CHAPTER TEN

1225 Words
Nagtatagis ang bagang ni Alex habang iniisip ang mga sinabi sa kanya ni Zyrone. Hindi pwedeng mangyari ang mga sinasabi nito. He just could not allow it to happen. Asawa pa rin nya si Lorraine dahil hindi naman nya itinuloy ang pagproseso ng annullment nila. Nang umalis ito at pinirmahan nga nito ang mga dokumentong iyon ay parang bigla siyang natauhan. Pagkatapos ng gabing magkita sila sa party ng lola ni Dave, hindi na naman nya ito mahagilap. Nagpabalik balik sya sa bahay ng mga magulang nito pero wala ang mga ito doon at tikom naman ang mga bibig ng mga kasambahay kung nasaan sila ngayon. Kahit sa restaurant ay hindi na raw ito nagagawi roon. Si Jenny lang ang humarap sa kanya dahil si Gwen ay ayaw pa rin syang kausapin. Kailangan na nyang kumilos bago pa tuluyang maka alis na naman ang asawa nya. Isang malalim na buntong hinga ang pinawalan nya bago kinuha ang cellphone at tinawagan ang kaibigang abogado na si Luke. Ilang ring lang at narinig na nya ang pagsagot sa kabilang linya. " What the f**k dude!" pasinghal na ani ni Luke nang sagutin nito ang tawag nya. "I'm enjoying my night and I am in the middle of a deep sleep! " Maniniwala na sana sya sa sinabi nito nang may marinig na boses ng babae sa kabilang linya. " Really, Luke? " " f**k! —Oh, s**t! dude Im in the middle of a fight!" anito pa. " This better be important or el—" " I'll pay your time." putol nya sa sinasabi nito. " Make it double." " Fine!" " Okay,.." naririnig nya ang mga kaluskos sa kabilang linya. Marahil ay nagbibihis ang gago. " So, what now? " " It's about Lorraine, my wife. " ********** Lorraine's POV. Napilitan ako na magpahatid na lang sa driver ni Papa Jaime na si Mang Efren papunta ng Zambales. Hindi kasi pumayag sila mommy na ako ang magdrive. Masyado daw kasing malayo. Nagkaroon kasi ng problema sa resort doon. Nataon naman na wala din si Gwen dahil nasa Singapore pa ito at masama naman ang pakiramdam ni Papa Jaime. Pumayag naman sila na ako ang magpunta nang mag volunteer ako pero ang kundisyon ay hindi ako ang magd-drive. Kalagitnaan na ng byahe nang dahan dahang huminto ang kotseng sinasakyan namin. " Mang Efren bakit po tayo huminto?" nagtataka kong tanong. " Naku Seniorita tumirik po, eh." " Ha? Bakit?" inilibot ko ang paningin sa paligid. Wala na kami sa highway. Buti na lang dahil baka kung nagkataon ay maaksidente pa kmi. " Sandali lang po at titingnan ko muna." nang bumaba si Mang Efren ng sasakyan ay kinuha ko naman ang cellphone ko para tawagan sana si Mommy at kausapin din ang kambal, pero walang signal sa kinaroroonan namin ngayon. Nang may katagal- tagalan na din sa pagkakalikot ng kotse si Mang Efren ay bumaba na din ako. Nakakainip din kasing maghintay ng walang ginagawa. " Naku Seniorita, mukhang magkakaproblema po tayo." anito ng makitang palapit ako. " Bakit ho, ano pong problema?" " Sa electrical po ang sira Seniorita." " Hindi nyo po ba ni-check muna bago tayo umalis?" " Ni- check naman po namin Seniorita lalo at alam naming malayo ang byahe natin. Kaso po mahirap talaga kapag sa electrical na. Hindi agad malalaman kung kailan magloloko." sagot nito. Frustrated na napatingin ako sa wrist watch ko. Past four na ng hapon at malayo pa kami sa resort at mukhang bihira din ang mga sasakyang dumadaan. Ang paligid naman ay panay bukirin lang at mga punong kahoy. Wala rin akong makitang mga kabahayan. Ang huling bahay na nakita kong nadaanan namin ay napakalayo na kung sakali mang lalakarin. " Pa'no po yan hindi nyo po ba kayang ayusin?" nag-aalalang tanong ko. Nakita ko kasing may kinu-contact ito sa cellphone nito pero gaya ko ay wala din syang signal. " Kailangan po ay sa talyer ito madala Seniorita. Himdi ko po kasi gamay pag sa mga electrical wirings na." " Ha? Eh pano po yan, malapit na ding dumilim. Baka gabihin po tayo. Hindi po ba delikado dito?" Maya maya'y may namataan kaming paparating na sasakyan. Agad naman itong sinalubong ni Mang Efren para pahintuin sana pero imbes na huminto ay mas bumilis iyon ng malapit na sa amin. Bumusina pa ng malakas at tuluyan na kaming nilagpasan. Mga after fifteen minutes ay may dumaan ulit at ganun din sa nauna ang nangyari. Hanggang dalawang sasakyan pa ulit ang dumaan at ganun din, nilagpasan lang kami. Sabagay, hindi ko naman din masisisi ang mga iyon. Sa panahon kasi ngayon ay nakakatakot na ang basta magtiwala lalo sa ganitong ilang na lugar. Malay ba nila kung masasama pala kami at naghahanap ng mabibiktima. Para tuloy akong nahintakutan sa isiping 'yon. Sinubukan kong tumawag ulit at naglakad ako ng konti palayo sa sasakyan namin para makahanap ng signal pero wala talaga. Muli, may namataan kaming sasakyang palapit. Gumitna na si Mang Efren sa kalsada para mapahinto ang parating na kotse, bagay na ipinag-alala ko lalo. Pa' no kapag nasagasaan nito si Mang Efren, anong gagawin ko? Nang medyo malapit na'y bumusina naman ito ng mahina at nakahinga ako ng maluwag nang huminto ang kotse at nakita kong kinakausap na ni Mang Efren ang driver. Nakita kong bumukas ang pinto ng magarang kotse at halos mapanganga ako ng mapagsino ang driver niyon! Si Alex! My god, si Alex nga ang driver ng kotseng pinara ni Mang Efren! Kahit sa malayo ay nakikilala ko pa rin sya. Napatalikod akong bigla at hindi ko malaman ang gagawin. Ilang malalalim na paghinga muna ang ginawa ko para mapakalma ang sarili. 'Hindi— hindi pwede 'to!' ani ko sa sarili ko. Masyado naman atang lumiliit ang mundo sa pagitan naming dalawa. " Seniorita!" narinig kong tawag ni Mang Efren. Nagbilang pa muna ako ng tatlo bago ako humarap sa kanila. Sumenyas itong lumapit daw ako. Todo ngiti si Mang Efren dahil nawalan sya ng malaking problema samantalang ako, pakiramdam ko'y lalo lang akong namroblema ngayon. " Seniorita, solb na po ang problema natin." anito pa nang makalapit ako sa kanila. " Si Sir Alex nga po pala. Sir si Seniorita Raine po." pagpapakilala pa nito sa aming dalawa ni Alex. Naalala kong hindi nga pala kilala ni Mang Efren kung sino si Alex kaya ganito ito. Nakakailang naman ang paninitig ni Alex sa akin. Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko'y hindi man lang ito nabigla or nagtaka man lang na kami or ako ang makikita nya dito sa gitna ng kalsada at ilang na daan? " Hi Lorraine. It's good to see you again." anitong nakangiti. Tipid na ngiti at tango naman ang naging sagot ko. Hindi ko rin kasi mahagilap ang boses ko sa sobrang kabang nararamdaman. " Magkakilala ho kayo?" palipat-lipat ang tingin sa amin ni Mang Efren. " Y-yes po Mang Efren, anak po sya ng kaibigan nila mommy." inunahan ko ng magsalita si Alex dahil baka ano pang masabi nito. Nang balingan ko ng tingin si Alex ay bahagyang nakataas ang kilay nito at pigil ang pagsilay ng isang ngiti. "Ay ganon ho ba? Naku, mabuti na lang pala at kayo ang huminto sa amin. Nakatatlong sasakyan din ang nilagpasan kami. Sabagay mas panatag naman ako kung sa inyo ho sasabay itong si Seniorita." " H-ho? No!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD