mental note to thank Zyrone later.
" I really love coffee." and I really love you! gusto ko sanang sabihin kaso baka mabadtrip na naman to sakin. " Thank you for this. I love it." ani ko na lang.
" Oh, anak narito pala si Alex?" si mommy. " Bakit di mo muna papasukin at ng makakain."
" Ay oo nga pala.. Sorry nakalimutan na kitang aluking kumain." hingi ko ng paumanhin sa kanya. Sa sobrang excitement ko nakalimutan ko ng pakainin ang special guest ko.
" Come inside, naroon na sila ninang."
" Ahm, I'm afraid I can't." nagtatakang tinitigan ko sya. " Actually, dumaan lang talaga ako para ibigay sa'yo yung gift." anito. " Peace offering na rin para sa mga pagsusungit ko sau."
"A-are you saying... "
"Friends?" nilahad nito sakin ang kamay para makipag shake hands.
" Friends." tinanggap ko naman iyon kahit labag sa loob ko.
Langya na 'friend zone ako! Pero okay na rin siguro yun kahit pa'no, compared naman dati na talagang kahit friends ayaw nya sa'kin.
" Hindi rin po ako magtatagal Tita." baling ni Alex kay mommy.
"Aalis ka na ba agad, hijo" si mom na ang nagtanong para sakin. Bigla kasi akong nalungkot.
" Ngayon po ang dating ni Trina, Tita. Susunduin ko po sa airport."
' Who's Trina? '