MAINIT ang ulo at pabagsak na inilapag ni Alex sa ibabaw ng lamesa ang kanyang cellphone matapos nyang makipag- usap sa inupahan nyang private investigator. Akala pa naman nya ay may progreso na sa paghahanap ng mga ito sa kanyang asawa, pero kagaya pa rin ng dati... nangangapa pa rin sila hanggang ngayon.
Its been four years, at hanggang ngayon ay labis pa rin nyang sinisisi ang kanyang sarili dahil sya ang may kasalanan kung bakit ito umalis. Gustuhin man nyang humingi ng tawad at muling buuin ang pamilya nila...paano? Kung hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nito nagkikita dahil hanggang ngayon ay ni hindi nya alam kung saan ito pupuntahan.
Lahat ng kamag- anak at kilala nyang kaibigan at mga dating naging malapit dito ay napaimbestigahan na rin nya. Naikot na din nya ang buong Pilipinas sa paghahanap dito and even abroad! Lahat ng alam nyang posible nitong puntahan ay napuntahan na nya, pero kahit anino nito ay wala pa rin.
" Talagang mahirap hanapin ang taong ayaw nang magpakita pa... " Marahas syang napalingon kay Zyrone dahil sa sinabi nito. Nakalimutan nyang naroon nga rin pala ang mga ito sa loob ng opisina
Maging ang pinsan nyang ito ay isa sa mga unang pina imbestigahan nya noon sa pag-aakalang isa ito sa mga nagtatago sa kanyang asawa. Batid nyang hanggang ngayon ay may sama ito ng loob sa kanya dahil sa mga nangyari noon. Well, hindi lang naman ito, kundi ang buong pamilya nya. Lalo na ang pamilya ni Lorraine. Nagkaroon ng lamat ang magandang samahan ng kanilang pamilya ng dahil sa kanya... Magmula ng maghiwalay sila ni Lorraine.
Maka-ilang beses na din syang nakatanggap ng mga suntok mula sa mga pinsan at sa mga kaibigan nya dahil nga sa katangahan nya, pero ganun pa man ay naging mas matimbang sa mga ito ang pagiging magpinsan at pagkakaibigan nila kaya't hanggang ngayon ay tumutulong pa rin ang mga ito sa paghahanap nila sa kanyang asawa.
Malapit at naging matalik na magkaibigan sina Zyrone at Lorraine noon at batid nyang matagal nang may gusto ang pinsan nya sa dalaga pero walang ibang nakikita noon si Raine kundi sya. Sya na walang ibang ginawa kundi ang saktan at balewalain ang damdamin nito para sa kanya.
He took her for granted and he did'nt even realized that, hanggang sa dumating ang isang aksidente. Hinding hindi nya makakalimutan ang araw na iyon na nagpabago sa mga buhay nilang lahat. Doon nya pa lang na-realize kung gaano sya katanga para saktan ang babaing totoo at sobrang nagmahal sa kanya.
Gustuhin man nyang makabawi sa mga kasalanan nya dito, its too late, dahil bigla sya nitong nilayasan ng walang paalam. At marahil ay sukdulan din ang galit nito sa kanya. Kasabay din ng pag-alis nito, pinirmahan na din nito ang annulment papers na noo'y matagal na nyang hinihinging gawin nito. Ngayon ay wala syang ibang sinisisi kundi ang kanyang sarili.
Kung pwede lang nya sanang ibalik ang panahon na kasama pa nya si Lorraine... itatama nya lahat ng pagkakamling nagawa nya.
" Dude, don't you think its time for you to move on? " ani Dave na ngayon lang ata nagseryoso.
" Ano'ng ibig mong sabihin? Na ihinto ko na ang pagpapahanap sa asawa ko? " inis nyang baling dito.
" Bro, apat na taon na pero tingnan mo kahit anong lead wala tayong makuha. "
" No! " mariin nyang tanggi. " I won't stop looking for my wife!"
*************
Para syang nagka-ugat na sa kinatatayuan at hindi makapaniwala sa nakikitang babae na nakatayo sa mismong harapan nya.
Pakiramdam nya ay para syang tinadyakan sa dibdib dahil sa sobrang kabang naramdaman. Ni hindi nya makuhang ibuka ang bibig sa sari-saring emosyong dumadagsa ngayon.
Ilang beses pa syang napakurap para lang masigurong hindi nga sya pinaglalaruan lang ng imahinasyon nya.
Simula nung araw kasi na sinabi sa kanya ni Nana Yolly na nakabalik na si Lorraine at nagpunta sa bahay nila, hindi na sya mapakali na pakiramdam nya'y palagi na syang excited at anumang oras ay uuwi ito ng bahay. Pero ilang linggo na ang dumaan ay hindi na ito muli pang nagparamdam.
Si Lorraine nga ang nasa harap nya ngayon! Hindi sya pwedeng magkamali na ang asawa nga nya ito! Kagaya nya ay halatang nagulat din ito. Ilang beses din itong napakurap at awang ang mga labi.
She is wearing an off shoulder red dress na hapit sa katawan at na-emphasized lalo ang maliit nitong baywang at katmtamang laki ng dibdib. Right curves in the right ways 'ika nga. Naka taas din ang pagkakatali ng buhok nito na mayroong nakalawit na kaunting hibla ng bangs sa gilid. Kitang kita ang maputi makinis nitong batok.
She looked very different now. Parang may nagbago sa katawan nito na sa tingin nya'y mas bumagay dito. What he's seeing now is a look to behold.
Aaminin nyang dati pa naman ay maganda na talaga ito at sexy. Hindi nga lang nya ma- appreciate dahil sa galit na nararamdaman nya para dito. Natakpan ng galit nya ang lahat ng efforts at kabutihang ginagawa nito para sa kanya.
" H-hi!" s**t, nauutal pa sya. Ang tagal na nyang pinaghandaan at practice-an ang mga sasabihin sa oras na magkita sila nito pero heto sya ngayon, walang ibang masabi kundi 'hi' lang.
" H-hi!" anito naman.
" Hello Lex?" boses iyon ni Zyrone. Nakalimutan na nyang nasa kabilang linya pa pala ito at aksidente ata nyang napindot ang loud speaker ng cellphone kanina ng kamuntik na silang magkabangga ni Lorraine. " Bro malapit na ko."
Sa sandaling pagkalingat nya lang dahil kay Zyrone, nawala agad sa harapan nya si Lorraine. Ni hindi nya man lang ito nakamusta at nakausap.
Inikot nya ang buong lugar para hanapin ito ngunit wala na ito doon. Sa sobrang inis ay si Zyrone ang napagdiskitahan nya ng dumating.
" What? " si Zyrone. " Nandito na si Raine?!" ni hindi nito pinansin ang paninita nya bagkus ay tuwang tuwa pa.
" Yes and it's your fault kung bakit sya nawala sa paningin ko!"
" Tss. Ako na naman ang pinag-iinitan mo." isang masamang tingin lang ang ibinigay nya dito at lalo lang syang nairita ng tumawa si Zyrone.
" Mukhang nagiging si the flash na 'tong si Raineee ko. Akalain mong natakasan ka?" pang-aasar pa nito.
" Will you stop calling her that?! "
" Possessive, eh?" tinapik pa nito ng bahagya ang balikat nya. Sarap lang netong sapakin. " Bro wala na kayo ni Raine, matagal na. Don't act like she's still your's. At pustahan tayo na sa pagitan nating dalawa, kung may gusto mang lapitan ngayon si Raine, most definitely, it's no longer you."