RUSSEL'S POV: “AHEM!” Napatikhim ako na hindi napigilan ni Edward na yakapin si Hannah at napaiyak pa siya sa balikat ng asawa ko! Kita naman naming nagulat si Hannah na hindi makakilos! Pasimple kong kinalabit si Edward na nagpahid ng luhang dahan-dahang kumalas kay Hannah. Namumutla naman si Hannah na napasiksik sa aking niyakap ko sa isang braso. “Ano ka ba, Parker? You're scaring her. Umayos ka nga,” mahinang kastigo ko dito na pinandidilatan siya ng mga mata. Lumamlam naman ang mga mata nito na tumitig kay Hannah. Bakas ang halo-halong emosyon sa mga mata nito. Alam ko namang hindi ito nangti-trip. Kita naman talagang kamukha ni Hannah ang Ninang Tarah na ina nito. Kaya hindi ko siya masisisi. Kahit nga si Luke e naiisip na doppelganger ng asawa niya si Hannah kanina. “I'm sor

