" Miss Raine may customer po na naghahanap sa inyo sa table five. " anang isang crew na sumilip sa kitchen.
"Huh, bakit daw?" nakangiti ko pang tanong.
Nasa kitchen kasi ako ngayon para mag check ng mga stocks at siguruhing malinis ang lugar. Ganito ang routine ko dito sa resto tuwing umaga. Minsan kapag sobrang dami ng tao tumutulong na din ako sa mga crew namin.
" Kakilala nyo raw po."
"Ah, okay. Sige sunod na rin ako. Thank you. "
Dumaan muna ako sa restroom at sinipat ang sarili kung maayos ba ang hitsura ko at nag-retouch ng kaunti bago ako lumabas sa dining area.
Matamis ang ngiti na pinuntahan ko ang table na sinabi ng crew. Muntik ng mauwi sa ngiwi ang pagkakangiti ko ng mapagsino ang naroon.
Si Trina? Yes si Trina nga! At bakit naman ako hinahanap nito?
" Hi, good morning! What can I do for you Ma'am?" pilit kong pinasigla ang boses ko at pinanatili ang matamis na ngiti.
" Oh, hi! Lorraine right?" she smiled sweetly pero pinasadahan naman ako ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik.
" Yes, ahm what can I do for you?" ulit ko sa tanong. She's still a customer kaya pinigilan kong pagtaasan ito ng kilay sa ginawi nito.
" Hindi kasi tayo nagkaroon ng time to talk nung nasa resort pa tayo. "
" Ahm, yeah.." ayon ko.
Ang sabihin mo you're too focus on Alex, that's why. anang kontrabidang isip ko.
"And I had an emergency thats why I had to fly back here in Manila immidiately. "
" Yes that's what Alex told us. " kaswal na sagot ko. " By the way, how did you know here?"
" Actually I asked Alex about you."
" Me?" kunot noong tanong ko.
Ako? Bakit?
" I want to get to know his friends and the people around him, that's why. " anito pa.
'At ano na naman kaya ang sinabi ni Alex tungkol sa' kin? Na patay na patay ako sa kanya? '
" Alex told me you work here. And you own a restaurant so I got curius and asked him kung pwede kaming dito nalang mag-brunch."
" Oh, will Alex be here, too?" Para akong na-excite sa kaalamang pupunta at makikita ko dito si Alex.
Bihira kasi yon magpunta dito sa resto. Madalas ay sina Zy at Liam lang ang nagpupunta dito. Although palagi naman kami nitong nagkikita or parati ko naman syang nasisilayan sa subdivision namin kasi nga magkapit bahay lang kami.
" Hi Miss Raine good morning!" bati sakin ni Jen. Galing ito sa loob ng opisina at agad na lumapit samin.
Batid kong sinadya ako nitong batiin ng ganon kalakas. At tama nga ako dahil ng magtama ang mga mata namin ay nagtatanong ang mga tingin nito sakin. Nakilala kasi nito si Trina dahil nakita na rin nya ito sa social media nung time na curius pa kami kung sino nga ito at in-stalk namin sa internet .
" Oh, hi Miss Jen. Good morning! " bati ko naman dito pabalik. " By the way, Miss Trina, I want you to meet Miss Jen. Sya ang partner ko dito sa resto s***h bestfriend. Jen, sya si Trina—"
" Hi Jen, I'm Alex's girlfriend and soon to be fiancee." agaw ni Trina sa sinasabi ko. At gusto kong matawa ng ngumiti si Jen dito. Plastik na ngiti.
" Oh hi, Trina. It's nice to see you here." nagkamay saglit ang dalawa. " Where is Alex by the way? "
" He's on his way here. " ani Trina
" Excuse me po Miss Jen, may tawag po kayo sa phone." anang isang crew na lumapit.
" Ah, okay punta na 'ko." binalingan naman nito si Trina. "Nice to meet you again Trina." pagkatapos ay makahulugang tumingin sa' kin na tinanguan ko lang.
Ganun ata talaga kapag matagal na kayong magkaibigan, kahit hindi magsalita, sa mata lang ay nagkakaintindihan na.
" Ahm, excuse me Lorraine, can I ask you? " anitong kunot ang noo at nakatingin kay Jen. "Is she also friends with my boyfriend?"
" Magkakilala sila because she's my bestfriend but they're not friends."
" Mutual friends lang, ganon?" tumango ako.
" Are you sure?" paniniguro pa nito na ipinagtaka ko.
" Of course I am. Why? "
" Nothing. I just think that she's into my boyfriend. "
" What?! " napalingon tuloy ako sa bff ko na nasa counter at nakikipag-usap sa telepono. " And why did you even think that? "
" Just my intuition."
'Ay selosa!'
Napa face-palm na lang ako sa isip ko. 'Kawawang Jenny at kawawang Alex.'
" Sorry, but please wag kang ganyan. Mabait ang bestfriend ko at wala rin syang gusto kay Alex. "
Tumawa si Trina. " Well, you can't blame me. Sa gwapo ng 'boyfriend ko' feeling ko maraming naka abang na malingat ako. "
'Aray! Sapul ako don. Bakit feeling ko din ako ang pinatatamaan nito.'
" But I trust my Alex very much. Hinding hindi nya ako ipagpapalit."
Napakibit balikat na lang ako sa kawalan ng masabi. Wala eh, inangkin na talaga ng babaing ito si Alex.
**********************
"Tss, Such a b***h! " di mapigilang inis na turan ni Jen. Naikwento ko na kasi sa kanya ang naging usapan namin ni Trina.
Narito kami ngayon sa loob ng opisina at nakatanaw kina Trina at Alex na kasalukuyang kumakain at masayang nagkukwentuhan. Kita kasi mula sa loob ng office ang mga tao sa dining area dahil sa one way mirror na nakakabit sa paikot niyon.
" Ang aga ang init na naman ng ulo mo." ani ko. Ako nga dapat ang badtrip pero tinalo pa nya ako.
" Eh kung yang mga yan ba naman ang bubungad sa umaga ko eh."
" Yaan mo na, gusto raw nila dito sa resto, eh. "
" Bakit, don't tell me hindi ka nainis man lang or nagseselos? Ang saya nila oh. "
" Nagseselos ako, oo. Lagi naman eh. Pero wala naman akong karapatan. I'm used to it." mapait akong ngumiti at muli ko silang sinulyapan.
" Gaga!" pinandilatan ako ni Jen. "Given na na martir ka pagdating kay Alex, pero wag naman pati dyan sa babaing yan. Mula ulo hanggang paa ka kung tingnan, ah."
Nakita pala ng bestfriend ko ang ginawa ni Trina.
" No harm done naman Jen kaya no worries. " balewalang sagot ko at inabala ang sarili sa paglilista ng mga kailangan pa sa kusina.
" No harm done.. Pwes ang plastik nya! Baka kamo there's something in her mind na na niluluto nya para gantihan ka. "
" Ikaw talaga, kung anu-ano ang naiisip mo. Kakapanood mo yan ng mga korean novela. "
" Advance lang ako mag-isip. "
" Nasobrahan kamo sa advance."
" Kaysa naman sayo, masyado kang naive. Hindi mo lang ata kasi napapansin lalo na nung nasa resort kayo panay irap nyan sayo kapag nakatalikod ka."
" Pa'no mo naman nasabi' eh wala ka naman don."
" Duh! Kahit wala ako don nandon naman si Gwen. Iisa ang utak namin ng bruhita na 'yon noh. At tsaka day, alam na alam ko ang amoy ng mga plastik. "
" Kahit na, wag din natin sya i-judge. Kung tutuusin ako ang may atraso sa kanya kasi may gusto ako sa boyfriend nya."
" Na for sure alam na din nya dahil halatang halata naman na palagi ka nalang natutulala kapag nasa harap ka ni Alex. At tsaka nakakainis na rin yang Alex mo na yan ha. Alam na nga nyang gusto mo sya pero ibinabandera pa nya dito ang babae nya. Tanga ba sya? Hindi ba nya alam na masasaktan ka? "
Napangiti na lang ako. Bestfriend ko nga talaga 'to, no doubt.
" You know what, sa lahat ng kilala kong dapat ay kontrabida sa mga love stories, ikaw ang pinaka mabait."
" Bakit kailangan ba masama dapat ang ugali ko, ganon? "
" Well, yes. Ipapaalala ko lang po sayo madam na ang role mo or ang goal mo talaga dapat ay paglayuin ang dalawa at agawin yang si Alex kay Trina. Hindi ba 'yan ang napag-usapan nyo ng Ninang mo? "
" Ewan ko ba Jen... Parang hindi ko rin kaya. Isa pa nakikita kong masaya naman si Alex kay Trina.
" So ano, give up ka na? Suko ka na, ganon ba yun?"
Isang malalim na paghinga muna ang ginawa ko.
" Eh di maganda! Sa wakas pala'y nagising ka na. At last! " anito pa at tumawa ng nakakaloko.
" Ansaya mo na broken hearted ako?"
" Gaga, masaya ako dahil nagising ka na sa katangahan mo."
" Ouch, ang harsh mo masyado. "
" Sira, ganun talaga kapag true friend. Masakit ang maririnig mo pero yun kadi ang totoo. Di ka pa nasanay. "
" Baliw ka. Kapag ikaw na-broken hearted rin pagtatawanan talaga kita. "
" Not gonna happen dear."
" Huh! Talaga lang ha! " lagot talaga sa'kin 'to kapag ito naman ang na-broken hearted. Magpapa-party talaga ako.
" Wait, I think we need to celebrate. Wait lang at tatawagan ko lang ang sisteret mo. For sure matutuwa yun sa good news ko. "
" Good news ba na nag-give up na ko? "
" Oo naman, matagal na kaya namin wini-wish na sana magising ka na. Kaso nga lang mukhang nahimbing ka pa sa panaginip mo, at alam naming don ka masaya kaya bilang tapat na beshy at sissy mo, support lang kami pero syempre lagi naman kaming nakabantay lang sa likod mo para sa kagaya ng ganito, alam naming kailangan mong ilabas yang nasa loob mo, so lets party later para gumaan ang iyong suliranin. " and then she grinned. Pang-asar talaga.