HANNAH'S POV:
PARA kaming pinagsakluban ng langit at lupa ni mommy na dumating kasi sa hospital at dineklara ang daddy na dead on arrival. Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko sa nangyari kay daddy. Dahil kung hindi ko inaway sina Tita Daniella at Delilah kanina, hindi sana kami nagkakagulo kanina sa bahay nang dumating ang daddy.
"Mommy, tara na po. Nand'yan na ang funeral service car na kukuha kay daddy." Wika ko kay mommy na yakap-yakap pa rin ang katawan ng daddy dito sa morgue.
"Hindi ito totoo, hindi ba, anak? Binabangungot lang tayo. Mamaya ay darating din ang daddy mo mula trabaho. Uuwian niya tayo. Aasikasuhin ko siya. Bukas paggising ko, ihahanda ko ang kape at mga gamit niya papasok ng trabaho," nalulutang saad ni mommy na patuloy ang pagtulo ng luha.
Niyakap ko si mommy na dinamayan ito. Hindi ko maimagine ang bigat at sakit na nararamdaman nito ngayon sa biglaang pagkawala sa amin ng daddy. Ngayong wala na ang daddy, paano na kami ng mommy? Tiyak na lalo kaming maghihirap nito at wala na ang haligi ng aming tahanan.
Pareho kami ni mommy na walang trabaho. At kung hindi ako kikilos ay tiyak na mamamatay kami sa gutom ng ina ko. Idagdag pang nasa bahay ang mag-inang nagpapahirap sa amin ng mommy. Tiyak na mas lalo nila kaming pahihirapan lalo na ang ina ko ngayong wala na ang daddy.
“Paano na tayo ngayon, anak? Iniwan na tayo ng daddy mo. Wala nang poprotekta sa atin,” puno ng pait nitong turan.
Inakay ko itong tumayo. Dumating na rin kasi ang mga hospital staff na maglalabas kay daddy para ilipat sa sasakyan. Magkayakap kaming dalawa na luhaang nakamata kay daddy na binalot na ng puting tela ang buong katawan maging ng kanyang ulo at mukha. Napahagulhol na lamang kaming mag-ina na hindi matanggap ang nangyari.
“Poprotektahan ko po kayo, Mommy. Nangangako akong hindi ko kayo pababayaan. Hindi na baleng mahirapan ako. Hwag lang kayo.” Humihikbing pagpapalakas ko ng loob nito.
Sumunod kami sa mga staff na lumabas ng morgue. Habang naglalakad ay para kaming matutumbang mag-ina. Magkayakap na umiiyak. Napapalingon na rin sa amin ang mga tao pero wala na akong pakialam.
Sumakay kami ng funeral service car at dinala ang daddy pauwi ng bahay. Doon kasi namin napagdesisyunan na idaos ang burol nito kahit ilang araw lang. Wala naman kaming ibang hinihintay na bisita. Nandidito na sa bansa ang nag-iisang kapatid ng daddy. Malayo din ang mga kaanak namin.
Pagdating namin sa bahay. Napahinga na lamang ako ng malalim na madatnang ang kalat dito. May pagmamadali akong naglinis ng sala para mai-set-up namin ang pagbuburolan ng daddy. Tahimik ang bahay kaya tiyak na natutulog na ang mag-ina.
Tulala naman ang mommy na nakaupo sa sulok. Hinayaan ko na muna itong magpahinga. Matapos naming malinisan ang sala, inayos na ng mga ito ang mga dala nila para sa burol ng daddy.
Nilapitan ko ang mommy na niyakap. Napahikbi ito na ikinatulo ng luha ko. Para akong dinudurog sa bawat paghikbi ng ina ko. Pero wala naman akong ibang magagawa para mapagaan ang bigat na dinadala nito.
“Ma'am, babalikan na lang po namin kayo sa araw ng libing, nakikiramay po kami,” ani ng funeral staff sa amin.
Hindi namin napansin na tapos na pala ang mga itong asikasuhin ang daddy. Nakasilid na rin sa kabaong ang katawan nito. Tanging pagtango lang ang naging tugon ko sa mga ito.
Pagkaalis ng mga ito, inakay ko na si mommy para tignan ang daddy. Muli itong napahagulhol na niyakap ang kabaong ng daddy. Siya namang pagbaba ng Tita Daniella sa hagdanan na kitang bagong gising pa lang.
“Anong nangyari?! No! Kuyaaaa!!” Sigaw nito na napatakbo sa gawi namin!
Itinulak niya kami ng mommy na muntik pang sumubsob sa sahig! Nag-igting ang panga ko na akmang babalikan ito nang pigilan ako ng mommy. Nagtatanong ang mga mata ko na nilingon itong marahang umiling at nangungusap ang itsura.
“Kuyaaa!!” sigaw ni tita na yakap-yakap ang kabaong.
Siya namang pagbaba ni Delilah at nagising ito sa pagpalahaw ng ina. Nagulat din ito na makitang may nakaburol dito sa sala!
“Mommy! Tito!” bulalas nito na tinakbo ang ina at dinaluhan!
Hindi ko alam kung totoo bang nagluluksa ang mga ito na panay ang sigaw at ang lakas ng pag-atungal na dinaig pa kami ng mommy na anak at asawa ng yumao.
“Kayo! Kasalanan niyong mag-ina kaya namatay ang kuya!” galit na galit na sigaw sa amin ni tita.
Nag-aapoy ang mga mata nitong nanlilisik sa sobrang galit! Napalunok ako na niyakap ang mommy. Lumapit ito sa amin na malakas akong sinampal na ikinatagilid ng mukha ko! Namanhid ang pisngi ko sa lakas ng sampal nito. Pero hindi pa man ako nakakabawi, sinabunutan niya ako na muling pinagsasampal!
Nalasahan ko ang kalawang sa aking labi na dumugo! Hindi na ako nakapagpigil at hinablot ito sa buhok na sinabunutan din ito!
“Kayo ang salot sa buhay namin! Sana kayong mag-ina na lang ang namatay hindi ang kapatid ko!” nanggagalaiting bulyaw nito!
“Kayo ang salot sa pamilya namin! Masaya at tahimik ang buhay namin at bahay namin. Pero nang dumating kayong mag-ina, nagulo na ang masayang pamumuhay namin! Kayo ang salot dito! Kayo ng anak mo!” ganting sigaw ko dito!
“Tama na ‘yan, Daniella! Bitawan mo ang anak ko!” sigaw ng mommy na hawak-hawak ni Delilah para pigilan itong saklolohan ako!
Napaluhod na kaming dalawa ng tita habang parehong nakasabunot sa isa't-isa! Buong lakas ko itong itinumba sa sahig at nagtagumpay naman ako! Sinamantala kong sinapak ito sa mukha kaya nabitawan ang buhok ko–dahilan para mabilis akong nakaupo sa tyan niya at pinagkakalmot at sampal din ito sa mukha!
Nandilim ang paningin ko! Nasagad na ang pasensiya ko. Para akong mabangis na lobo na nakawala sa kulungan sa mga sandaling ito! Kahit dumudugo na ang ilong at labi ng tita na sinasakyan ko ay hindi pa rin ako tumigil na kalmutin ito kung saan-saan! Puno na ng kalmot ko ang mukha at leeg nito pero wala akong pakialam!
“Magmula nang dumating kayo dito ay nagulo na ang masayang pamilya namin! Tinitiis namin kayo ng mommy! Pero hindi na ngayon!” galit na galit kong sigaw dito!
“Hayop ka, Hannah! Pakawalan mo ang mommy ko!” dinig kong sigaw ni Delilah na galit na galit!
Napalingon ako dito na hawak-hawak na pala ng mommy sa braso at pinipigilang damayan ang ina nitong binubugbog ko. Napangisi ako dito. Na sinabunutan ang ina niyang napadaing!
“Pakawalan ko?” sarkastikong tanong ko na ipinakita dito kung paano sinapak sa mukha ang ina nitong ikinatili nito! “Ngayon niyo ipakita ang tapang niyo sa amin! Wala na ang daddy dito, kaya lalaban na kami ng mommy ko sa inyo!”
Nagdatingan na rin ang mga kapitbahay at kaagad kaming inawat. Pilit akong inalis mula sa pagkakaupo ko kay tita. Tinakbo naman ako ng mommy na mahigpit na niyakap!
AKALA ko ang pagkamatay ng daddy ang pinakamalaking bangungot sa amin ng mommy. Pero nagkamali ako. Dahil nagsisimula pa lang pala doon ang kalbaryong aabutin namin ng mommy sa sarili naming pamamahay.
Pagkatapos ng libing, hindi pa kami nakakapag pahinga ng mommy ay may dumating na lawyer sa bahay. Laking gulat namin na may inilabas itong last and will testament ng daddy para sa naiwang ari-arian namin. Ang bangko, ang sasakyan at itong bahay. Lahat ng iyon ay nakapangalan kay Tita Daniella!
“Hindi ito totoo! Impossible! Kilala ko ang asawa ko! Nakatitiyak akong sa aming mag-ina niya iniwan ang mga ari-arian namin!” nanginginig sa galit na sigaw ng mommy pagkatapos mabasa ang laman ng last and will testament ng daddy.
Maging ako ay nalulutang at hindi maproseso ng utak ko ang nalaman namin. Napangisi lang naman ang mag-ina sa amin ng mommy habang matamang nakatitig sa aming mag-ina.
“I'm sorry, ma'am. Pero iyan po ang inilagay ng asawa nito,” magalang saad ng lawyer sa aking ina.
“Nakalapagtaka ba iyon, Belinda? E hindi naman kasi kayo kasal ng kuya. Isa pa, ampon lang itong si Hannah. Sampid lang kayo sa buhay namin. Kaya tanggapin niyo na ang desisyon ng kuya,” pang-uuyam nito sa amin.
Naningkit ang mga mata ko na inagaw kay mommy ang papeles at tumayo. Walang kakurap-kurap na pinunit ko iyon sa harapan ng lawyer at nila Tita Daniella.
“Hindi kami naniniwala dito. Kilala namin ang daddy. Tiyak akong kagagawan mo lang ito. Para ikaw ang makinabang sa mga nakalaan sa amin ng mommy ko! Napakatuso mo talaga, Tita! Wala kang puso! Hindi mo ako kamag-anak, pero legally adopted ako ng kuya mo! At kahit wala silang papel ng mommy, ilang dekada silang nagsama sa iisang bubong, kaya may karapatan din kami sa mga naiwan ng daddy!” madiing giit ko dito na natawa.
‘Yong uri ng tawa na hindi natutuwa kundi. . . nang-uuyam. Pumalakpak pa ito na tumayo at nakangisi sa akin. Tumayo na rin ang mommy na hinawakan ako sa braso para kalmahin.
“Hindi ko na kasalanan kung sa akin iniwan ng kuya ang mga ari-arian niya. Dahil hindi naman niya kayo totoong pamilya. Walang karapatan ang ina mo dahil hindi sila kasal. Lalong-lalo nang wala kang karapatan sa mga ari-arian ng kuya dahil ampon ka lang! Sampid lang kayo dito, lalo ka na. Kaya nakapagtataka ba na sa aking kapatid niya iniwan ang ari-arian niya?” pang-iinsulto pa nito sa aming mag-ina.
Napailing ako. Pinipigilang hwag tumulo ang luha.
“Tama na, anak. Hwag ka nang makipagtalo sa kanya,” bulong ng mommy na bakas ang pagod at takot sa itsura nito.
“Hindi, Mommy. Ipaglalaban natin ang karapatan natin. Tayo ang may-ari ng bahay. Hindi ang dalawang ito.” Madiing sagot ko dito.
Ngumisi lang naman si tita na muling naupo ng sofa.
“So, attorney. Pwede na ba naming palayin ang mag-ina dito sa bahay? Total naman legal nang nailipat sa pangalan ko ang titulo ng bahay.” Wika ni tita sa lawyer na kasama namin.
Napalingon ako dito. Nagpapasaklolo ang itsura. Pero kimi lang itong ngumiti at tumango kay tita na ikinanlumo naming mag-ina.
“Opo, ma'am. Dahil kayo na ang bagong may-ari ng bahay. Kayo ang magdedesisyon kung sino ang mga titira dito.” Saad ng lawyer na ikinatulo ng luha ko.
“Good.” Ani tita na tumatango-tangong napangisi sa aming mag-ina. “Narinig niyo ang abogado natin? Ako na ang bagong may-ari nitong bahay. Kung gusto niyong manirahan dito? E ‘di pagtrabahuan niyo. Hindi libre ang pagtira niyo dito lalo na ang mga kakainin niyo. Isa pa.” Ani nito na bumaling kay mommy at nakataas pa ang isang kilay. “Belinda, linisan mo ang silid niyo ni kuya. Palitan mo lahat ng mga gamit doon ng bago. Alisin mo ang mga gamit niyo ni kuya dahil doon na ang magiging silid ko. Gano'n din sa'yo, Hannah. Magmula ngayon, kay Delilah na ang dating silid mo. Linisan mo lahat ng gamit mo doon. Nagkakaintindihan ba tayo?”
Nag-igting ang panga ko. Naikuyom ang kamao na nagpipigil dakmain ito.
“O-oo, Daniella. Malinaw.” Sagot ng mommy na ikinalingon ko dito.
Pinandilatan ko ito ng mga mata pero umiling lang ito.
“Hindi, Mom. Hindi tayo magpapaalipin sa mag-inang ito,” madiing saad ko na ikinailing nito.
“Anak, hindi ko kayang iwan ang bahay natin.” Mahinang pakiusap nito na naluluha.
“Kaya nga ipaglalaban natin, Mommy.” Sagot ko. Pero umiling lang ito na tumulo ang luha.
“Wala tayong laban, anak. Tara na. Ayusin na natin ang silid. Gusto ko na ring magpahinga.” Pakiusap nito.
Napakuyom na lamang ako ng kamao na nagpipigil magwala. Sumunod ako kay mommy kahit labag sa loob ko. Umakyat kami ng second floor at unang nilinisan ang silid nila ng daddy. Pinaupo ko na lang ito sa sofa at ako na ang nagligpit sa mga gamit nila ng daddy sa silid. Umiiyak ito na yakap-yakap ang larawan ng daddy.
“Kaya mo ‘to, Hannah. Pagsubok lang ito,” pagpapalakas loob ko sa sarili.
Mabilis kong iniligpit ang mga gamit nila mommy at daddy. Kita kong nanghihina na ang ina ko at gusto na nitong magpahinga. Ilang araw din kasi kaming puyat dahil sa burol ng daddy. Hindi pa nga kami makakain ng maayos dahil sa pagdadalamhati. Kita kong namumutla na rin ang mommy at pagod na pagod ang itsura nito.
Kung may sarili lang akong pera, aalis na lang kami ng bahay at lilipat ng apartment. Mas nanaisin ko pang iwan ang bahay at magtrabaho para buhayin ang ina ko. Kaysa nandidito sa bahay pero iba na ang may-ari. Kahit wala pa silang ginagawa, nakatitiyak akong pahihirapan lang kaming mag-ina dito.
Halos isang oras ko ring niligpit ang mga gamit nila mommy na inilipat sa mas maliit na silid–kung saan tumutuloy ang Tita Daniella. Inilabas ko rin ang mga gamit ni tita na dinala sa silid ng mga magulang ko. Kahit nanghihina na ako, inayos ko na muna ang magiging silid namin ni mommy. Maliit lang ang espasyo pero mas gusto ko namang ang mommy ang kasama ko sa silid kaysa ang Delilah na iyon.
“Mommy, magpahinga ka na muna. Ako nang bahala dito.” Wika ko kay mommy na inakay nang lumipat sa aming silid.
Napagala pa ito ng paningin sa kabuoan ng silid nila ng daddy. Luhaan at bakas ang lungkot sa mga mata.
“Naging masaya ang buong pagsasama namin ng daddy mo sa nakalipas na apat na dekada, anak. Hindi ko lubos akalaing hahantong tayo sa gan'tong sitwasyon.” Usal nito na puno ng pait ang tono.
Hinagod-hagod ko ito sa likuran. “Gagawa ako ng paraan, Mommy. Mababawi din natin ang bahay. Maghintay ka lang. Nakatitiyak akong kagagawan ito ng tita para sa kanya mapunta ang dapat ay sa atin.” Pabulong saad ko dito na tumango.
Inakay ko na ito palabas ng silid. Lumipat kami sa magiging silid naming mag-ina.
“Magpahinga na muna kayo, Mommy.” Wika ko na pinainom ito ng tubig.
Hindi naman na ito sumagot. Yakap-yakap pa rin ang frame ng daddy na inalalayan kong sumampa sa kama. Napahaplos ako sa ulo nito at pinatulog na muna siya. Awang-awa ako sa ina ko. Durog na durog na siya sa pagkawala ng asawa niya, pero heto at mas dinudurog pa kami ng Tita Daniella.
“Makakaraos din tayo, Mommy. Pangako, hindi kita pababayaan.” Bulong ko na mariin itong hinagkan sa noo.
Maingat kong inayos ang mga gamit nito. Itinabi ko naman sa sulok ang mga bagahe na naglalaman ng mga gamit ng daddy at hindi na namin magagamit ang mga iyon. Sunod ay nagtungo na ako sa dating silid ko. Kinuha ko lahat ng mga gamit ko doon at inilipat sa maliit naming silid ng mommy. Pilit kong pinagkasya ang mga gamit naming mag-ina.
MATAPOS kong maayos ang silid namin ng mommy, bumaba na ako para makaligo. Sobrang lagkit na rin kasi ng katawan ko. Wala kasing banyo dito sa silid namin kaya kailangan pang bumaba ng kusina kung saan naroon ang banyo.
“Hoy, Hannah. Nalinisan mo na ba ang silid namin? Inaantok na kami,” paninita ng tita sa akin na nandidito sa kusina at maganang kumakain kasama ang anak.
“Problema ko pa ba iyon? Bakit hindi niyo ayusin?” sarkastikong sagot ko dito na ibinaba ang kutsara at naningkit ang mga mata sa akin.
“Hindi pa ba malinaw sa'yo kung ano kayo ng ina mo sa pamamahay ko, ha? Napakatabil pa rin ng dila mo kahit walang-wala na kayo!” sikmat nito sa akin.
“Sigurado ka bang walang-wala kami ng mommy? O baka naman kasi. . . kinuha mo ang mga pag-aari namin kaya nawalan kami, hmm?” pabalang sagot ko dito na tumayo at nag-igting ang panga.
“Gusto mo pa yatang makatikim bago ka sumunod sa akin, Hannah. O baka naman gusto mong. . . palayasin ko kayo ng ina mo, plus–kakasuhan kita. Ipakukulong kita sa pambubogbog mo sa akin. Marami akong witness na magdidiin sa'yo. Tignan ko lang. . . kung hindi mabaliw ang ina mo kapag nakulong ka at wala siyang matuluyang bahay!” sikmat nito.
Napalunok ako. Kung ako lang, lalaban ko siya. Hindi ako magpapadaig sa kanya. Pero dahil hinang-hina pa ang mommy, idagdag pang wala pa kaming ibang matutuluyan. Hindi na lamang ako umimik sa pananakot nito sa akin.
“Tsk. Susunod ka rin pala e. Ang dami mo pang arte!” pagalit pa nito na pabalang naupo.
Napaikot na lamang ako ng mga mata. Bumalik ng second floor at inayos na muna ang silid nilang mag-ina. Nakatitiyak din naman akong maging ang silid ni Delilah ay ipapaayos sa akin. Kaya nilinisan ko na rin. Nabubwisit ako dahil maging mga panty, bra at pantyliner na ginamit nito ay nagkalat lang kung saan. Kaya naman may mga ipis na rin dito sa silid dahil napaladugyot ng babaeng iyon!
Nandidiri akong pinupulot ang mga kalat nito. Maging ng mga sextoys niya ay kung saan-saan na lamang naroon. Nakakadiri ang babaeng iyon. Kung sabagay, nagawa nga niyang laruin ang sarili kahit nasa silid din ako. Naiiling na lamang ako at parang masusuka habang nilalalabas masok sa lagusan niya ang isang d***o na nasa 10 inches ang haba at taba! Ginagamitan niya pa ng vibrator at lubricant ang laruan niya na inilalabas masok sa lagusan niya habang panay ang ungol!
Hindi na nga ako magtataka kung gumagamit din siya ng bawal na gamot. Sa itsura pa lang ni Delilah ay mukha itong adik. Minsan nga ay nakita ko itong may kahalikan sa labas ng gate at fini-finger ito ng lalake. Sarap na sarap naman ito at hindi alintana kung may makakita sa kanila. Kahit gabi na nang mga oras na iyon, may mga mangilan-ngilan pa rin namang dumaraan sa tapat. Pero tila wala itong pakialam basta mairaos lang ang sarili.
Pawis na pawis ako at nanlalata na ang katawan matapos malinisan ang dalawang silid at maayos ang mga gamit ng mag-ina. Bagsak ang balikat ko na bumaba ng kusina. Napapikit na lamang ako na napatampal sa ulo na mabungarang ang kalat dito sa kusina. Nagkalat sa mesa at sahig ang mga kanin at ulam. Maging ang mga pinagkainan nila ay naiwan sa mesa. Ni walang takip ang mga natirang ulam na mukhang nilamog-lamog ng bata ang itsura at mandidiri ka na lamang na kainin ang mga iyon.
Napabuga ako ng hangin. Ilang beses huminga ng malalim bago kinuha ang walis at duspan sa sulok at nagsimulang linisin ang kusina. Tiyak na ang mommy ang maglilinis nito kung hindi ko gagawin, kaya ako na lamang kaysa ang ina ko.
Para akong maiiyak nang panay na ang pagkalam ng sikmura ko. Gutom na gutom na rin ako at inaantok. Pasado alasotso na nang gabi at wala pa akong pahinga magmula kaninang umaga na nagising ako. Parang matutumba na nga ang katawan ko sa panghihina ko.
Inabot ko ang fresh milk sa refrigerator na ininom iyon para maibsan ang gutom. Nag-abot din ako ng cup noodles sa hanging cabinet namin na nilagyan ng mainit na tubig. Wala na kasing makain sa itinira ng mag-ina na para sa amin ng mommy. Napakasama talaga ng ugali nila.
Habang naluluto ang cup noodles ko, mabilis na akong naligo. Nasa sala naman ang mag-ina. Nanonood ng TV at umiinom ng wine. Paglabas ko ng banyo, naabutan ko si Delilah dito sa kusina na tila may ginawang kabulastugan!
“Anong ginagawa mo dito?” paninita ko na napasulyap sa cup noodles ko sa mesa at kitang nagalaw iyon.
“Wala. Uminom lang ako ng tubig. Bakit, may problema ka ba?” sarkastikong sagot nito na napataas ng kilay.
Hindi na ako sumagot. Pangisi-ngisi naman itong lumabas ng kusina. Nagkatawanan pa silang mag-ina nang may ibulong ito sa kanyang ina. Napapasulyap sila sa akin na hindi mapagkakatiwalaan ang tingin at ngisi nila.
Naupo ako sa silya na inabot ang cup noodles ko at kumakalam na ang sikmura ko. Napaawang na lamang ako ng labi na makitang nilagyan nila ng ilang ipis at upos ng sigarilyo ang sana'y kakainin ko!
Napahagalpak ng tawa ang mga ito na makitang nakita ko na ang ginawa nila. Sinamaan ko sila ng tingin na nagpipigil sugurin ang mga itong tuwang-tuwa pa sa nakikitang reaction ko!
Nag-igting ang panga ko. Pabalang tumayo na itinapon sa trashbag ang noodles. Hindi ko na rin naman iyon mapapakinabangan. Kumuha na lang ako ng bago na nilagyan ng mainit na tubig at dinala paakyat sa silid namin ng mommy.
“May araw din kayong mag-ina. Sisiguraduhin kong ibabalik ko ng triple ang pagpapahirap niyo sa amin ng mommy ko.”