HANNAH'S POV: TAHIMIK akong nakasuksok sa dibdib ni Russel habang nasa kalagitnaan kami ng byahe. Napakatahimik nito pero hinahaplos niya naman ako sa ulo habang yakap-yakap niya ako. Natakot ako kanina na makita kung paano mag-apoy sa galit ang kanyang mga mata! Para siyang mabangis na lobo na nakahandang manakmal ng kaharap kanina! Iba pala siya magalit. Oo nga’t mabait at malambing siya pero nakakatakot din pala siyang magalit! Para ka niyang lalamunin ng buhay! Napatuwid ako ng upo nang huminto na ang kotse. Saka ko lang napansin na nakabalik na pala kami ng hospital. Pinagbuksan kami ng pintuan ng driver. Nauna naman itong bumaba. Sumunod ako dito na inalalayan akong makababa. Niyakap niya pa ako na inakay patungo sa elevator. Habang paakyat kami, kapwa pa rin kami tahimik. Hindi k

