CHAPTER SEVEN

1393 Words
" Bru, akala ko hindi na kayo dadating." bungad na bati ni Jen sa amin at nakipag beso beso. " Trapik nga bakla." ani naman ni Gwen. "Maka bakla naman 'to." angal nito. "Sabunutan kita sa bangs, eh." Nagkatawanan ang dalawa at nakitawa na lang din ako. Mas naging close ang dalawa nung umalis ako. Palagi kasi na silang dalawa ang naging magkasama sa restaurant dahil ipinaubaya ko na sa kanila ang pamamahala doon at tama naman ang naging desisyon ko dahil ngayon ay may tatlo ng branch ang restaurant na matatagpuan around Metro Manila. " By the way ang ganda mo'ng bakla!" puri ko naman at pakikisakay na rin sa pang-aasar ng kapatid ko dito. Totoo naman din na ang ganda ganda ni Jen lalo sa suot nitong off-shoulder long burgundy dress na nagpalitaw ng husto sa kaputian nito. " Blooming lang kasi yan." himig pang-asar naman ng kapatid ko. " Nasa paligid lang kasi si Prince Charming nyan kaya kinarir na ang pagpapaganda. " Heh! " kunway singhal nito sa kapatid ko. " Mas maganda ka besh. Hindi mo kasi kamukha ang kapatid mo." ani naman ni Jen sa'kin "Saan na pala si Lola Guada?" tanong ko at iginala ang mata palibot sa venue. " Hay naku, kanina pa kayo inaantay ng celebrant. Kanina pa nga ako kinukulit na tawagan na kayo at baka daw nagkanda ligaw-ligaw na kayo ng daan. " Napangiti ako sa sinabi ni Jen. Hindi pa rin talaga nagbabago ang Lola Guada nito. Sakto namang nakita ko itong naglalakad palapit saamin. Maluwag ang pagkakangiti nito at hindi mo aakalaing seventy- four years old na. Base kasi sa tindig at postura nito ay aakalain mong kaka sixty pa lang. Napaka- glamorosa nitong tingnan. Nakakapit ito sa braso ng escort na si David ang apo nito na sa pagkaka alam ko ay mortal enemy ni Jen noon. Maging ito ay napakakisig din tingnan. "Oh, andito na pala ang magaganda kong mga bisita." anito matapos naming salubungin. " Happy Birthday po Lola Guada!" masayang bati namin ni Gwen at hinalikan ito sa pisngi. Iniabot na din namin sa kanya ang dala naming regalo. " Naku nag abala pa kayo.. " magiliw na anito." Thank you.. " Si David ang nag-abot ng mga dala namin at tinawag ang isa sa mga waiter pra ipapasok iyon sa loob ng mansion at after ng mahaba- habang kumustahan ay iginaya na kami sa aming assigned table. " Jen pansin ko lang.. hanggang ngayon ba may gap pa rin sa pagitan nyo ni David?" puna ko sa kaibigan ko dahil kanina ko pa napapansin ang mga pairap nyang tingin sa lalaki. " Naku beshy! Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong umbagin ang lalaking iyon! " anito namang halata ang pinipigilang inis. " Naku Jen, ha.. Baka kung saan mapunta yang kunyaring inis mo kay David, ha. " " Bakla ka! anong pinagsasabi mo? Anong kunyaring inis? Hindi ako inis, galit na galit ako! " " Galit bang tawag don? Eh nagt-twinkle twinkle ng pa-heart kaya yang eyes mo kapag nakikita mo si David, noh. " " Anong twinkle twinkle? " napipikong ani Jen. " Iniirapan ko na nga! " " Sabi mo, eh. " pakikisakay na lang namin ni Gwen dito. " Rest room lang ako 'te.. Sama ka? " ani Gwen nang kami na lang dalawa ang naiwan sa table. Nagpaalam din kasi si Jen na may tatawagan daw saglit. " Buti pa nga, let' s go. Naiihi na din ako." ***** Medyo nainip na ko sa loob ng venue kaya naisipan kong magpahangin sandali. Yung dalawa ko kasing kasama, ayun at may kanya-kanya ng kausap. Wala naman ako gaanong personal na kakilala doon kaya medyo boring na. Kahit noon naman kasi ay hindi ko na nakahiligan ang ganitong mga party. Bihira lang din akong um-attend kung hindi ko naman close friend or relatives unless its necessary. Nung nasa London naman kami, si Theon ang palaging representative kapag may mga ganitong business gatherings. Sumasama lang din ako pag wala ng choice at kay Mama Shiela ko iniiwan ang kambal. Bahagya pa akong napa pitlag nang mag-ring ang cellphone sa clutch bag na dala ko. Si mommy ang tumatawag. " Hello mom?" sagot ko. Buti na lang at dito ako napadpad sa may pool area. Maliwanag at medyo tahimik dito at hindi gaanong rinig ang music na nanggagaling sa party kaya pwedeng makipag-usap sa cellphone. " Hello, anak.. Hindi ba kami nakakaistorbo? Gusto ka raw kasi kausapin nitong mga anak mo. May sasabihin daw sila sayo." Natawa ako sa sinabi ng mommy , ofcourse hindi sila nakaka istorbo lalo na pagdating sa mga anak ko. I make it sure to always have time for them. " Sure Mom." ani ko." Buti nga po at tinawagan nyo'ko. Bored na'ko sa loob. " Si mom naman ang natawa. Alam kasi nya kung gaano ko kaayaw ang mga ganitong parties. " Oh sige na, eto na ang dalawa mong makulit." " Hello mommy!" boses iyon ni Dreena. " Hello mom! " rinig ko rin si Nix. Ni-loud speaker siguro ni mommy para di mag-agawan ang dalawa sa cellphone. " Hi kids!" bati ko sa dalawa. " Behave ba kayo dyan? " " Yes po mommy. Behave po kami. " sabay na sagot ng dalawa. " Nang-play lang po kami with Gwandma and gwandpa." si Dreena. "Oh, that's so nice kids." " Mom, Papa Theon called earlier. He said hi to you po." si Nix. " He also asked if when are we going back to London po? Because he misses us so much. " Lage naman iyon ang sinasabi ni Theon tuwing tatawag ito sa amin, that he missed us very much. Ganon din naman kami sa kanila, miss na rin namin sila ng mga anak ko. " I asked Papa Theon to visit us hewe Mommy. " sabat ulit ni Dreena. "Yeah?" pakikisakay ko rin. " What was Papa Theon's answer?" Paniguradong todo tanggi ang lalaking 'yon. Bukod kasi sa hectic na schedule nito doon dahil mas nadoble ang trabaho nito ng umuwi kami dito, ayaw nya na talagang tumapak ng Pinas. Marami din daw kasing bad memories dito ang gusto na nitong kalimutan. Nung una nga' y akala ko ginu-goodtime lang ako ng lalaking iyon kapag tinatanong ko sya at iyon lagi ang sagot nya. Line ko rin kasi 'yon at akala ko ginagaya lang nya ako, pero later on nalaman ko ang story nya, totoo pala. "And he said yes po Mommy! " Masayang balita ng dalawa na sobrang excited. Hindi ako sure kung ano ang iniisip ni Theon at um-oo sa mga anak ko. Pero knowing that guy, hindi naman no'n ugaling magpaasa ng mga tao kahit siraulo iyon at babaero. Lalo na pagdating sa mga anak ko. Matapos ang tawag, nag-antay pa ako ng ilang minuto sa part na iyon ng mansion. Akmang tatayo na sana ako ng muling mag- ring ang cellphone ko. " Hello ate, where are you? " bungad na sabi ni Gwen pagkasagot ko ng tawag. " Dito 'ko sa may pool area. Medyo nainip na kasi ako sa loob." " Okay, wait for me there. Uuwi na tayo." Mababakas ang tila pag-aalala sa boses nito na ipinagtaka ko. " Why? May nangyari ba? " " Your ex, ate. Nandito rin sya! " " Sinong ex? " pabirong tanong ko. Baka kasi pinaprank na naman ako ng dalawang bruhang iyon. " Don't tell me ate na may iba ka pang ex bukod sa ex-husband mo, hello!" Seryoso ba talaga ito? Para akong pinanlamigan sa sinabi ng kapatid ko. Dali-dali na akong nagpaalam kay Gwen at napag-usapan naming sa parking na kami magkita at sila na ni Jen ang bahalang magpaalam kay Lola Guada. Habang naglalakad ako palabas ng pool area ay tinawagan ko na ang driver namin para i-ready na ang sasakyan. Sa pagmamadali ko, hindi ko tuloy napansin ang taong naglalakad rin pasalubong sa direksyong tinatahak ko. May kausap din ito sa telepono nito at muntik pa kami nitong magka bungguan. My heart begin to thump wild again like it used to, almost five years ago nang mapagsino ko kung sino ang lalaking muntik ko ng makabungguan. Si Alex! Ibinaon ko na sa limot ang kung anuman ang nararamdaman ko para sa lalaking ito. Pero bakit ganito?! Parang naninikip ang dibdib ko na hindi ko maintindihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD