HANNAH'S POV: MATAPOS naming kumain, nagpahinga na muna kami nito at pareho kaming busog na busog bago lumabas ng fast-food. Muli niya akong pinagbuksan ng pintuan at inalalayang makapasok ng kotse bago umikot sa harapan at sumakay sa driver side. Nasulyapan ko namang sumunod na kaagad ang mga bodyguard namin. “Are you sleepy now, sweetheart?” tanong nito na nagsimula nang magmaneho. Napanguso ako. Para akong hindi makahinga sa sobrang kabusugan. Hindi pa naman ako inaantok lalo na't natulog ako kaninang hapon hanggang gabi. “Hindi pa naman. Ikaw ba?” balik tanong ko. Inabot niya ang kamay kong nakapatong sa hita ko na ikinababa ng paningin ko doon. Napalunok ako na bumilis ang t***k ng puso ko na pinagsalinop niya ang kamay namin. “Hindi pa e. Baka may gusto kang puntahan ngayon

