RUSSEL'S POV: MASAYA kaming nagsalo-salong kumain ng mga kaibigan kasama is Hannah at mommy. Mabuti na lang at naging matino ang tatlo kaya komportableng nakipagkwentuhan at kulitan sina mommy at Hannah sa akin. Hanggang sa nagpaalam na si mommy at iniwan na si Hannah sa amin. “Siya nga pala, dude.” Kalabit ko kay Edward nang abala si Hannah na nakikipag kwentuhan kay Dawson at Lukey. Napalingon naman ito sa akin. Nandidito kasi kami sa gilid ng gazebo. May hawak na beer na iniinom. Naiwan naman sa mesa sina Hannah at sinasamahan niya ang dalawang hindi pa tapos kumain. Parang walang kabusugan kung lumamon. “Ahem!” napatikhim ako na inilapit ang labi sa tainga nito. “Lumabas kami noong nakaraan ni Hannah. Nakasalubong namin ‘yong si Calla. Naalala ko lang, nabigla si Hannah at natigil

