Flashback
" Hi Alex!" nakangiti kong bati kay Alex. Last night na namin dito sa resort kaya napag- usapan ng mga family namin na sabay sabay na ulit kaming mag dinner.
" Hi Lorraine." tipid na ngiti naman nito sakin tapos ay muli na nitong ibinaling ang atensyon sa cellphone nito. May katext ata ang lolo.
'Hmp! badtrip. Hindi man lang napansin ang pagpapaganda ko!' naisaloob ko na lang.
Kahit kasi medyo nakangiti na ito sa'kin, halata namang pangit ang mood nito ngayon base sa pagkaka kunot ng noo nito. Pinaghandaan ko pa naman ang gabing ito at nagpaganda talaga ako ng bongga para naman kahit pa'no mapansin nyang maganda rin ako.
" Ba't mag-isa ka? Wala pa sila?" pag-o- open ko ng usapan. Kahit kinikilig ako dahil kaming dalawa pa lang ang nandito, awkward pa rin yun lalo at alam kong ang sungit ng kasama ko. Naupo ako sa silyang katapat nya.
Tumingin naman ito sa'kin kaya ngumiti ako ulit, pero imbes na sumagot, nagkibit balikat lang ito, tapos dedma na naman ang beauty ko. Haay, sungit naman talaga!
" Uhm, by the way, where is Trina? kunwari'y tanong ko baka sakali na makuha ko na attention nya. " I heavn't seen her since this morning."
" She left last night." mukhang tama nga ako.
" Oh, I see. Kaya pala nag-iisa ka lang ngayon." kumunot na naman ang noo nito na para bang may mali sa sinabi ko. Parang lalo lang na-badtrip ang lolo mo.
" Hey beautiful, nandito na pala kayo." si Zyrone na kadarating lang. And oh, kasama nito ang kapatid ko? Himala! Hindi 'ata sila parang mga aso't pusa ngayon. Humalik ang mga ito sa pisngi ko at tinapik naman ni Zyrone si Alex.
" Kanina pa kayo, ate? " si Gwen.
" Nope, I just got here, too. Magkasunod lang din tayo."
Maya maya'y dumating na din si Liam. Mukhang ang ganda ng araw nito, ah. Todo kung makangiti eh. Bumati ito samin ni Gwen at tinapik ang mga balikat ng nina Zyrone at Alex.
" Naka- jockpot ka na naman siguro. Lawak ng ngiti mo, eh." biro ni Zy dito. " Hula ko, chicks no?"
" Gago! Igaya mo pa 'ko sayo." balik naman nito sa kapatid.
As usual, di na naman kami maka- relate ni Gwen sa kwentuhan ng mga boys kaya tahimik lang kami. Maya maya' y kinalabit ako ng kapatid ko saka bumulong.
" Te, bakit mukhang badtrip na naman yang si crush mo? " anito. Napatingin ulit ako kay Alex. Tahimik nga lang ito habang ang dalawa naman ay nagkukulitan. " Ano na namang ginawa mo?"
" Ano? Wala akong ginawa, ah!" pinandilatan ko si Gwen ng mata na ikinatawa lang nito. Baliw lang talaga.
" Joke lang. Ikaw naman di ka pa nasanay."
" Shut up! "
" Oh, eh bakit nga?" di talaga titigil eh? " Tsaka asan si girlfriend? Wala atang nakalingkis ngayon? "
" Umalis na daw kagabi pa."
" Bakit? War ba sila?"
" Aba malay ko!"
" Hindi mo tinanong? "
" Ba't ko naman itatanong?" taas kilay kong sagot na pabulong din na ikinatawa nito. " Ikaw kaya try mo. "
" Hoy kayong dalawa, tama na ngang bulungan dyan." sita samin ni Zyrone na lumapit pa talaga. " Sinong pina-uusapan nyo, ha? Ako ba yan? "
Nakamamatay na irap ang nakuha nitong sagot mula samin ni Gwen.
" Tss! Masyadong conceited talga." narinig kong bulong ni Gwen.
Dumating na din sila Mommy at Papa Jaime. Sumunod naman sila Ninang Mylene at Ninong Xander.
" Where are Shine and Randy?" tanong ni Mommy matapos naming bumati.
" Hay naku, You're still not used to that couple." ani Ninang Mylene. " Palagi naman talagang late 'yon sa mga dinner natin."
" Baka po sinusulit lang nila ang stay dito sa resort. Baka po pag-uwi natin hindi na po ako ang bunso nila." biro ni Zyrone patungkol sa mga magulang nila na ikinatawa namin. Loko talaga!
Dumating din sina Tita Shine at Tito Randy. Humalik kami ni Gwen sa kanila at ang ibang kasama namin sa mesa ay biniro sila patungkol sa biro din ni Zyrone.
" Late na naman kayong dumating." si Mommy.
" Blame it to Randy. Kahit nasa bakasyon, dala pa rin ang trabaho." ani naman ni Tita Shine.
" So trabaho naman pala ang dahilan Zy. Ikaw naman." ani Ninong Xander.
" Why, may iba pa ba?" si Tita Shine.
" Your son is worried. Baka daw hindi na sya ang bunso nyo tapos ng bakasyon natin dito."
Namula ang pisngi ni Tita. She's blushing and still really pretty even at her age. At syempre hindi makakaligtas itong si Zy dahil may kurot at pingot na naman sya sa taynga!
Napuno ng tawanan ang mesang iyon habang nagdi-dinner kami at pagkatapos makatikim ng pingot ni Zyrone mula kay Tita Shine. Masayang kwentuhan kagaya ng nakagawian. Bukas ay balik na naman sa mga nakaka- stress na trabaho ang lahat.
" By the way, Alex hijo. Where is your girlfriend?" narinig kong tanong ni Tita Shine kay Alex.
" She left po Tita last night pa." sagot ni Alex. Nagkatinginan kami ni Gwen.
" Ah, kaya pala I didn't saw her since this morning pa."
" May emergency lang daw po kaya umuwi na sya agad." naramdaman ko ang pagsiko sakin ni Gwen. Problema ba nito, naririnig ko naman ang sinasabi ni Alex ah.
" C'mon guys, let us eat na lang and let's not talk about on what's not here, okay? Let's just enjoy our dinner. " nakangiting sabi ni Ninang.
Ramdam kong natutuwa si Ninang na wala dito si Trina dahil ayaw nya nga dito. Well, pareho kami, or mas tama pa ngang sabihin na kung mayron mang tuwang- tuwa ngayon, ako yun! Syempre dahil sa walang naka lingkis kay Alex ngayon. Malaya ko syang napagmamasdan di gaya nung nandito si Trina na madalas kong mahuling pinagtataasan ako ng kilay.
Hindi ko rin naman sya pwedeng sisihin kasi nga sya ang girlfriend at threat ang tingin nya sa lahat ng babaing lumalapit sa boyfriend nya lalo na sa'kin.
" Hey Raine, you like shrimp?" alok ni Liam sakin sa hawak nitong plato na puno ng hipon.
" Oh, no bud. She's allergic to such food." si Alex ang sumagot na ikinatingin ng lahat dito lalo na ako.
Puno ng pagtataka ang tinging ipinukol ko sa kanya kung pa'no nya nalamang may allergy ako sa hipon. Syempre at the same time sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko at parang gusto ko ring tumili sa sobrang saya kasi feeling ko nagc- care din sya sa'kin.
Gosh, alam nya? Alam nya! Kinikilig tuloy ako!
" How did you know Kuya Alex na may allergy si Ate sa shrimp?" tanong ni Gwen na panay ang sipa sa mga paa ko na nasa ilalim ng lamesa. Mukhang kinikilig din ang bruha.
Tumaas ang sulok ng labi ni Alex na parang nagpipigil ng ngiti. "'Di ba nga na-hospital sya nung pinilit nyang kainin yung shrimp na dala ni Zyrone sa bahay nyo?"
Namula yung mga pisngi ko ng maalala yung nagyari noon. Kalokohan na naman kasi nitong si Zyrone. Hindi naman nya alam na allergic talaga ako don. Ang sabi ko lang ay ayokong kumain, ipinilit nya pa rin at sinabi nyang si Alex daw ang nagluto non pero hindi naman pala. Gusto lang nya talaga ipatikim sakin kung papasa daw ba sa panlasa ko kasi first time nya magluto non. At dahil sabi nga nyang kay Alex daw galing, so kinain ko naman.
Ang ending dinala ako sa hospital dahil nahirapan ako huminga at sobrang sakit ng tyan ko. Nagkaro'n din ako ng maraming mga rashes sa mukha at katawan. Grabe yung hitsura ko non, ang pangit at pinagtawanan nila ako. Malamang na 'yon ang naiisip ni Alex ngayon kaya gusto nyang matawa na naman at pinipigilan lang.
" Ahh, yeah naalala ko na nga!" si Zyrone na tawa na ng tawa. Nakakainis talaga tong lalaki na' to kahit kaylan!
" And what's so funny ha, Zyrone?" taas kilay kong tanong. Kailangan kong magsungit para pagtakpan ang kahihiyan ko. Pati si Gwen ay pinandilatan ko na din at sinipa ng malakas sa paa.
" Ouch, ate masakit yun!" reklamo ng kapatid ko. Ang arte lang, ako nga kanina pa rin nya sinisipa at sinisiko dyan eh.
" Arte mo, di naman masakit." ani ko dito sabay irap.
" Ang takaw po kasi nya Tita kaya kahit bawal sa kanya gusto kainin. " ani pa ni Zyrone sa mommy ko na ikinatawa ng mga nandoon.
Pinaningkitan ko si Zyrone ng mata. Humanda to sakin mamaya. Nang madako kay Alex ang paningin ko ay nakita ko syang ngumingiti din at nakatingin sakin!
'Gosh, feeling ko nag-stop ang mundo at nag shut down lahat. Si Alex lang ang nakikita ko!
Kahit siguro titigan ko maghapon ang mukha nya, hindi ako magsasawa. My god, ganon na talaga kalala ang tama ko sa lalaking ito!
" Huy ate, natutulala ka na naman kay kuya Alex. Nakakahiya ka!"
Bahagya pa akong napapitlag ng marinig kong bumulong sakin si Gwen. Nang sulyapan ko ulit si, Alex ay tahimik itong kumakain. Back to snob mode na naman. Para tuloy namalikmata lang ako kanina na nakangiti sya sakin.
_____________________________________
Matagal po mag-update ang author nito... Saka nyo na po basahin pag complete na. Wag po kayo magalit busy lang masyado si author. ?✌️