Chapter 4

4429 Words
HANNAH'S POV: MAAGA pa lang ay bumangon na ako. Hinayaan ko na muna ang mommy na makapagpahinga nang mahaba-haba. Mas nanaisin ko namang ako ang mahirapan kaysa ang aking ina. Kulang pa ako sa tulog at nanlalata pa ang katawan ko. Pero pinilit ko nang bumangon para makapagluto ng agahan. Isa pa, plano kong lumabas ngayon para maghanap ng trabaho. Kailangan ko nang makapag-ipon kahit maliit na pera na sasapat para makarenta kami ng mommy ng apartment at makabili ng ilang pangangailangan. Hindi ko ititira ang mommy sa bahay na 'to at magiging impyerno lang ang buhay naming mag-ina sa araw-araw. Nagtali ako ng mahaba kong buhok na lumabas na ng silid. Mabuti na lang at nakatulog ng mahimbing ang mommy. Bumaba ako ng kusina. Naghilamos at sepilyo na muna ako bago nagsimulang magluto. Habang nagluluto ng agahan ay nagkakape na rin ako. Dati-rati ay si mommy ang unang bumabangon sa amin. Nasanay na nga ako na paggising ko, nandidito siya sa kusina at nagluluto. Minsanan lang na hindi siya ang maghanda ng agahan, kapag gano'ng may karamdaman ito. Abala akong naghahanda ng agahan dito sa kusina nang may lalakeng bumaba sa hagdanan na nagmula sa itaas. Sa nakikita ko naman ay natulog ito dito. Sabog-sabog pa kasi ang buhok nito at tanging boxer lang ang suot na bagong gising. Nag-iwas ako ng tingin nang magtungo ito dito sa kusina. Napalunok ako na binundol ng kakaibang kaba sa dibdib. Ito kasi ang unang beses na may ibang lalakeng natulog dito sa bahay. Ramdam ko ang mga mata nitong nakatutok sa akin habang umiinom ng malamig na tubig na kinuha niya sa refrigerator. Maya pa'y dinala niya sa sink ng lababo ang basong ginamit niya. Nagpatay malisya ako kahit ramdam kong nakatitig siya sa akin. Dahan-dahan itong humakbang hanggang sa isang dipa na lamang ang pagitan namin. "Hi. Baka kailangan mo ng tulong?" wika nito. Hindi ako sumagot. Ni hindi ko siya nilingon. Dinig kong mahina itong natawa na hindi ko pinansin. "Bingi ka ba, Ms?" pangungulit pa nito. "Sayang naman kung bingi ka. Ang ganda mo pa naman." Saglit akong natigilan sa pag-chop ng gulay sa kanyang tinuran. Napalunok ako na pabilis nang pabilis ang kabog ng dibdib ko na maramdaman ang kanyang paghakbang! Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan at kinilabutan na maramdaman itong nasa likuran ko at sinamyo pa ako sa batok! Naramdaman ko pa ang pagsagi ng sandata niya sa pisngi ng pang-upo ko! Napahigpit ang hawak ko sa kutsilyo na buong tapang itong hinarap! Nagulat pa ito na itinutok ko sa leeg niya ang hawak kong kutsilyo! "Subukan mo, gigilitan ko ang leeg mo! Nasa loob ka ng pamamahay namin kaya pwedeng pwede kitang gilitan ng leeg at sabihing self-defense ang nangyari!" madiing pagbabanta ko dito! "Woohoo! Chill, Ms. Ang init naman ng ulo mo," bulalas nito na napaatras habang nakataas ang kamay na animo'y sumusuko. Naningkit ang mga mata ko dito na pangisi-ngisi. Kung titignan ko ang itsura ay para itong adik! Dahil si tita na ang bagong may-ari ng bahay, kung sino-sino na ang pumapasok dito. Conservative sina mommy at daddy. Kahit nga si Evans na bukod tanging naging nobyo ko noon ay hindi pa naranasang matulog dito sa bahay. Pero ngayon, kung sino-sino na ang natutulog dito. Nakatitiyak akong may ginawa si tita para sa kanya maipangalan maski itong bahay. Hindi ako naniniwala na sa kanya iniwan lahat ng daddy ang mga ari-arian namin. Pero paano ko ba iyon mapapatunayan? Saan ako kukuha ng ebidensya na magpapatunay na tama ang hinala ko. Maya pa'y may magkasunod na lalake ang bumaba ulit ng hagdanan na ikinamilog ng mga mata ko! Katulad nitong lalake sa harapan ko ay naka-boxer lang din at kitang bagong gising! Kinilabutan ako na hindi makapaniwala sa nakikita. Kung dalawa lang sigurong lalake ay iisipin kong tag-isa ang mag-ina. Pero tatlo? Like--what the hell! "Anong ibig sabihin nito? Bakit dito kayo natulog?" paninita ko na pinatapang ang boses. Napangisi naman ang mga ito na nagkatinginan pa. Uminom sila ng tubig na ibang-iba ang tinging ginagawad sa akin. Napapakagat labi pa sila na pasimpleng napapahagod ng tingin sa kabuoan ko. "Saan ba kami dapat matulog, Ms? Alangan namang d'yan sa labas. E pinatulog kami dito ni Delilah e." Wika ng isang lalake. Nagsalubong ang mga kilay ko. "Ano? Kayong tatlo? Natulog sa silid ni Delilah?" hindi makapaniwalang tanong ko na ikinatawa ng mga ito. "Oo. Bakit, ngayon ka lang ba nakarinig ng gano'n?" sagot ng isa na ikinailing ko. "At hindi lang kami basta natulog katabi si Delilah, Ms. Kundi. . . naglaro din kaming apat ng sarap sarapan. Gusto mo bang--makipaglaro din sa aming tatlo?" paanas nito na napapasulyap sa dibdib at pagitan ng mga hita ko! Kinilabutan ako sa narinig. Napangisi naman ang mga ito na bakas ang pagnanasa sa kanilang mga mata! "Nakakadiri kayo." Tanging tugon ko na ikinahalakhak ng mga ito. Nag-apiran pa ang mga ito na bumalik na sa itaas. Napapikit ako. Ilang beses huminga ng malalim. Sobrang bilis pa rin ng kabog ng dibdib ko at hindi makahinga sa natuklasan! Alam ko namang malibog si Delilah. Nilalaro pa nga niya ang sarili kahit nakaharap ako e. Nakita ko na rin siya dati na nagpapa-finger sa isang lalake d'yan sa labas ng gate habang mapusok silang naghahalikan! Minsan ko na ring nakita ng actual kung paano ginagawa iyong tinatawag na s*x. Noong matuklasan mismo ng mga mata ko na nagsisex sina Evans at Maris sa banyo ng opisina ni Evans sa trabaho nito. Pero 'yong tatlong lalake ang kasex mo? Hindi ko yata maimagine. Nakakadiri at ang bababoy nila. Nasa tamang wisyo pa ba ang Delilah na 'yon? At 'yong ina niya, hindi manlang ba siya aware sa ginagawa ng anak niya? O baka naman. . . gawain nilang mag-ina ang gano'n. Kaya ayos lang kay tita na kung sino-sinong lalake ang kinakasex ng anak niya. Napailing ako na tinapik-tapik ang pisngi. Para kasi akong lumulutang sa alapaap sa mga tumatakbo sa isipan ko. Kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho. Para makaalis na kami ng mommy sa bahay na ito. Hindi na ito ang bahay namin na tinatawag naming home sweet home naming pamilya. Nagbago na ito. Para na itong impyerno sa amin ng mommy. At kung hindi ako kikilos para makaalis kaming mag-ina dito, tiyak na mas malala pa ang mga sasapitin naming mag-ina sa mga susunod na araw. MABILIS kong tinapos ang pagluluto ng agahan. Nagdala na rin ako ng makakain namin ni mommy. Sinamantala ko na habang natutulog pa ang mag-ina. Kapag pinauna ko kasi sila, tiyak na walang matitira sa amin ni mommy. Dinala ko ang kinuha kong pagkain sa silid. Iginawan ko na rin ng kape ang mommy. Pagpasok ko ng silid, sakto namang nagising na ito at napangiti na makita ako. "Magandang umaga, Mommy. Dito na tayo kumain habang tulog pa ang mag-ina," mahinang saad ko na lumapit na dito. Mukhang nakuha naman nito ang punto ko. Naupo ito sa gilid ng kama at hinayaan akong dalhin sa kanya ang pagkain. "Magandang umaga din sa'yo, anak ko. Kumusta ang tulog mo? Nakapag pahinga ka ba?" tanong nito na inabot ang kape at napasimsim. "Sakto lang po, Mommy." Sagot ko na nagsimula na ring kumain kasabay ito. "Mommy, lalabas sana ako ngayon. Maghahanap ako ng trabaho. Kaya mo bang maiwan dito? Kailangan ko na kasing magtrabaho, Mommy. Para makaalis na tayo sa pamamahay na 'to." Natigilan naman ito na napatitig sa akin. Pilit akong ngumiti dito na mabasa ang pag-aalala at takot sa mga mata niya. "Anak, wala ka pang experience sa pagtatrabaho. Saan ka maga-apply niya'n na kakasya sa atin para magrenta ng matitirhan? Kung gusto mo, ikaw na lang. Maghanap ka ng stay-in na trabaho para makaalis ka dito. Hwag mo na akong alalahanin. Matanda na ako. Pero ikaw, masisira ang buhay mo kapag nagtagal ka dito, anak." Maalumanay nitong saad na ikinangilid ng luha ko. "Ano ka ba, Mommy? Tingin mo ba ay maaatim kitang iwanan dito mag-isa? Isasama kita kung saan ako pupunta, Mommy. Hindi ko hahayaang alilahin ka nila dito habang buhay. Kahit mahirapan ako. Kahit magkandakuba-kuba na ako sa pagtatrabaho para maitaguyod ang pang-araw-araw natin ay ayos lang po sa akin. Ang mahalaga ay hindi kayo nahihirapan. Nakakain tayo nang maayos. Nakakatulog nang maayos. Payapa ang isip at puso natin sa loob ng ating tirahan. Okay na ako doon, Mommy. Kaysa nandidito nga tayo sa bahay, pero para na rin tayong nasa impyerno araw-araw." Naluluhang saad ko dito na nangilid ang luhang lumamlam ang mga matang nakatitig sa akin. MAGKAHARAP kaming kumain ng mommy. Dinamihan ko talaga ang kinuha kong pagkain namin dahil hindi ko alam kung anong oras ulit kami makakakaing mag-ina. Mabuti na lang at paglabas ko, nasa silid pa rin ang mag-ina. Kaya malaya kong nahugasan at nailigpit ang pinagkainan namin ni mommy. Maaga pa naman kaya nilabhan ko na muna ang mga maruruming damit namin ng mommy bago ako naligo. May washing machine naman dito sa bahay kaya napagsasabay ko ang paglalaba at iba pang gawain. Paglabas ko ng banyo, nandidito na si tita na kitang bagong gising. Nakaupo sa silya na napapahilot sa sentido. "At saan ka pupunta, Hannah?" naninitang tanong nito na mapansing naka-formal ako ng suot. "Uhm, lalabas po ako, Tita. Maghahanap ako ng trabaho." Sagot ko. Nagsalubong ang mga kilay nito na nakamata sa akin. "At sinong nagsabi sa'yong pwede kang magtrabaho sa labas, hmm? Katulong kayo dito ng ina mo. Bawat kakainin niyo, ang pananatili niyo dito sa bahay, at paggamit sa mga kagamitan ko, may bayad. Kaya hindi ka pwedeng magtrabaho, naiintindihan mo?" pagalit nito na napakataray ng pagkakasabi. "Po?" utal kong tanong na namutla sa narinig. Ngumisi naman ito. Tumayo na napahalukipkip ng braso sa dibdib. "Katulong kayo dito ng ina mo, Hannah. Kung inaakala mong makakatakas kayong mag-ina sa akin?" ani nito na humakbang palapit sa akin at tumayo sa harapan ko. Bahagya itong yumuko na may ngisi sa mga labi. "Pwes, nagkakamali ka, Hannah. Hindi kayo makakaalis ng ina mo dito. Maninilbihan kayong mag-ina sa amin ni Delilah hanggang gusto namin. Naiintindihan mo?" paanas nito na nandidilat ang mga mata sa akin. Naikuyom ko ang kamao. Nag-igting ang panga at naningkit ang mga mata ko dito na napataas ng kilay at lalong napangisi. "Aalis kami ng mommy ko dito. Sa ayaw--o sa gusto mo," madiing saad ko na ikinahalakhak nito. 'Yong tawa na nang-uuyam ang tono. Napailing pa ito na napahawak sa tyan at tawang-tawa sa sinaad ko na animo'y nakakatawa ang sinabi ko. "No, Hannah. Hindi kayo aalis ng mommy mo dito. Unless --gusto mong sampahan kita ng kaso sa pambubogbog mo sa akin noong nakaraan. May medical records ako na magagamit laban sa'yo. May mga kapitbahay din tayo na nakahandang maging witness ko para idiin ka. Kaya mamili ka? Ipakukulong kita at palalayasin dito ang ina mo? O maninilbihan kayong mag-ina dito sa bahay ko?" pananakot pa nito sa akin. "Wala ka talagang kasing sama! Paano mo ito naaatim ha? Ang itim ng budhi mo! Buhay ka pa, pero sinusunog na sa impyerno ang kaluluwa mo!" inis kong sikmat dito na natawa lang. "Bakit? E hindi ko naman kayo kaano-ano ng mommy mo. Alangan namang libre ang paninirahan niyo dito, 'di ba? Wala na ang kuya. Which means, pera ko na ang magagamit sa mga pangangailangan dito sa bahay. Pagkain, kuryente, tubig at iba pa. Kaya marapat lang namang manilbihan kayong mag-ina sa amin ng anak ko. Dahil hindi ko naman kayo kadugo." Pang-uuyam pa nito. "E 'di aalis na lang kami. Iyong-iyo na itong bahay." Giit ko dito na umiling. "Ah ah. No, my dear. Hindi kayo aalis. Unless gusto mong ipakulong kita." Pananakot pa niya. Muli itong naupo ng silya. Bumaba na rin ang anak nitong sabog-sabog pa ang buhok at tila pagod na pagod ang itsura. Nanlalata ito na nangingitim pa ang palibot ng mga mata. Naupo ito sa tabi ng ina niya na hinaplos sa ulo ang anak. "Maghain ka na, Hannah." Utos pa nito. Napabuga ako ng hangin. Pilit kinakalma ang sarili ko. Dahil kapag hindi na naman ako makapagtimpi, baka kung ano pang magawa ko sa kanilang mag-ina na lalong magpapalala sa sitwasyon namin ni mommy. "Nasaan ba si Belinda? Marami akong maruruming damit sa silid. Labhan niya ang mga iyon," utos pa nito na ikinaikot ng mga mata ko. "Hwag mong sabihing natutulog pa ang ina mo? Anong klaseng katulong iyan? Mas nauna pang bumangon ang mga amo sa kanya." Pagtatalak pa nito. "Ako na po, Tita. Tapusin ko lang iyong mga nilalabhan ko," sagot ko habang naghahain sa kanilang mag-ina. "Ginamit mo ang washing machine ko na hindi ka manlang nagpaalam sa akin?" paninita nito. Napalunok ako. Hindi kaagad nakaimik. "Sa susunod, hwag na hwag mong gagamitin ang mga gamit ko dito sa bahay na hindi ka nagpapaalam! Kapag maglalaba ka ng damit niyo ng ina mo, kusutin mo!" pagalit pa nito na nahampas ang mesa ng palad. Hindi na lamang ako sumagot. Baka kung saan pa kami humantong kapag nanlaban ako. Kahit ang daddy naman talaga ang bumili ng mga kagamitan dito, useless na din dahil si tita na ang namamahala sa bahay. PAGKATAPOS kong maglaba at sampay ng mga damit namin ni mommy, isinunod ko na ang mga damit ni tita. Napailing na lamang ako na nasa tatlong laundry basket lang naman ang gamit nito. Idagdag pa ang mga damit ni Delilah na nasa tatlong laundry basket din. Kahit mga underwear ng mga ito ay kasama talaga. Lumabas na rin ng silid ang mommy at nagulat pa na makitang nandidito pa rin ako na tambak ang mga labahin. "Akala ko ba maghahanap ka ng trabaho, anak?" tanong nito na pumasok na ng laundry room. Umiling ako. "Hindi po pumayag si tita, Mommy. Hindi daw ako pwedeng magtrabaho sa labas. At kung ipagpipilitan ko na umalis tayo dito sa bahay, kakasuhan niya raw ako sa pananakit ko sa kanya noong nakaraan. Alam kong gagawin niya talaga iyon kaya hindi na ako nagpumilit. Pero gagawa pa rin po ako ng paraan para magkaroon ng income kahit nandidito lang sa bahay, Mommy. Para may magamit tayo sa mga pansarili nating pangangailangan. Ang sabi ni tita, maninilbihan daw tayo dito at pagtatrabahuan ang mga kakainin natin at paninirahan dito sa bahay. Ayokong habang buhay ay dito iikot ang buhay natin na nagiging sunod-sunuran sa kanilang mag-ina. Kapag nakaipon ako ng sasapat sa paninimula natin, lalayas tayo dito, Mommy." Saad ko dito na lumamlam ang mga matang bakas ang awa sa mga iyon sa akin. "Pasensiya ka na, anak ha? Lalo kang nahihirapan dahil sa akin," maluha-luhang saad nito na ikinailing ko. "Mommy, hwag kang magsalita ng ganyan. Gusto ko pong samahan kayo. Gusto kong alagaan kayo. Gusto kong pagsilbihan kayo dahil mahal na mahal ko kayo. Gagawa po ako ng paraan, Mommy. Para makawala po tayo dito." Pag-aalo ko na mahigpit itong niyakap. Magkatulong kami ni mommy na naglaba ng mga damit nila tita. Ayoko mang magpagod ito pero wala naman kaming ibang pamimilian. Habang naglalaba ay si mommy na muna ang nagbabantay sa washing, sinabay ko naman na ang paglilinis ng bahay at napakakalat na naman lalo na sa silid ng mag-ina. Naiiling na lamang ako na nandidiring nililinisan ang silid ni Delilah na dating silid ko. Nagkalat dito ang mga used condom na kung saan-saan na lang naitapon. Napakalansa din dito sa loob at napakakalat. May mga upos din ng sigarilyo kung saan-saan at mga pinag-inuman nila. Maging ng mga foil na alam ko kung saan ginamit. Hindi na nga ako nagulat na kahit illegal drugs ay gumagamit si Delilah. Halata naman kasi sa itsura nito na gumagamit ito ng droga. Hinihingal at pawis na pawis ako pagkatapos malinisan ang dalawang silid. Kahit nanlalata na ang katawan ko ay bumaba na ako para tignan ang mommy. Nasa sala naman ang mag-ina. Nakahilata sa mahabang sofa si Delilah habang si tita ay may virtual meeting sa laptop. "Hoy, Hannah. Gumawa ka nga ng meryenda. Nagugutom na kami ni mommy," utos ni Delilah na mapadaan ako. Hindi ako sumagot pero nilingon ko ito. Ngumisi pa ito na makitang pagod na pagod na ako. Tumuloy ako sa kusina. Naghanda ng meryenda nila. Habang naghahanda ay pasimple akong nagtabi ng para sa amin ni mommy. Tiyak kong gutom na rin ang mommy na kanina pa naglalaba. Dinala ko na muna ang ginawa kong egg sandwich at ice tea lemon sa sala kung saan naroon sina tita. Naupo naman si Delilah na napasuri pa sa dala ko. "Ano ba naman 'yan? Wala bang mas masarap?" pagalit nito na naitulak pa ang plato. "Magtatanghalian naman na e. Kakain ka rin mamaya kaya pagtyagahan mo na muna iyan," sagot ko. "Ay hindi. Magluto ka ng bachoy. Sarapan mo kung ayaw mong ipaligo ko sa'yo ang luto mo!" sikmat pa nito sa akin. Naiiling akong kinuha ang egg sandwich na dinala sa kusina. Naghanda ako ng bachoy katulad ng nais nito. Habang hinihintay na maluto ang bachoy, napasulyap ako sa gawi nila at kitang abala naman ang dalawa. Kaya pasimple kong dinalhan ang mommy ng meryenda nito. Saktong patapos na itong magbanlaw nang maabutan ko. "Mommy, magmeryenda ka na muna. Ako na d'yan." Wika ko. Tipid itong ngumiti na iniwan saglit ang ginagawa. Mabilis ko namang tinapos ang pagbabanlaw para hindi na mahirapan ang mommy. "Ikaw, anak ko. Kumain ka na ba?" tanong niya. Nilingon ko ito at ngumiti na tumango. "Opo, Mommy. Tapos na. Ubusin niyo na po iyan para may lakas pa kayo." Matapos magmeryenda ng mommy, siya na ang nag-dryer sa mga damit. Bumalik naman ako ng kusina. Sakto namang luto na ang bachoy. Nagsalin ako sa dalawang bowl na dinala sa mag-ina. Pasado alasonse na ng umaga at dama ko na ang pangangatog ng mga tuhod ko sa sobrang pagod. Maingat ko itong inilapag sa mesa. Hindi naman umimik ang mag-ina. Iniwan ko rin ang mga ito at nagsimula nang magluto ng tanghalian. BAWAT paglipas ng mga araw ay lalong nagiging bangungot ang buhay naming mag-ina. Umaabot na sa punto na tinitipid kami sa pagkain. Hanggang isang araw, naabutan ko ang mommy na nakahandusay sa tapat ng hagdan! Duguan ang ulo nito at walang malay! "Mommy!" bulalas ko na tinakbo itong dinaluhan! Para akong matatakasan ng bait na dumudugo ang ulo nito at hindi nagigising! Sakto namang papasok ang Tita Daniella na mula sa labas at nangunotnoo sa naabutan. "Tita, nakikiusap po ako, dalhin natin ang mommy sa hospital!" humihikbing pagpapasaklolo ko dito na napataaa ng kilay. "Ano? Ayoko nga. Pagod ako sa kaliwa't kanan na meeting ko, Hannah. Hwag niyo akong abalahin at gusto kong magpahinga!" sikmat nito. Maingat kong inilapag sa semento ang ulo ng mommy at lumapit dito. Desperadang lumuhod sa harapan niya habang umiiyak na nagmamakaawa sa kanya. "Nagmamakaawa po ako, tita. Dalhin natin ang mommy sa hospital. Utang na loob, tita. Hindi ko kayang mawala ang mommy sa akin!" humihikbing pagmamakaawa ko dito. Ngumisi ito na napataas ng kilay. "Kailangan mo nang tulong ko?" sarkastikong tanong nito na ikinatango-tango ko. "Opo, tita! Opo!" sagot ko. Ngumisi ito nang nakakaloko at inilapit ang paa sa mukha ko. "Kung gano'n, halikan mo ang paa ko, Hannah. Kapag hinalikan mo ang paa ko? Dadalhin ko kayo ng mommy mo sa hospital." Pang-uuyam nito. Napalunok ako. Natigilan na napatingin sa paa nitong nakatapat sa mukha ko. Hindi ko ito kayang gawin. Pero dahil nag-aagaw buhay ang mommy--pikitmata kong hinagkan ang paa nito na napahalakhak at iling sa akin. "Kaya mo pa lang maging masunurin sa akin e. Ang dami mo pang arte." Wika nito na lumabas na ng bahay. Nagpahid ako ng luha. Tinakbo ang mommy. Kahit hirap na hirap ako ay buong lakas ko siyang kinarga. Wala naman kasi akong ibang maaasahan na tutulong sa akin. Maingat kong ipinasok ng kotse ang mommy. Si tita naman ang nagmaneho. "Tita, pakibilisan mo naman oh? Baka maubusan na ng dugo ang mommy." Pakiusap ko dito. Maluwag kasi ang daan. Pero tila sinasadya nitong bagalan ang pagmamaneho. Hindi na ako mapakali pero siya ay pa-chill-chill lang. "Hoy, hwag mo akong utusan. Dadalhin ko kayo ng hospital para makasigurong hindi kayo tatakas ng ina mo. E kung mamamatay ang ina mo, e 'di ilibing mo." Natatawang saad pa nito na tila nang-aasar. Napayakap na lamang ako sa aking ina at piping nagdarasal na makakaligtas ito. Natatakot kasi ako na maulit ang nangyari kay daddy noong nakaraang buwan. Kung saan huli na nang dumating kami ng hospital. "Mommy, lumaban ka ha? Hwag mo akong iiwan." Bulong ko na hinahalik-halikan ito sa noo. Pagdating namin sa hospital, para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa lala ng natamo ng mommy, na-coma ito at inilagay sa ICU. Hindi naman umalis ang tita. Sinisiguro niya talaga na hindi kami tatakas ng mommy. Napasabunot ako sa ulo. Balisa habang sinasabi ng doctor ang kalagayan ng mommy. Walang nagsi-sink-in sa utak ko sa mga nangyayari. Gulong-gulo na ako at parang matatakasan ng bait! "Umuwi na tayo, Hannah." Ani tita na ikinabalik ng ulirat ko. "Tita, please? Hindi ko kayang iwan ang mommy." Pakiusap ko. "No. May mga nurse na titingin sa mommy mo dito. Umuwi na tayo. Sa gabi ka lang pwedeng samahan ang ina mo dito. Pero sa maghapon? Nasa bahay ka at maninilbihan ka sa amin doon. Kung ayaw mong ipauwi ko na ang mommy mo? Sumunod ka!" madiing sikmat nito sa akin. Napahagulhol ako na nilingon ang mommy. Para akong pinipiga sa puso sa kaisipang iiwan ko siya dito sa hospital at ibang tao ang mag-aalaga sa kanya. "M-mommy, babalik ako mamayang gabi ha? Magpalakas ka. Mahal na mahal po kita." Piping usal ko. LUMIPAS pa ang mga araw at para na akong mawawala sa sariling katinuhan. Sa maghapon ay wala akong pahinga sa bahay. Na ultimo pagkain ko ay tinitipid nila tita. Sa gabi naman ay nagtutungo ako ng hospital. May pera akong tinitipid mula sa sarili kong pera na siyang ginagamit ko pamasahe sa jeep papuntang hospital. Kapag nasa tabi ako ng mommy, saka lang ako nakakapag pahinga. May binibigay namang pagkain ang hospital kaya dito na ako kumakain ng agahan at hapunan. Mapait akong napangiti na ginagap ang kamay ng mommy at patulog ang pagtulo ng luha ko. "Mommy, nandito na po ako. Kumusta po kayo?" pagkausap ko dito. Katatapos ko lang siyang punasan at palitan ang damit at diaper niya. Mabuti na lang at mababait ang mga nurse dito. Inaasikaso nila ang mommy sa maghapon kahit wala ako. Naaawa din ang mga ito sa akin. Naitanong kasi nila kung bakit umaalis ako sa umaga. At ipinagtapat ko sa kanilang naninilbihan ako sa tita ko para may magamit ako sa mga gamot ng mommy. Lahat kasi ng perang inaabot ng tita sa akin na reseta ng doctor, pinaghihirapan ko muna. Kung may sapat lang akong pera, ito na sana ang pagkakataon ko para makawala kina tita. Pero sa sitwasyon ko ngayon, lalo lang mahihirapan ang ina ko kapag tumakas ako. "Lumaban po kayo ha? Nandidito lang po ako, Mommy. Hwag mo akong iiwan ha? Alam mo namang hindi ko kaya na wala kayo. Hindi pa nga ako nakakapaghilom sa pagkawala ng daddy e. Kaya hwag niyo po akong iwan, Mommy. Kayo ang dahilan kaya lumalaban pa rin ako. Kaya nagtitiis ako. Dahil po iyon sa inyo." Pagkausap ko sa aking ina na mariing hinagkan ito sa noo. Maaga pa lang, lumabas na ako ng hospital. Mahigit dalawang linggo na ang mommy sa hospital at nakasanayan ko na ang gan'tong routine ko. Maghapong pagsisilbihan sina tita at sa gabi naman ay magtutungo ng hospital para bantayan ang aking ina. Pagdating ko sa bahay. Nangunotnoo ako na may maabutang abogado dito na kausap ng masinsinan ang tita at Delilah. "Hannah, halika muna dito." Pagtawag ng tita sa akin. Kabado man ay lumapit ako sa mga ito. Napalingon naman sa akin ang abogado at napahagod pa ng tingin sa kabuoan ko. "B-bakit po, tita?" kabado kong tanong. Huminga ito ng malalim. Inabot ang isang envelope na nasa lamesa at bumaling sa akin. "Siya si Mr Sandoval. Abogado ng pamilya ng investor natin. Ayon kay attorney. May alok ang pamilya ng amo niya. Tutulungan nila tayong maibangon ang bangko pero may kapalit." Ani nito na ikinalunok ko. "Magpakasal ka sa anak ng amo niya." "Po?!" bulalas ko na nanigas sa kinatatayuan! Tumayo ito. Nandidilat ang mga mata sa akin. "Magpakasal ka sa anak ng amo niya. Dahil ayaw ni Delilah na makasal sa lalakeng iyon. Kung gusto mong hindi magsara ang bangko na itinayo ng ama mo? Sumunod ka." May pagbabantang saad nito. "Kung sabagay--wala ka namang magagawa e. Sa ayaw o sa gusto mo ay magpapakasal ka sa lalakeng iyon para maisalba ang bangko ko." Saad pa nito na tila wala na akong pamimilian. "Tita, hwag naman po. Sumusunod naman ako sa inyo e. Hwag niyo naman akong ipakasal sa taong hindi ko kilala," desperadang pakiusap ko dito pero tila wala itong narinig. Bumaling na ito sa attorney na matamis na ngumiti. "Pakisabi kay Mrs Smith, pumapayag na ang pamangkin kong pakasalanan ang anak niya. Hwag na sanang makarating sa kanila na nag-iinarte itong pamangkin ko. Ang mahalaga naman ay darating ito sa araw ng kasal nila." Saad nito na nakipagkamay na sa abogado. "Siguraduhin mong dadalo ang pamangkin mo sa araw ng kasal. Ipapasundo namin kayo sa sabado dito mismo sa bahay niyo para sa araw ng kasal. At ipinapaalam din ng boss ko, kapag kinasal na ang pamangkin mo sa anak niya, uuwi si Ms Hannah sa bahay ng asawa niya. Malinaw po ba?" seryosong saad pa ng attorney dito na tumango. "Siguraduhin niyo rin na ipapasok niyo ang pera, Attorney. Wala tayong pagtatalunan." Saad ni tita na ikinaawang ng labi ko. Matapos magpaalam ang abogado, nagsimula na rin akong maghanda ng almusal. Nalulutang ako na hindi malaman ang gagawin. Kung magpapakasal ako sa lalakeng iyon, makakalaya na ako kay tita. Siguro naman ay mapapakiusapan ko siya tungkol sa aking ina. May galak sa puso ko na sa kaisipang iyon. Pero paano kung ako lang ang kukunin? Paano kung mas impyerno pa ang sasapitin ko sa kamay ng mapapangasawa ko kaya ako ang ipinain ng tita? Nanghihina akong napaupo ng silya na sunod-sunod tumulo ang luha. Gulong-gulo ako at hindi malaman ang gagawin. Sa sabado na ang kasal. Dalawang araw na lang ay kasal ko na. Tatakas ba ako sa nakatakdang kasal ko? O mas makakabuti sa akin na magpakasal dito at makalaya na sa pagmamalupit sa amin nila tita sa sarili naming pamamahay? "Diyos ko. Ano pong dapat kong gawin? Tulungan niyo naman po ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD