bc

Got married to a stranger

book_age12+
9
FOLLOW
1K
READ
others
like
intro-logo
Blurb

Sa edad na 32 natanggal si SHEIN MONTECILLO sa trabaho dahil sa cost cutting. Dahil sa utang na naiwan ng kanyang namayapang ama, kailangan niya agad maka hanap ng trabaho para hindi makuha ng banko ang ancestrals house nila. Ngunit mailap ang trabaho sakanya.

Kaya ng dumating sa buhay niya ang isang lalaking nag aalok sakanya ng trabaho kapalit ng 5million pesos, kaagad nya ang sinunggaban.

Ang trabaho? Magpakasal sa taong hindi niya kilala.

Paano kaya pakikisama han ni SHEIN ang sa honeymoon night niya lang makikilala...

Abangan................

chap-preview
Free preview
Got married to a stranger
CHAPTER 1 "I'M really sorry, Shei. You are a talented person and we know it. But we have to let you go. You still have a bright future. You don't have to be stucked in this old, declining company." Kahit gaano pa pinaganda ng manager nila ang pagsasabi sa kaniya na tanggal na siya sa trabaho, napakalinaw ng katotohanan na isa siya sa mga tinanggal dahil sa financial problem ng kumpanya. Bilang finance assistant sa isang logistic company, pinili niyang manatili doon ng limang taon kahit pa nahihirapan siya dahil sa pabago-bago ng staffs nila. Kadalasan ay sinasalo niya ang trabaho ng ibang encoders kapag wala pang bagong staff na nakukuha kapag nag-resign ang isa. Pro-suppliers kasi ang kumpanya nila kaya ang laging kinakampihan ng kumpanya ay ang mga ito kahit pa minsan ay wala na sa lugar ang pagtrato ng mga representatives sa mga ahente nila. Kapag may hindi gusto ang mga supplier representatives, sumbong kaagad ang ginagawa diretso sa mga may-ari. May pagkakataon pa na pati siya ay dinadamay kahit na kung tutuusin, hindi naman niya trabaho ang pinapagawa ng mga ito. Pero ininda niya ang mga iyon dahil pinaghirapan niyang makapasok sa kumpanyang iyon at kailangan niya ng trabaho. Hindi niya lubos akalain na kaagad siyang bibitiwan ng kumpanya. Napayukyok na lang si Shei sa harap ng kaniyang laptop dahil ikalawang linggo na pero wala man lamang tumatawag sa mga pinagbigyan niya ng resume. Paubos na din ang kaniyang ipon dahil eksaktong bayarin din ng bills at ng utang ng kaniyang namayapang ama sa bangko. Ang natira naman niyang pera sa bangko ay para sa babayaran niya sa susunod na buwan kung sakaling wala pa siyang makuhang trabaho. Halos tatlong milyon pa ang babayaran niya para maibalik lang sa kaniya ang titulo ng ancestral house nila na ginawang collateral ng kaniyang ama noon para panggastos sa pang-ospital ng kaniyang ina. Napapikit na lang ng mariin si Shei ng maalala ang pagod, pighati at lungkot na lumukob sa mukha ng kaniyang ama ng ideklarang wala na ang kaniyang ina pagkatapos nitong sumuko sa sakit nitong cancer na nasa ika-apat na stage na. Patong-patong ang problema nila noon at hindi nakayanan iyon ng kaniyang ama dahilan para magkasakit din ito ilang linggo lang ang nakakaraan pagkatapos pumanaw ng kaniyang ina. Hanggang sa inatake na lamang ito sa higaan. Tatlong taon na ang lumipas pero para kay Shei ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi niya lubos akalaing sa loob lamang ng isang buwan ay mawawalan siya ng mga magulang. Ni hindi niya alam kung paano niya nagawang makalampas sa pagsubok na iyon pero nagawa niya. Iyon lang, minsan-minsan ay naaalala niya ang masaya nilang pamilya at hindi niya maiwasang malungkot ng todo. Kaso kailangan niyang iisantabi ang lungkot dahil may panibagong pagsubok na naman siyang kinakaharap ngayon na kailangan niyang asikasuhin. "Ano bang gagawin ko?" Naiinis at naiiyak niyang litanya. Maya-maya ay nakaramdam siya ng gutom kaya tumayo siya mula sa sahig upang kumuha ng cup noodles na siyang hapunan niya. Sandali niyang itinali ang kulot at mahabang buhok sa isang pusod bago nagtungo sa kusina. Kaso ay natigilan siya ng marinig niya ang notification tone mula sa kaniyang email. Mabilis pa sa alas-kwatro na nakabalik si Shei sa harap ng kaniyang laptop. Nanlaki kaagad ang kaniyang mga mata ng makitang may tumanggap ng kaniyang online application at bukas na kaagad ang kaniyang interview. "WGM Entertainment?" nagtataka niyang basa sa kumpanyang nagbigay sa kaniya ng schedule ng interview, "May pinasahan ba akong ganitong company?" Sandali siyang nag-isip pero ipinilig na lamang ulo, "Ahhh! Ngayon ka pa ba mamimili ng trabaho, Shei?" Kastigo niya sa sarili. "SO, Ms. Montecillo, what do you think?" Mula sa proposal na binasa ay napaangat ng tingin si Shei sa lalakeng humarap sa kaniya sa conference room ng WGM Entertainment kung saan dapat maganap ang kaniyang interview. She arrived wearing a white blouse paired with a black slacks and a two-inched heeled black office shoes knowing that the job she applied for is in administration or something related to finance. She even made an effort to be as professional as she can be by putting on some make up and all. Plus, she researched the company and everything about it. Tapos ang sasabihin lang nito ay iwan niya ang buhay niya ngayon para magpakasal sa lalakeng hindi pa niya nakikilala? It seems fishy. So fishy. "May tanong po sana ako, Sir." Nag-aalangan niyang saad sa lalakeng kaharap na sa pagkakaalala niya ay Samuel ang pangalan. "Go ahead." "Bakit po ako?" Sandaling napatingin sa mga mata niya ang lalake bago ngumiti. Katulad ng reaksyon niya kanina ng papasukin siya ng sekretarya nito sa conference, pakiramdam niya ay muling lumundag ang kaniyang puso dahil sa ngiti nito. Paanong hindi? Maliban sa gwapo ito at mabango, may biloy pa ito kapag ngumingiti. Dagdag pa ang pantay-pantay na mapuputi nitong ngipin. Hindi rin nakatakas sa paningin niya ang matikas nitong katawan ng batiin siya nito kanina. Kinastigo ni Shei ang sarili dahil sa mga iniisip. "I think, I need to apologize first. The truth is, we have searched about you. Bago ka namin napili ay inalam namin ang ilang bagay tungkol sa iyo. Unang dahilan kung bakit ikaw ang napili namin para sa trabahong ito ay dahil single ka. Sorry to mention this but the second reason is because you don't have your parents anymore." Sandaling natahimik si Shei bago umiwas ng tingin. "Ang pangatlo at huli ay dahil nalaman naming kailangang-kailangan mo ng trabaho." "Kaya po ba nakalagay din dito sa proposal ang tungkol sa utang?" Napakamot ng batok si Samuel bago tumango, "Yes." Tiningnan muli ni Shei ang proposal. Kung tatanggapin niya ang trabahong inaalok sa kaniya ni Samuel, automatic na mababayaran ng buo ang kaniyang utang. May monthly allowance pa siya ng buong dalawang taon. Ang kailangan lang niya ay magpakasal. "Basically, you just have to act as someone's wife for the next two years. All privileges and rights as this person's wife will be granted to you. Then after two years, you will have a choice if you want to stay or not. Pero sa loob ng dalawang taon, hindi ka pwedeng makipaghiwalay sa kaniya dahil totoo ang magiging kasal ninyo." Muli ay napayuko si Shei sa papel sa kaniyang harapan. Five Million, sagot sa kaniyang mga problema. May kaunti pang matitira para maipaayos ang ilang bahagi ng bahay nila. Kapalit ng kalayaan niya ng dalawang taon. "Mabilis lang ang dalawang taon, Ms. Montecillo." pang-e-enganyo pa ng kausap. Huminga muna ng malalim si Shei bago diretsong tumingin sa mga mata ni Samuel, "Makukuha ko ba kaagad ang limang milyon?" "Once the marriage contract is approved." nakangiting sagot ng lalake. HABANG nakahiga sa kama ng gabing iyon ay patuloy na iniisip ni Shei ang napag-usapan nila ni Samuel. Gusto niyang umurong na hindi. Maliban sa kinakabahan siya, hindi pa niya kilala kung sino ang mapapangasawa niya. Ayon sa lalake, makikilala lamang niya ang mapapangasawa kapag maayos na ang lahat; ibig sabihin, kapag legal na ang lahat ng mga papel. Kasama ng pinirmahan niyang proposal, pinapirma na din sa kaniya ang kontrata na nagtatali sa kaniya sa WGM Enterntainment at ang marriage contract na magsisilbing patunay na ikinasal na nga siya sa lalakeng sinasabing mapapangasawa niya. Pero, maliban pa sa lahat ng iyon, kinabahan siyang lalo habang iniisip kung paanong pakikitunguhan ang misteryosong lalake. Mula sa pagkakahiga sa kama, biglang napaupo si Shei. "Wait lang?! Paano kung mapanakit siya? Paano kung masungit siya? Paano kung... Paano kung..." Napatingin ang dalaga sa litrato ng kaniyang mga magulang sa gilid ng kama niya, "Ma? Pa? Tama po ba itong mga ginagawa ko?" HINDI naman mabura ang mga ngiti ni Samuel habang nakaupo sa swivel chair niya habang may kausap sa telepono. Naalala kasi niya ang mga na-obserbahan kay Shei habang kausap ito. Pati na ang unang pagkakataon na nakita niya ang dalaga. He was randomly walking on a park looking for potential artists that he could recruit in their company. May bago kasi silang segment na siya ang nag-propose at kailangan nila ng mga taong pwedeng maging parte ng segment na iyon. Dahil nabalitaan niya sa mga staff nila na madalas raw na may mga nagla-live show sa parke para kumita ng kaunting pera sa pagkanta o pagsayaw, minabuti niyang pumunta doon. Hindi man iyon ang tema ng segment na iyon, pinuntahan pa rin niya para makita na rin kung pwedeng maipasok sa kumpanya nila kahit na halos tatlong taon pa lamang na nag-o-operate iyon. Doon nga niya nakita si Shei. Noong una, namataan lamang niya itong malungkot na nakaupo sa bench habang umiinom ng soda. Kaagad na umiral ang pagiging palikero niya dahil nagandahan siya sa dalaga lalo pa at naka-white polo at black pencil cut skirt ito; isa sa kahinaan niya pagdating sa babae. Kahit pa pang-opisina ang suot nito ay lumitaw pa din ang magandang kurba ng katawan nito dahilan para mahila ng babae ang kaniyang atensyon. Papalapit na sana siya dito pero natigilan siya nang mapansing napatingin ito sa 'di kalayuan. Sinundan ng kaniyang mga mata ang tinungo ng dalaga at doon niya napansin na may matandang uugud-ugod na nadapa sa may damuhan. Hindi lang nito itinayo ang matanda kundi tinulungan pa nitong makapunta sa pupuntahan nito. Kaagad niyang naalala ang inilapit na problema sa kaniya ni Keenan noong nakaraang araw. "Oops, not for me." Bulong niya sa sarili ng araw na iyon. "Do you really think that this will solve Keenan's problem? Kilala mo siya. Ayaw nga niyang ma-involve sa kahit kanino." Saad ng kaibigan niyang si Andrei Rodrigo na siyang nagpabalik ng kaniyang isipan mula sa paglalayag. "Then we have to stop that bad attitude of his. No man is an island, Andrei. No matter who we are or where we are, no one will survive alone. And knowing Keenan, he just needs someone." Paliwanag niya sa kausap habang hawak sa kabilang kamay ang litrato ng babaeng napili niya para sa kaibigang pinag-uusapan nila. "So, you're playing cupid?" "Hm yeah?" Andrei snorted on the other line, "Well, good luck." "No luck is needed here. Shei is the perfect partner for Keenan. I just hope that everything will go well." "That depends on them though." Nang putulin ni Andrei ang usapan nila ay napasandal si Samuel sa kinauupuan. "Yeah. Knowing Keenan, you will be his perfect match. Sana lang, mag-open up siya sa'yo, Shei Montecillo." Bulong niya bago isinilid ang litrato sa folder ng dalaga na siyang ipapaayos niya sa munisipyo kinabukasan. Tumayo siya mula sa pagkakaupo upang umuwi na sana kaso natigilan siya at napabalik sa kaniyang mesa. Kinuha niyang muli ang litrato at isinilid sa kaniyang bulsa bago nilisan ang opisina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
612.7K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.4K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.7K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
819.2K
bc

The Lone Alpha

read
125.5K
bc

Bad Boy Biker

read
8.7K
bc

The CEO'S Plaything

read
19.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook