HANNAH'S POV: KAHIT inaasahan ko na ang pagdating nito, nangilabot pa rin ako at nakadama ng takot. Ngumisi ito ng nakakaloko habang matalim ang mga matang nakatitig sa akin. Puno ng poot at galit ang mga mata nitong parang sa mga mata ng mababangis na hayop! Ibang-iba na ang itsura niya ngayon. Nangingitim ang palibot ng kanyang mga matang nanlalalim. Bahagya ring nangayayat ang katawan nito. Kahit nga ang pisngi niya ay humumpak na ang itsura. Biglang tumanda ang itsura nito. Marahil dahil wala siyang maayos na natutulugan, wala siyang maayos na nakakain. Mukhang hindi nga ito nakakaligo o hilamos manlang sa itsura. Nakasuot siya ng sapatos na luma. Pantalon, shirt at hoodie jacket. “D-delilah,” sambit ko na nanginginig ang labi. Humakbang ito palapit. Kaya napasalampak ako sa lupa

