HANNAH'S POV:
NAPALAPAT ako ng labi na namamangha sa loob ng bahay. Kung maganda na ito sa labas, triple ang ganda dito sa loob! Maging ang mga kagamitan dito ay halatang mamahalin! Para akong matutumba sa kaisipang dito ako titira sa bahay na 'to!
"You must be hungry now. Let's eat first." Saad nito na nasa harapan ko.
Nakasunod lang naman ako dito. Napapalinga at tingala sa kabuoan ng bahay. Dalawang palapag lang ito. Nahahati sa dalawa ang ibabang palapag. Ang malawak na sala at kusina. Mukhang sa itaas naroon ang mga silid.
"Are you okay?" tanong nito.
"Ha--ayt!"
Napatili ako na natisod ako at natumba! Namimilog ang mga mata ko na muntikang sumubsob! Mabuti na lang at nasalo niya ako kaya hindi ako tuluyang sumubsob sa sahig! Namumula ang mukha ko na mapatingin sa kanyang may naglalarong pilyong ngiti sa mga labi.
"Damn. Why so careless, hmm?" usal pa nito na inalalayan akong makatayo.
Napangiwi ang ngiti ko na nahihiyang napakamot sa ulo.
"Pasensiya na. Ang ganda kasi ng bahay mo." Paumanhin ko.
Napangiti naman ito. "Correction, sweetheart. It's our house." Pagtatama pa nito na pumasok na ng kusina.
"Ha? Sweetheart? Ako ba?" usal ko na naituro pa ang sarili.
Dinig kong mahina itong natawa na mukhang narinig niya ang naisatinig ko. Lalo tuloy nag-init ang mukha ko. Sumunod na ako dito na naupo ng silya. May mga katulong naman dito. Dalawang dalaga at isang matanda. Pawang nakangiti ang mga ito sa amin. Nahihiya man, naupo na ako sa tabi ni Sir Russel. Kaagad naman kaming pinagsilbihan ng mga katulong.
"Nay Aida, siya nga pala si Hannah. Siya ang asawa ko. Alagaan niyo siya dito ha?" wika ni Russel na ikinakurap-kurap ko.
Matamis namang ngumiti ang matanda na tumango sa akin. Alanganin akong ngumiti na dama kong nakatitig sa akin si Sir Russel.
"Naku, kahit hindi mo siya ihabilin, anak. Aalagaan namin ang asawa mo. Napakaganda namang bata," sagot nito na nakangiting nakamata sa akin.
"Ahem!"
Napatikhim si Sir Russel na napainom ng tubig. "Tama kayo. Bata nga po." Sagot nito.
"Ay--hindi iyon ang ibig kong sabihin, anak. Ang ibig kong sabihin ay napakaganda niyang bata. Hindi ko sinasabing ang bata ng asawa mo para sa'yo." Paglilinaw pa nitong ikinaubo ni Sir Russel.
Napalapat ako ng labi na pinamumulaan ng pisngi. Pasimple kong hinagod sa likuran si sir at nasamid ito na sunod-sunod napaubo. Natigilan pa ito na nilingon ako kaya nahihiya akong nagbawi ng kamay ko.
"S-sorry. Hinagod ko lang kasi naubo ka." Mahinang paumanhin ko.
Baka kasi naiilang siya na basta ko na lang siyang hinawakan. Hindi pa kami gano'n magkakilala at naiintindihan ko naman kung ayaw niyang magpahawak sa akin. Ngumiti naman ito na hinaplos pa ako sa ulo na parang maamong tuta.
"It's okay, Hannah. You're free to touch me anytime you want. You don't have to ask for my permission. You are my wife, remember?" saad nito na napakamahinahon ng pagkakasabi.
Ngumiti ako na tumango. Tumuwid na rin ito ng upo.
"Anyway. Siya si Nanay Aida. Ang caretaker nitong bahay. Si Mila at Miko naman ang mga apo niya. Sila ang mga makakasama mo dito sa bahay. As I said, minsanan lang akong uuwi dito. Pero tatawagan kita palagi." Saad pa nito na ikinalingon ko sa tatlong kaharap namin.
Bumati at yuko naman ang mga ito sa akin na nginitian ko. Kahit ngayon ko pa lang sila nakita ay dama kong magaan ang loob ko sa kanila. Hindi na tuloy ako makapaghintay na gumaling na si mommy at dalhin siya dito. Siguro naman ay ayos lang kay Sir Russel na titira si mommy dito kasama ko.
"Salamat," aniko na ipinaglagay niya pa ako ng pagkain sa plato ko.
"It's our first meal together as husband and wife. Gusto ko nga sanang dalhin ka sa bakasyon katulad sa ibang bagong kasal. Pero kasi, marami akong trabahong naiwan sa opisina. Kapos tayo sa oras. Isa pa, nasa hospital pa ang mommy mo. Nakatitiyak naman akong hindi ka mage-enjoy sa bakasyon natin na wala pa ring malay ang ina mo. Sa susunod na lang. Kapag magaling na ang mommy mo," wika nito na nagsimula na ring kumain.
Pilit akong ngumiti na inabot ang kutsara at tinidor ko na nagsimula na ring kumain. Hindi pa kasi ako naga-agahan. Pasado alasdyes na ng umaga kaya kumakalam na rin ang sikmura ko. Habang kumakain, lihim akong napangiti. Ang sasarap kasi ng mga pagkaing nakahain sa amin kaya ganado akong kumain.
Magmula nang dumating sina tita sa bahay--dalawang buwan na ang nakakalipas. Hindi na kami nakakakain ng maayos ni mommy. Lalo na nang mawala na ang daddy. Bukod sa tira-tira ang madalas na naiiwan sa amin, ang konti pa na hindi sapat sa isang tao. Pero pinagkakasya namin ng mommy para kahit paano ay makakain kaming dalawa.
Nangilid ang luha ko na mapatitig sa beef steak na nasa plato ko. Hiniwa na iyon ni Sir Russel kanina para isusubo ko na lang. Mapait akong napangiti sa isipan na maalala ang mommy. Paborito niya kasi ito. Madalas nga kapag may okasyon kami sa bahay. Katulad ng birthday, anniversary nila o graduation ko ay hindi nawawala ang beef steak sa hapag kainan namin.
"Hey, what's wrong? Don't you like the food?" untag ni Sir Russel sa akin.
"Ha?"
Nalilito akong napalingon dito na natigilan na mapatitig sa akin. Napatikhim ito na inabot ang tissue at saka marahang pinahid ang pisngi ko gamit iyon.
"What's bothering you? You're silently crying while staring at your food." Mababang saad nito.
Napapahid naman ako sa pisngi. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang naaalala ang mga masasayang ala-ala namin ng mga magulang ko.
"Uhmm--sorry. Naalala ko lang ang mga magulang ko. Kumain na lang tayo. Pasensiya ka na sa akin. Nagiging emotional lang ako ngayon kasi. . . kasi pakiramdam ko nakalaya ako sa isang kulungan." Sagot ko na pilit ngumiti dito at kumain na ulit.
Tumango naman ito. Hindi na sumagot pero kumain na rin. Habang kumakain ay wala kaming imikan. Gusto ko man siyang kausapin. Tanungin ng mga bagay-bagay pero nahihiya ako. Alam ko naman kasi kung gaano kataas ang taong 'to. Marami akong gustong itanong sa kanya pero--nanatili ang mga katanungang iyon sa isipan ko.
PAGKATAPOS naming kumain, umakyat na kami ng second floor. Nahihiya pa ako dahil ang mga katulong na ang nagligpit sa mga pinagkainan namin.
Tahimik akong nakasunod dito. Nang makarating kami ng second floor, kapansin-pansin na dalawa lang ang silid dito. Pumasok ito ng silid kaya napasunod ako. Napaawang ako ng labi na bumungad sa amin ang mala-five star hotel room sa ganda na silid. Namamangha ako na naigala ang paningin sa kabuoan nito.
Malawak ang silid. Tanging puti lang ang kulay ng pintura dito. Maging ang tiles nito ay napakakintab na puti. Gano'n din ang ceiling. Sa gilid bandang kanan naroon ang king size na kama. Nakatapat pa iyon sa glass wall kaya tanaw ang labas. May dalawang pinto naman sa kaliwang gilid. Meron ding mini sala dito sa gitna. May malaking vanity mirror malapit sa gawi ng kama at meron ding office table sa sulok. May bookshelves pa nga sa likuran ng office table nito na puno ng mga libro.
"Come here, Hannah." Pagtawag nito sa akin na nakatuod ako dito sa gitna kung saan naroon ang mini sala.
Nakatayo ito sa dalawang pintuan sa sulok. Nakamata sa akin. Tipid akong ngumiti na lumapit na dito. Napapalunok at kinakabahan.
"This is our room. We don't have to share the bed if you're not comfortable to sleep with me. Sa sofa na lang ako matutulog." Wika nito. Hindi naman ako nakaimik.
Binuksan nito ang pintuan sa gilid niya. Kaya napasilip ako. Isang malaking banyo na may bathtub at shower room. Napakagara nitong tignan na puro salamin ang dingding sa shower room.
"Dito ang banyo." Anito saka sunod na binuksan ang isa pang pintuan. "At dito naman ang wardrobe natin."
Napakurap-kurap ako na naituro ang sarili. "Kasama ako?"
"Yup."
"Pero--hindi ko pa nakukuha ang mga gamit ko sa bahay e." Nakangiwi kong sagot.
"No need, Hannah. Nandidito na ang mga kailangan mo. Come, let's check them." Ani nito na inakay pa ako papasok ng wardrobe.
Napasunod naman ako dito. Napaawang ako ng labi nang buksan niya ang isang malaking closet na puno ng damit pangbabae! Napakurap-kurap pa ako na mapasadaan ng tingin ang closet. Kumpleto na kasi iyon. Mula sa dress, skirt, top, jogger pants, blouse, jeans, short, shirt at pantulog!
Napakamot pa ito sa batok na nagsalita. "Uhm, hindi ko kasi alam kung anong mga gusto mong isinusuot. Kaya pinakumpleto ko na. Magagamit mo naman lahat ng mga 'yan. Ayokong may maipuna ang ibang tao sa'yo lalo na't asawa kita." Saad nito.
Tulala akong nilingon ito na napahalukipkip ng braso sa dibdib habang nakasandal sa gilid ng closet at matamang nakamata sa akin.
"Pero dito lang naman ako sa bahay. Nakakailang kasi isuot at ang mamahal nila." Nakangiwi kong saad.
"Nah, bakit ka naman maiilang? Sa'yo naman ang mga iyan. Isipin mo na lang. It's my gift for you. Kaya hindi mo pwedeng tanggihan." Ani nito na binuksan ang drawer ng closet.
Namilog ang mga mata ko na makitang puno iyon ng iba't-ibang kulay at design na underwear! Inabot nito gamit ang hintuturo ang isang red tiback na may naglalarong pilyong ngiti sa mga labi saka bumaling sa akin.
"Nagsusuot ka naman nito, tama?" nanunudyong tanong nito na ikinamula ng mukha ko!
Natawa pa ito na napalapat ako ng labi at hindi masalubong ang kanyang mga mata! Ibinalik din niya sa drawer ang tiback saka inabot ang isang push-up bra na kulay itim.
"Kasya ba ito sa'yo? Parang walang kakapitan ito sa'yo a. Napasobra yata ng size." Saad pa nito na ikinaubo ko!
"Hoy, grabe ka naman sa akin! May boobs din naman ako kahit paano!" angil ko dito na natawa.
"Hindi ko naman sinabing wala a. Baka lang. . . hindi kasya." Sagot nito na nakapaskil pa rin ang mapaglarong ngisi sa mga labi.
"Akin na nga 'yan. Hwag ngang 'tong mga undies ang pagdiskitahan mo," ingos ko na inagaw ang bra dito at ibinalik iyon sa drawer.
Napahagikhik naman ito. Napabusangot ako na isinarado na ang closet. Napatikhim naman ito na tumuwid ng tayo.
"Fine. 'Yong ibang gamit mo na lang muna." Saad nito na bumaling sa mga istanteng salamin na parihaba ang sukat.
Napaawang ako ng labi na makita ang mga nakalagay doon. Mga jewelry lang naman! Necklace, bracelet, relo at earrings na nagmamahalan! Napakurap-kurap pa ako na tinitignan ang mga diamond ng mga iyon! Pumasok ito sa loob na binuksan ang istante. Inabot nito ang isang bracelet na kulay gold na may mga disenyong maliliit na diamond.
"Give me your right hand, Hannah." Saad nito.
Parang nahihipnotismo akong iniabot ang kamay ko dito. Maingat niya iyong inalis sa box no'n saka isinuot sa kamay ko!
"Teka-- hindi ko 'to matatanggap," pigil ko ditong napakurap-kurap sa akin.
"Bakit naman? Ayaw mo ang design na 'to?" nagtatakang tanong nito na ikinangiwi ko.
"H-hindi naman sa gano'n. M-mamahalin kasi e. Hindi bagay sa kamay sa kamay ko," sagot ko dito.
"Ano ka ba, Hannah? How many times do I have to remind you that you are my wife, hmm?" kalmadong saad nito na tuluyang isinuot sa akin ang bracelet. "At bagay sa kamay mo."
Napalapat ako ng labi na nag-iinit ang pisngi. Ngumiti naman ito na binitawan na ang kamay ko. Kinakabahan kasi akong magsuot ng gan'to kamahal na alahas. Baka mamaya ay mawala ko pa. Nasa million pa naman ang halaga!
"I-ito nga palang singsing," saad ko dito na napasulyap sa singsing ko.
"Why? What about the ring?" tanong nito na namili ng necklace.
"Uhm, pwede ko ba itong itago? O ibalik ko na lang sa'yo." Saad ko na ikinakunot ng noo nitong nilingon ako.
"Bakit mo naman ibabalik sa akin? It's our wedding ring. Ayaw mo ba sa design?" naguguluhang tanong nito na ikinailing ko.
"Hindi. Hindi naman sa gano'n. Nakakatakot kasi isuot lalo na kapag nasa labas ako. Baka mamaya ay may humablot pa nito sa akin. Okay lang naman sa akin kahit ordinaryong singsing lang e. Hindi ko kailangan ng mga gan'to kamahal na gamit." Sagot ko ditong napanguso.
"You don't have to. Kaya nga may bodyguard ka e. Para mapanatili ang safety mo. Isa pa, ayokong may maipuna ang mga tao sa'yo, Hannah. Dahil kapag kinutya ka nila, kahihiyan ko rin iyon. Gusto mo bang mapahiya ako sa mga tao?" saad naman nito na ikinangiwi ko at nauunawaan ang punto niya.
"Pero kasi--masyadong mahal ang mga 'to." Mahinang saad ko.
"Just accept it. Binili ko ang mga ito para sa'yo," sagot nito na hinaplos ako sa ulo.
Maging mga sandals, sapatos, handbag at pouch ay meron din ako at pawang nagmula sa kilalang brand! Para akong nalulutang sa alapaap sa mga gamit ko dito sa wardrobe naming dalawa. May mga gamit din naman siya dito at kumpleto katulad ko. Hindi lang ako makapaniwala na gan'to ang magiging buhay ko sa piling niya. Daig ko pa si Cinderella na isang aliping nakahanap ng prince charming at nagbigay ng magandang buhay sa kanya!
"Gusto mo bang magbihis na muna? Para komportable kang mamasyal d'yan sa bakuran." Anito matapos ipakita sa akin ang mga gamit ko.
"S-sige." Utal kong sagot.
Tumango naman ito. Iniwan na muna ako para makapili ako ng isusuot ko. Binuksan ko ang closet ko at namamanghang pinasadaan ng tingin ang mga naka-hanger na damit dito. Isang pink terno jogger at crop top ang napili kong isuot. Kumuha din ako ng underwear ko at saka lumabas ng wardrobe.
Nasulyapan ko naman si Sir Russel na nasa office table nito. Abala sa mga papeles na nandoon habang nakabukas sa harapan niya ang kanyang laptop. Lihim akong napangiti na ilang segundo na muna siyang titigan bago pumasok ng banyo.
HABANG nasa ilalim ng shower, hindi ko mapigilang mapangiti. Para pa rin akong nasa magandang panaginip sa mga sandaling ito. Hindi maproseso ng utak ko ang mga nangyari. Natakot pa man din ako at nagtangkang tumakas sa kasal namin. Iyon pala--ito na ang sagot sa mga dalangin naming mag-ina. Sa wakas ay nakalaya din kami ng mommy mula sa pang-aalipin sa amin nila tita.
Kahit naman hindi isang magarang buhay ang ibigay ni Sir Russel sa akin e. Sapat na sa akin na may maayos kaming tutuluyan. May sapat na makakain. Hindi kami sinasaktan at makakapag pahinga nang maayos. Sapat na sa akin ang gano'ng buhay. Pero heto at labis pa sa labis ang ipinagkaloob ng Diyos sa amin ng mommy ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung deserving ba ako sa buhay na tinatamasa ko ngayon?
Matapos kong maligo at bihis, tinuyo ko na muna ang buhok ko gamit ang hair blower dito sa banyo at inilagay sa laundry basket ang damit ko bago lumabas ng banyo. Nandoon pa rin naman si Sir Russel sa office table nito. Mukhang abala nga siya.
"You can use those perfume and beauty products, Hannah. That's all yours," anito na itinuro ang gawi ng vanity mirror.
"S-sige. Salamat." Sagot ko na ikinatango nito.
Nagtungo ako sa vanity mirror at naupo ng silya. Namamangha pa ako sa mga nakalagay sa ibabaw ng mesa na mga pabango, creame, lotion at iba pang beauty products. Kumpleto din sa make-up ito at may mga pang-ipit sa buhok.
Isa-isa kong inamoy ang mga lotion dito. Hindi po ako pamilyar sa brand nila. Lahat naman ay mababango. Nakaka-lightened at whitening ng balat. Pero ang isang strawberry scents ang napili ko. Sakto lang kasi ang bango niya.
Naglagay ako ng moisturizer sa binti at mga braso. Panaka-naka ko pang sinusulyapan si Sir Russel. Mabuti na lang at abala ito sa ginagawa kaya hindi ako naiilang. Sunod ay naglagay ako ng sunscream sa mukha. Nagpahid din ako ng lip balm sa labi at sinuklay ang mahaba kong buhok. Nag-spray din ako ng perfume na kaamoy ng lotion na gamit ko. Nang makuntento na ako sa itsura ko, lumapit na ako kay Sir Russel.
Nilingon niya naman ako. Natigilan pa siya at napaawang ng labi habang palapit ako sa kanya na may ngiti sa mga labi.
"Sasamahan mo ba akong maglibot-libot?" tanong ko.
Ayoko namang maging abala sa kanya. Kung may mahalaga siyang gagawin, ayos lang naman sa aking ako lang mag-isa ang maglibot-libot na muna sa labas. Maluwang ang bakuran niya. Pero hindi naman siguro ako mawawala dito.
"Ahem!" napatikhim ito na isinarado ang laptop. "I'm just waiting for you. Let's go." Saad nito na iniligpit na ang mga folder sa harapan niya.
Sumunod naman ako dito na lumabas ng silid.
"Uhm, lalabas ka ba mamaya? Para sana sumabay na ako sa'yo. Dadalawin ko sana si mommy e. Noong nasa bahay pa kasi ako, sa gabi ko lang siya napupuntahan." Saad ko habang pababa kami ng hagdanan.
"Yeah. Mga four pm. Baka sa monday o tuesday na ako dadaan ng bahay kaya kung gusto mo, pwede ka namang magdala ng mga gamit mo sa hospital para hindi mo na iwanan ang mommy mo. Total naman wala ako dito sa bahay. Isa pa, nakausap ko na ang mga doctor ng mommy mo. Ililipat natin siya sa Madrigal's hospital. Mas mapapangalagaan ang mommy mo sa hospital ng family friends namin. Don't worry about the bill. Ako nang bahala sa bagay na iyon." Wika nito na ikinatigil ko.
Napalingon naman ito sa akin nang mapansing natuod ako. Nagsalubong bahagya ang mga kilay nito na nagtatanong ang mga mata.
"Why?" tanong pa nito.
"Pero. . . hindi ba't private ang hospital na 'yon? Pang mayaman lang ang mga nakaka-afford na magpagamot doon. Mahusay nga ang mga doctor at nurses doon pero. . . million din ang aabutin ng bill ng mommy ko kung nagkataon." Sagot ko dito na lalong nagsalubong ang mga kilay.
"So what? Do you think I can't afford that?" tanong nito.
"Hindi naman sa gano'n!" bulalas ko. "Ang ibig kong sabihin, mapapagastos ka pa ng malaking halaga kapag inilipat natin ang mommy ko," paliwanag ko.
Napakamot naman ito sa kilay gamit nag hintuturo.
"It's okay. She's your mom. Ina ko na rin ang ina mo. Mag-asawa na tayo, Hannah. Masanay ka na." Sagot nito na inabot na ang kamay ko at hinila palabas ng bahay.
Napalapat ako ng labing napapasulyap sa kamay namin. Ang laki ng kamay niya. Sa sobrang laki no'n, kumalahati lang ang kamay ko. Napakalambot at init din ng palad niya. Mas malambot pa nga ang kamay niya sa kamay ko.
Nagtungo kami sa likod ng bahay. Malawak ang bakuran dito. May gazebo pa sila dito at mini garden na nakakaengganyo ang landscape niya.
"You can take a bath here anytime you want, Hannah. You can also bring your friends here. It doesn't matter to me. I only have one rule that you have to follow." Saad nito habang dahan-dahan kaming naglalakad na magkahawak kamay. "Don't cheat."
Napatingala ako dito. Nilingon niya naman ako kaya nagtama ang mga mata namin. Humarap ito sa akin na marahang pinisil ang kamay kong hawak niya.
Para akong malulusaw na makipagtitigan sa mga mata nitong misteryoso.
"Do you understand?" tanong pa nito.
"O-oo. Hindi ko naman iyon magagawa sa'yo e. Isa pa, wala akong masyadong kaibigan. 'Yong tinuturing ko kasing best friend ko, matagal nang hindi kami nagkakausap. Kung may dadalhin man ako dito, siguro ang mommy ko." S
Tugon ko dito na napatango-tango. "Okay lang ba iyon sa'yo?"
"Of course, Hannah. Kung gusto ng mommy mong tumira kasama natin, bakit hindi. Wala namang problema sa akin. Your mother is welcome here." Sagot nito na ikinangilid ng luha kong wala sa sariling napayakap dito!
Napasinghap naman ito na napataas ng kamay. Tuluyang tumulo ang luha ko sa sobrang saya na marinig iyon mula mismo sa kanya. Na welcome dito sa bahay ang aking ina.
"Salamat, Russel. Salamat talaga," saad ko na napahikbi sa sobrang saya.
Natawa naman ito na niyakap ako pabalik at marahang humaplos sa likuran ko ang palad nito. Napalunok ako na bumilis ang t***k ng puso sa pagyakap nito sa akin. Sa laki niyang tao ay kulong na kulong ako sa bisig niya!
"You're welcome. . . my little wife--fvck!"