Naiiritang sinagot ni Alex ang kanina pa'y nag-iingay nyang cellphone. Si Zyrone ang tumatawag. Dapat ay kanina pa ito narito pero naunahan pa rin nya.
Masyadong maingay sa venue at di sila nito magkarinigan kaya naghanap sya ng medyo tahimik na lugar. Napadpad sya sa may pool. Medyo tahimik nga dito dahil wala gaanong tao.
" Hello, Zyrone. Where the hell are you?!" sita nya agad dito. Baka kasi kung saan-saang babae na naman ito nasabit kaya hanggang ngayon ay wala pa.
" Don't worry bro, dadating ako. Masyado lang trapik."
Lalo lang s'yang nairita sa sagot nito. Idadahilan pa ang traffic, eh matagal na naman talagang trapik. Sana kung umalis na lang ito ng mas maaga, malamang ay nauna pa sa kanya.
Importante pa naman na magkita sila ngayon dahil na kay Zyrone ang mga files na kailangan nya para bukas. Wala naman talaga syang planong magtagal dito sa party ng lola ni David. Ang plano nya kasi'y umuwi rin agad dahil maaga pa ang flight nya papuntang Japan kinaumagahan kaya wala na syang time para sa mga kalokohan nito. Nagkataon naman kasing wala rin si Liam kaya no choice sya kundi ang pagtyagaan ang pinsang si Zyrone.
" You better get your ass on here Zyrone or else!" banta nya rito. Talaga naman kasing sinasagad nito palagi ang pasensya nya.
" Oo na, dadating ako." anitong parang cool na cool lang.
" Bili—" hindi nya na naituloy ang sasabihin dahil sa kamuntikan na silang magka bungguan nga babaing kasalubong nya. May kausap din ito sa telepono at nagmamadali sa paglalakad kaya marahil ay hindi sya nakita.
" Sorry," panabay pa nilang hingi ng paumanhin ngunit ganun na lang ang pagkagulat nya nang mapagsino ang babaing kaharap.
Si Lorraine!
Makailang beses pa muna syang napakurap-kurap bago nakuhang isatinig ang pangalan ng dati nyang asawa.
" L-Lorraine?!"
**********
Flashback
Mahihinang katok sa pinto ang nagpagising sa akin. Gabi na at nauna na akong nagpaalam sa mga kasama ko na magpapahinga na. Idinahilan ko na lang napagod ako sa pagsu swimming. Pero ang totoo ay hindi ko na kasi matagalan ang nakikitang ka-sweet-an nina Alex at Trina. Masakit sa mata at mas masakit na sa puso.
Ang hirap palang magpaka plastik. Yun bang okay ka sa harap nila pero sa loob mo ay parang mamatay matay ka na sa sobrang selos.
" Ay Ninang kayo po pala..." Si Ninang Mylene pala ang nasa labas nang buksan ko ang pinto. "Pasok po kayo."
" Hindi ba kita naiistorbo, hija?" anito
" Naku, Ninang hindi po."
" Galing ako kina Alex, nagb-bonfire sila hinanap kita wala ka naman don. Sabi ni Gwen magpapahinga ka na daw dahil napagod ka." anito at umupo kami sa couch na naroon.
" Ahm.. medyo nga po Ninang. Halos maghapon din po kasi akong naligo sa dagat. " ani ko at binuntutan pa iyon ng mahinang tawa para medyo kapani-paniwala.
" Don't lie to me, hija." ani Ninang Mylene kaya natigilan ako. " Iniiwasan mo ba ang anak ko?"
" P-po? " napaiwas ako ng tingin. Grabe naman kasi 'tong si Ninang Mylene kung makatitig sa' kin. Parang binabasa ang kasulok-sulukan ng utak ko.
Isang malalim na buntong hinga ang pinawalan nito. " I know you love my son, Lorraine." anito pa na ikinamangha kong lalo. Ginagap nito ang dalawang kamay ko at marahan iyong pinisil.
" Po?" hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin kaya puro 'po' na lang ang lumalabas sa bibig ko.
" I don't like that girl, Trina for my son."
" P-po?" eto na naman ako, mukha na akong tanga. Nakaka- shock naman kasi itong si Ninang Mylene. Never ko naisip na magsasabi sya sa akin ng ganito.
" Help me, hija. Tulungan mo akong mapaghiwalay sila."
" Pero Ninang... "
" Ikaw lang ang makakatulong sa'kin hija. 'Wag mong hayaang makuha ng Trina na yun ng tuluyan ang anak ko."
" Pero Ninang, mukha naman pong mahal nila ang isa't-isa." sabi ko naman kahit deep inside masakit iyon pakinggan.
" I don't think so.. " anitong ikina kunot ng noo ko.
" P-pano nyo po nasabi?"
" Dati na silang naghiwalay noon. Iniwan ng babaing 'yon ang anak ko dahil sa ibang lalaki. "
Hindi ko alam na may ganon na palang nangyari. Wala naman din kasi silang nababanggit na kahit ano about sa girl. Kahit nga pangalan niyon ay never kong narinig na pinag-usapan ng mga kaibigan at family namin or baka sinadya lang talaga nilang wag ng pag-usapan pa. Sobra sigurong nasaktan si Alex.
Nakaramdam tuloy ako awa para kay Alex at galit naman para kay Trina. Ang kapal naman nito para saktan si Alex noon. Kaya pala iba ang naba-vibes ko sa babaing 'yon eh kahit nung unang kita ko pa lang.
" Please anak, help me save my son from that witch!" determinadong sabi ni Ninang Mylene habang hawak pa rin ang mga kamay ko.
" How can I help you Ninang?"
_______________________________
After ng pag-uusap naming iyon ay lumabas na rin si Ninang at sakto namang dumating na ang kapatid ko.
" Oh, te ba't gising ka pa?" anito. " Kala ko ba pagod ka ba't di ka pa natutulog?"
Irap lang ang naging sagot ko na ikinatawa nito. Ang gaga alam naman nyang alibi ko lang 'yon para maka-exit ako agad sa kanila eh.
" Galing na dito si Tita?"
" Oo. Kaaalis lang."
" Ano sadya? Kanina ka pa non hinahanap eh. "
Nagdalawang isip pa muna ako kung dapat ko pa bang ikwento kay Gwen ang napag-usapan namin ni Ninang kanina.
Sa huli ay nagkwento na rin ako. Mapagkakatiwalaan ko naman itong kapatid ko eh. Kahit may pagka loka-loka ito madalas dahil nahahawa na sa kaibigan ko.
" Hala ka ate, baka malaman ni Mommy, lagot ka. Tiyak na sangkaterbang sermon ang aabutin mo don."
" Eh, kaya nga. Dapat hindi malaman ni Mom. Baka mamaya, awayin pa non si Ninang Mylene."
" Eh, pano kung madulas ako at bigla ko masabi?" hirit pa nito na alam ko namang joke nya lang.
" Eh, di subukan mo lang,. Humanda ka naman sa'kin...! " banta ko rin.
Maya-maya lang ay nagtatawanan na kami ni Gwen. Gumaan na rin kasi ang pakiramdam ko kahit paano dahil sa pag-uusap namin kanina ni Ninang. Muli ay nagkaroon ako ng pag-asa kay Alex. Lumakas muli ang loob ko dahil alam kong may handang tumulong at sumuporta sa akin.