CHAPTER THREE

1179 Words
Malungkot na bumaba ako ng kotse. Kauuwi ko lang galing sa restaurant namin ni Jen, ang bestfriend ko. After ng graduation napag desisyunan namin na magsosyo sa negosyo. Nagtayo kami ng restaurant and so far maganda naman ang naging takbo. Sa loob ng dalawang taon masasabi kong napakalaki na ng iniunlad. Dapat ay hindi ako papasok kanina dahil nga birthday ko kaso ang lungkot naman sa bahay at wala naman akong makausap. At least doon malilibang ako. Birthday na birthday ko, wala man lang naka alala sa'kin. Ang saya ko pa naman kaninang umaga pagka gising ko, nag i-expect kasi ako ng mga greetings mula sa family and close friends ko. Pero pagka baba ko pa lang wala na akong naabutan sa family ko. Kahit sila Manang at ang iba pa naming helpers mukhang nakalimutan din na birthday ko ngayon. Ipinaghain lang ako ni Manang Odet ng breakfast at sinabing maaga daw umalis sila Mommy at Papa Jaime. Si Gwen naman maaga din pumasok sa school. Nagmamadali pa nga raw at may kailangan pang tapusing project. Habang kumakain, panay din ang sulyap ko sa cellphone ko at baka may nag-text na or baka may tumawag. Pero natapos na 'kot lahat sa pagkain, nakaligo na din ako, wala man lang nagparamdam. Not even Zyrone nor Liam at kahit isa man lang sana sa family nila. Given na si Alex dahil alam ko namang ayaw sa' kin non syempre pati birthday ko di non maaalala. Nakaka hurt pero that's the truth. Pagdating naman sa restaurant, umalis din agad si Jen dahil may client na imi-meet. Inantay lang talaga ako para sa ipi-present nyang proposal. Wala ding bumati sakin kahit isa sa mga chef and crew. Lahat naman sila malapit sakin kasi hindi ko naman sila itinuturing na employees lang. Pero ni hindi nila naalala na special ang araw na ito sa akin. Sa inis ko ini-off ko na lang ang cellphone ko. Bahala sila, eh sa nagtatampo ako. Matutulog na lang din ako ng maaga. Sa sobrang pag-e emote ko di ko agad napansin na parang walang tao sa bahay. walang mga naka sinding ilaw bukod yung sa may gate lang. Naka bukas din ang main door na bahay at madilim. Bigla akong kinabahan. Luminga linga muna ako sa paligid at baka may tao naman at pina prank lang ako. O di kaya baka napasok na kami ng magnanakaw! Dumoble ang kaba ko sa naisip na maaring nangyari. Dahan dahan akong naglakad papasok at kinapa ang switch ng ilaw sa may gilid ng pinto. " HAPPY BIRTHDAY RAINEEEE!!!" Sobrang nagulat ako ng pagbukas ng ilaw ay mga confetti at party poppers ang sumalubong sakin kasabay ng mga masigla at masaya nilang pagbati. Ang iingay nila promise! "Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday Happy Birthday... Happy Birthday Lorraine!" Sa aming living room ay naroon silang lahat. Masayang kumakanta ng pagbati sa akin. Hindi ko napigilan ang di mapaiyak sa sobrang tuwa. Naalala pala nila ang birthday ko... Akala ko kasi kinalimutan na nila. Maghapon kasi walang bumati sa'kin yun pala may plan sila na i-surprize ako. " Happy Birthday anak.." si Mommy na nakangiting yumakap sakin. " Thank you Mom, akala ko nakalimutan mo na." " Pwede ba naman yun?" anitong natatawa. " I might forgot mine but not with my daughters." "Aaw I love you Mommy!" niyakap ko ng mahigpi si mommy. " Happy Birthday Lorraine!" si Papa Jaime naman ang bumati sakin. " Thank you po Papa!" niyakap ko din si Papa. Sya na ang tumatayo kong ama mula ng mawala si Daddy. Step father ko sya at sya ang papa ni Gwen. " Happy Birthday ate!" ngiting ngiti si Gwen na yumakap sakin. " Bruha ka! Sabunutan kita jan e!" " Oy ang wrinkles mo day.." ani naman ni Jen. Isa pa tong bruha na ito. "Happy Birthday friendship! Wag ka na magalit, sinurprize ka na nga eh.." " Oo nga naman ate, 'wag ka ng kj." " Heh!" Lahat ng mga guests na naroon sa bahay ay lumapit sakin at bumati. Sila Tita Shine at Tito Randy na mga magulang nina Zyrone at Liam. Sila Ninang Mylene at Ninong Xander na parents naman ni Alex. May mga bitbit pa silang regalo para sakin. Natawa ako ng sina Liam at Zyrone na ang sumunod na lumapit sakin may mga hawak na kasing plato ang dalawa. Yung kay Zyrone puno ng pagkain habang ang kay Liam wala pa. " Happy Birthday Ulan!" si Zyrone na namumuwalan pa. "San ka ba nagsusuot at ang tagal mo dumating. Kanina pa'ko nagugutom." " Happy Birthday Rainy!" ani naman ni Liam. Magkapatid talaga ang dalawang to. Kung ano ano ang tawag sa akin. Matakaw nga lang si Zy. " Sensya ka na kay Zy masyadong masiba sa pagkain. " anitong pabulong para di marinig ng kapatid. Pati pala mga staff ko sa restaurant andito rin. " Ma'am sorry kanina.. Babatiin ka sana namin kaso sabi ni Ma'am Jen wag daw e." anang isa sa mga crew. " Ah, so laglagan pala Vince?!" sabad ni Jen na may dala ng plato pero wala pang laman. " Joke lang po yun Ma'am." anito namang nag peace sign pa. " Oh ate blow ka na muna ng candle. Baka matunaw na. Sayang yung cake mo." ani Gwen at hinila na ako papunta sa dining area. " Wow! Andaming foods. Talagang surprize ito ha." Halos lahat ng naka hain ay mga paborito ko. " Happy Birthday Seniorita!" bati nina Manang Odet at iba pang mga helpers namin na naroon at nag-aayos ng table. " Thank you po sa inyong lahat!" ani kong nakangiti. Nagkantahan pa ulit sila ng happy birthday. "Oh, make a wish na muna bago mo i-blow." Pumikit muna ako at nagdasal ng pasasalamat bago ako nag wish. Isa lang naman ang wish ko eh.. " Ate, alam ko kung ano yung wi-nish mo." ani Gwen na pabulong ng lumapit sakin pagkatapos kong i-blow yung kandila at magsimula ng magkainan ang mga bisita. Tinawanan ko lang sya. " Kumain ka na nga lang dyan." " Wush kunyari ka pa.." " Bakla, Friendship! may dumating kang bisita! " sabay kaming napa lingon ni Gwen kay Jen, halata sa boses nito ang kilig. " Sino?" " Who?" Nagkatinginan kami ng kapatid ko at pareho kami nagtatanong kung sino. " Halika na, ando'n sya oh. " hinila ako ni Jen pabalik sa living room habang nakasunod naman samin si Gwen. " There he is, ang Prince Charming mo..." "A-Alex?" " Wow, ang bilis naman ma grant ng wish mo, te!" hindi ko pinansin si Gwen. Na kay Alex lang ang buong atensyon ko. Lumingon ito sa akin saka ngumiti. O-M-G! he smiled?! Nakangiti sya sa'kin?! Namamalikmata lang ba ako? I blinked my eyes para makasiguro. Totoo nga! He's still smiling! At sa akin din sya nakatingin. " Bakla, wag kang feeling teen-ager dyan. Masyado kang halata." Deadma lang ako sa pang-aasar ng kaibigan ko. Basta masaya ako kasi nandito si Alex at nginingitian nya na'ko. Pinapansin na nya ako! Sana pala araw araw birthday ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD