Chapter 7

2939 Words
HANNAH'S POV: HAPON na nang bumaba kami ng syudad ni Russel. Ayon dito ay ipinalipat na niya ang mommy sa Madrigal's hospital. Kaya naman doon na kami tutuloy ngayon. Ang sabi din nito ay nasa presidential suite ang mommy kaya wala akong dapat ipangamba. Bukod sa naaasikaso ito ng maayos doon, walang magtatangka sa buhay ng mommy ko kahit walang nagbabantay sa kanya. Bagay na lihim kong ipinagpapasalamat. Alam kong hindi biro ang gagastusin niya sa pagpapagamot kay mommy. Kaya naman ngayon pa lang ay labis-labis na ang pasasalamat ko sa kanya. "Are you sure you'll be okay there?" tanong nito. Kanina pa kami sa byahe. Nakasunod naman sa amin ang mga tauhan niya. Pero kapwa kami tahimik at nagpapakiramdaman. Pilit akong ngumiti na nilingon ito. "Oo naman. Salamat talaga, Russel. Tatanawin kong utang na loob sa'yo ang pagpapagamot mo sa mommy ko." Muling pasasalamat ko dito. Tipid itong ngumiti na nilingon ako saglit. Nagmamaneho kasi ito. "How many times do I have to tell you, Hannah. You don't have to repay me. Your thank you words is enough for me. Isa pa. You are my wife. Pamilya ko na rin ang mommy mo. Kaya wala kang utang na loob sa akin na ipinagamot ko siya. Ginagawa ko lang ang tama." Saad pa nito na ikinangiti ko dito. "Salamat pa rin, Russel. Ang daming nangyari sa aming mag-ina nitong mga nagdaang buwan. Pero ngayon, sa wakas ay makakahinga na kami nang maluwag. At lahat ng iyon ay dahil sa'yo. Kung hindi dahil sa'yo, nagdudusa at hirap pa rin kami ng mommy ko. Kaya nga abot langit ang pasasalamat ko sa'yo e. Niligtas mo kami ng mommy ko." Puno ng sensiridad kong pasasalamat dito. Napasulyap naman ito sa akin. Kiming ngumiti na nginitian ko pabalik. "Basta if you need my help, don't hesitate to call me, Hannah. Or ask for my help. Sabihan mo lang ako palagi. Hwag ka nang mahiya sa akin. Asawa mo na ako. Ibig sabihin--kakampi mo ako." Saad pa nito na bakas ang kaseryosohan. Tumango na lamang ako na hindi na umimik pa. Nahihiya din naman kasi ako sa kanya. Hindi ko na nga alam kung paano ko siya mababayaran sa mga kabutihan niya sa aming mag-ina. Kahit sinasabi niyang hindi ko kailangang tanawing utang na loob ang mga pagtulong niya, sa puso at isipan ko. Gusto ko pa rin itong tanawing malaking utang na loob sa kanya. Na balang araw ay ibabalik ko rin ang kabutihan niya sa amin ng mommy. PAGDATING namin sa Madrigal's hospital, sinamahan niya pa ako sa kinaroroonan ni mommy. Bagay na ipinagpapasalamat ko sa isipan. Hindi kasi ako pamilyar sa hospital na ito. Lalo na't alam ko namang karamihan dito ay mga may kaya sa buhay. Tahimik akong nakasunod dito. Sumakay kami ng elevator paakyat sa floor kung saan naroon si mommy. Nasa likuran naman namin ang mga bodyguard nito na nakabantay sa aming dalawa. Pagbukas ng elevator ay kaagad na akong sumunod kay Russel. Excited na akong makita ang mommy at silid nito. Habang naglalakad ng hallway, napapagala ako ng paningin. Wala kasing masyadong tao dito. Mangilan-ngilan lang. May mga nurse station naman kaming nadadaanan na magalang kaming binabati ni Russel. Napapayuko ako sa mga ito dahil pawang mga nakangiti sila sa amin. Tinatanguhan naman ni Russel ang mga ito. Kinikilig pa ang mga kababaihan na nagsisikuhan habang nagniningning ang mga matang nakatitig sa asawa ko. Hindi ko naman sila masisisi. Napakagwapo ni Russel. Lalo na sa suot nito ngayong white long sleeve polo na naka-tuckin at pinaresan ng black pants. Nakatupi ang manggas no'n hanggang siko niya. Nakabakat ang malapad niyang balikat at dibdib na lalong ikinalakas ng kanyang datingan. Napakabango pa niya. Kahit nakasunod lang ako sa kanya ay amoy na amoy ko ang manly perfume na gamit nito. Tumuloy kami sa isang pribadong silid. Mabuti na lang at nailabas na ng ICU ang mommy. Mas bumuti na raw kasi ang lagay nito ngayon kaya hindi na nila inilagay sa ICU. May tubo pa rin sa kanyang bibig. May mga nakakabit sa kanyang aparatus. Naka-oxyygen mask din ito sa ilong at kaliwa't kanan ang dextrose sa kamay. Nangilid ang luha ko na mapatitig sa aking ina. Mukhang dama niyang nasa mabuti na akong kalagayan. Kaya naman mas bumuti na din ang lagay nito. Lumapit ako dito na magaan siyang niyakap at mariing hinagkan sa noo. Ginagap ko ang kanyang kamay na naupo sa gilid ng kama. Naluluha ako na nakamata sa aking ina. Mis na mis ko na ito. Ang mga ngiti, tawa at boses niya. Kung paano siya maglambing sa akin at kung paano ko siya napapatawa. "Mommy, nandito na po ako. Kumusta na po kayo? Alam niyo po, naging maayos naman ang kasal ko ngayong araw. Nailipat na rin pala kayo dito sa Madrigal's hospital. Nakakatuwa noh? Nandidito tayo sa isa sa mga kilalang hospital ng bansa. Tiyak akong mapapabilis pa ang paggaling niyo sa galing ng mga doctor dito na aasikaso sa inyo. Kaya lumaban po kayo ha?" pagkausap ko sa aking ina. Kita ko naman sa peripheral vision kong nasa gilid lang si Russel. Nakikinig at nakamata sa aking ina. Nilingon ko ito na ikinasalubong ng aming mga mata. Tipid akong ngumiti na naglahad ng kamay dito. Lumapit naman siya at inabot ang kamay ko. Ngumiti ako na ipinatong ang kamay nito sa palad ng aking ina. Dama kong natigilan siya at napalunok. "Russel, siya ang Mommy Belinda ko. Mabait ang mommy ko. Masarap siyang magluto at masipag maglinis ng bahay." Pagpapakilala ko sa aking ina dito na tipid na ngumiti at tango sa akin. Bumaling ako kay mommy na naluluha at may ngiti sa mga labi. "Mommy, siya po si Russel. Siya ang napangasawa ko--ang manugang niyo. Alam niyo ba? Napakabait din niya. Dinala niya ako kanina sa magiging bahay natin. Napakaganda po ng bahay niya. Tiyak kong magugustuhan niyo doon. Tahimik doon, presko ang hangin at may malawak siyang bakuran. Hindi po kayo maboboring na manirahan doon kahit wala tayong kapitbahay." Pagkukwento ko pa sa aking ina. Nakagawian ko na kasi ito. Ang ikwento sa kanya ang ganap sa maghapon ko. Ngayon lang maganda ang ibinalita ko sa kanya. Dati kasi, puro pasakit at paghihirap ang naikukwento ko na naranasan ko sa maghapon sa kamay nila Tita Daniella. Napababa ako ng tingin sa kamay namin nang gumalaw ang kamay ni Russel. Napalunok ako na napatingala dito. Kimi naman itong ngumiti na yumuko pang humalik sa noo ko na ikinasinghap ko! Bumilis ang t***k ng puso ko sa paghalik niya bigla sa noo ko kahit mabilis lang iyon. Pakiramdam ko tuloy ay nalulutang na naman ako sa kanyang paghalik. "Magandang hapon po, ma'am. I am Russel Smith. Your daughter's. . . husband. Hwag niyo na pong alalahanin ang anak niyo. Hindi ko po ito pababayaan. Magpalakas po kayo. Excited na kami ni Hannah na makasama kayo. At. . . at bigyan ng apo." Saad nito. Napaubo ako na nasamid sa huling sinabi niya. Na bigyan namin ang mommy ng apo. Gumapang ang init sa mukha ko na napalapat ng labi at nagpipigil mapangiti. Parang may mga paru-paro ang naglulumikot tuloy sa puson ko sa tinuran nito. "Kami? Magkakaanak kami balang araw?" piping usal ko na hindi maitago ang kilig at excitement. "Sige na. I have to go, Hannah. Dito ka lang ha? Kung may kailangan kang bilhin sa labas, ipabili mo na lang sa bantay mo. Kapag may problema ka dito, tawagan mo kaagad ako." Pamamaalam na nito na binawi na ang kamay. Tumayo na ako na humarap dito. Hindi napigilang yakapin itong natigilan at napahawak sa baywang ko. "Salamat, Russel. Mag-iingat ka ha? Kapag hindi ka abala, pwede bang ikaw na lang ang tumawag sa akin? Ayoko kasing maistorbo kita." Saad ko na napatingala dito at nanatiling nakayakap sa kanyang baywang. Napangiti naman itong yumuko at humalik muli sa noo ko na ikinapikit ko. Para akong hinahaplos sa puso ko sa kanyang paghalik sa noo ko. Ibang-iba ang dating sa puso ko na may halong kilig. "Okay. I'll call you time to time. Hwag kang magpapagutom dito. Alagaan mo rin ang sarili mo. Tatawag ako sa'yo kapag susunduin na kita dito para umuwi tayong dalawa sa bahay natin, hmm?" saad nito na ikinangiti at tango ko. "Sige." Tugon ko. Napakalas na ako dito. Nangingiti naman itong bahagyang yumuko na napapisil pa sa baba ko. Nag-init ang pisngi ko na halos magpantay na kaming dalawa. "Where's my goodbye kiss, hmm?" tudyo nito. Lalo akong pinamulaan ng pisngi. Lakas loob akong mabilis na humalik sa kanyang pisngi na lalong ikinangiti naman nito at tumuwid na ng tayo na hinaplos pa ako sa ulo. "Next time, sa labi na, hmm? Goodbye. . . my little wife." Wika nito na ikinatango ko. Napasunod ako ng tingin ditong lumabas na ng silid. Bago siya lumabas, nilingon niya muna ako at nginitian. Ngumiti din ako pabalik na kumaway dito bago tuluyang lumabas ng silid namin. Napalapat ako ng labi. Hindi maitago ang kilig at sayang nadarama. Naupo ako ng silya na impit na napairit para ilabas ang kilig ko! Sa nakalipas na dalawang taon. Ngayon lang ulit ako nakadama ng kilig sa isang lalake. At iyon ay dahil kay Russel. Hindi siya malambing na tao. Pero hindi rin naman siya masungit. Kaya hindi ako nahihirapan na makipag-usap sa kanya. "Mommy, nakita mo iyon? Ang matured ng asawa ko. Hindi po siya katulad sa ibang lalake na malambing at mabola magsalita. Pero ang mahalaga naman ay mabait siya. Matulungin din at malawak ang pang-unawa. Sana hindi siya magbago noh?" pagkausap ko kay mommy. Hindi ko maitago ang sayang nadarama ko kahit kami lang ng mommy ang nandidito sa silid. Kinakausap ko ito. Pinunasan sa buong katawan. Pinalitan ang kanyang diaper at hospital gown na suot. Matapos kong maasikaso ang mommy, inasikaso ko na rin ang hapunan ko. Nagmeryenda naman kami kanina ni Russel sa bahay bago bumaba ng syudad. Pero tiyak kong magugutom ako mamaya. Mabuti na lang may mga gamit din dito. Kaya naman pala presidential suite kasi lahat meron na dito. Pero tiyak na triple din ang laki ng aabutin ng bill namin sa pananatili dito. Nagluto ako ng sinigang na hipon. May nakita kasi akong malalaking hipon sa fridge at natakam ako. Matagal-tagal na rin kasi noong huling nakakain ako nito. Isa pa naman ito sa paborito ko. Kaya kahit hindi mahilig si mommy at daddy ng maasim na ulam, kumakain pa rin sila para masamahan ako sa paborito ko. Napapakanta pa ako habang nagluluto. Napakagaan ng dibdib ko at walang inaalala ang puso ko. Nakakahinga ako nang maayos at payapa ang isipan ko. Para akong nakalaya sa isang madilim na bangungot ng buhay ko na makawala kaming mag-ina kay Tita Daniella. Para akong nabunutan ng malaking tinik na nakatarak sa dibdib ko na makawala sa kamay nila. Napangiti ako na nag-abot ng dalawang green apple at hinugasan sa sink. Maingat ko iyon in-slice na inilagay sa bowl at naupo ng silya. Hinihintay ko kasing maluto ang ulam. Mag-isa lang naman akong kakain kaya hindi ko na dinamihan. Tiyak naman kasi akong sa labas na kakain ang mga naiwang bantay ko d'yan sa labas. Ang sabi naman ni Russel, hindi ko na alalahanin ang tulugan nila. Dahil binayaran nito ang kabilang silid na katabi namin para may pagpahingaan ang mga ito. Habang hinihintay maluto ang ulam ay kumakain ako ng apple. Nagi-scroll sa epbi ko. Mabuti na lang may biniling bagong cellphone si Russel sa akin. Iphone pa ang brand at ung latest release ang binili nito. Naisipan kong mag-take ng selfie habang may kagat na apple at saka ini-send kay Russel. "Hi, anong ginagawa mo? Nasa office ka na ba?" message ko dito kalakip ang selfie ko. Napalapat ako ng labi na nagpipigil mapangiti. Bakit ko ba kasi ini-send ang selfie ko? Para namang nagpapa-cute ako sa kanya. Napapadyak ako ng mga paa na impit na napairit. Hindi ko mapangalanan ang aking nadarama. Kung nahihiya ba ako? Masaya? O kinikilig. "Oh my God!" impit kong irit na makitang nag-seen ito sa ini-send ko sa kanya. Nakagat ko ang ibabang labi. Hindi mapakali habang nakikitang nagta-type ito ng reply sa akin. Napainom ako ng tubig na damang-dama ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Para akong maiihi na hindi na makapaghintay mabasa ang reply nito. "Ang haba naman niyang mag-type," usal ko na napabusangot. Maya't-maya kasing typing ito. Tas hihinto. Mamaya nagta-type na naman siya. Hindi ko alam kung mahaba ang sasabihin o hindi alam ang isasagot sa akin. Impit akong napatili na napatakip ng palad sa bibig na sa wakas ay nag-reply na din siya! "Yeah. I'm at the office now--with my friends. They're visited me. Eat your dinner. That's not enough." Reply nito. Napalapat ako ng labi na napasulyap sa apple na kinakain ko. Sakto namang luto na ang ulam kaya tumayo na muna ako at in-off ang stove. Napangiti akong nasamyo ang amoy nito na umuusok-usok pa. Maingat akong nagsandok na nilagay sa isang bowl para lumamig na. Dinala ko iyon sa mesa at kinuhanan ng larawan na muling sinend kay Russel. "Mamaya na. Hindi pa naman ako nagugutom. Nagluto ako ng sinigang na hipon. Gusto mo ba?" message ko dito na muling binalikan ang apple ko. Maya pa'y nagreply din naman ito na ikinangiti ko. "I would love to try to. Pwede mo ba akong ipagbalot? Uutusan ko ang isang bantay mo na ihatid sa akin dito sa opisina." Reply nito na impit kong ikinairit! Dali-dali akong kumuha ng maliit na container at ipinagbalot siya sa niluto ko. Halos punuin ko iyon sa sobrang excitement na nadarama kong maipatikim sa kanya ang luto ko. Confident naman ako at masarap akong magluto. Kaya nakatitiyak akong magugustuhan niya ang lasa nito. Kinikilig ako na maingat na inilapag sa mesa ang container at hinayaan na muna itong nakabukas para maibsan ang init nito. Hindi naman nagtagal, may kumatok sa pintuan na ikinalingon ko doon. Yumuko sa akin ang isang lalake na kasama namin kanina ni Russel--isa sa mga bantay ko. Ngumiti ako na pinapasok ito at tiyak na siya ang inutusan ni Russel. Tumayo na ako na tinakpan ang container at nilagay sa isang malinis na shopping bag na nakita ko dito sa kusina ng silid. "Pakisabi sa boss mo, ubusin niya 'yan ha?" habilin ko pa dito. Ngumiti ito na tumango. "Opo, ma'am. Makakarating po." "Salamat, Kuya." Sagot ko dito na yumuko pa sa akin bago lumabas ng silid dala ang ulam na ipinadala ko kay Russel. RUSSEL'S POV: "HEY, Smith. Are you with us?" untag sa akin ni Edward--isa sa best friend ko. "Ha?" Nilingon ko ito na nagtatanong ang mga mata. Napakurap-kurap pa ako na makitang nakatitig silang tatlo nila Luke Payne Jr at Dawson Madrigal na mga kaibigan ko. Nandidito kami sa opisina ko. May mga tatapusin sana akong documents na kailangan ng approval ko pero heto at nanggugulo naman ang mga ito. "Bakit?" nagtataka kong tanong na sabay-sabay pa silang ngumisi na nakamata sa akin. "Hoy, Smith. Umamin ka nga. Are you. . . dating someone, hmm?" nag-uusisang tanong ni Lukey sa akin na ikinatikhim ko at napalis ang ngiti na ibinulsa na ang cellphone ko. Hindi ko kasi namamalayan na nakangiti na pala ako habang nakatutok ang attention sa cellphone ko. It was Hannah--my little sweetheart. Nag-message kasi ito sa akin. May inisend pang selfie niya. She's really cute. I know she's so young and innocent. Kaya ayokong madaliin ito sa mga bagay-bagay. Hindi ko maitago ang kilig at ngiti ko na pinagnamasdan ang selfie niya na kaagad ini-save ko at ginawa ring profile ng phone ko. I know it sounds corny pero-- masaya ako e. It was the first time na babae ang nakalagay sa profile ng phone ko. Mula pagkabinata ay plain lang ang profile ko. Kung hindi sportcar, mga tanawin naman. Hindi ako nagpoprofile ng mga babae. Kahit gaano pa kaganda at sikat ang mga iyan. Pero pagdating kay Hannah? Iba. "Ahem! Ano bang sinasabi niyo? It was mommy. Nagpadala kasi ito ng ulam na paborito ko. Kaya nakangiti ako," pagpapalusot ko. Napataas kilay naman ang mga ito. Halatang hindi naniniwala sa akin. "Anyway. Sumama ka sa get together naming pamilya bukas ha? Pupunta rin si Lukey at Dawson dala ang pamilya nila. Kung gusto mong magbitbit ng ka-date mo doon ay wala namang kaso. Para hindi mo maramdamang out of place ka sa bakasyon natin." Saad ni Edward na ikinanguso ko. "Ayoko. Hindi ako pwede." Tanggi ko. "Bakit naman? May date ka ba?" nakakunotnoong tanong pa nito. "Wala akong ka-date. Marami lang akong kailangang tapusin." Sagot ko. "You can't fool us, Smith. Alam na alam namin ang likaw ng bituka mo. Hwag kami, hmm?" saad pa ni Lukey na ikinabusangot ko. "Fine. Kainis naman kayo e." Pagmamaktol ko pang ikinahagikhik ng mga ito. "Isama mo na lang kasi--kung sino man iyan. Para na rin makilala namin," panunulsol pa ni Dawson sabay apiran silang tatlo. Palibhasa ay may mga pamilya na sila. Malalaki na nga ang mga inaanak ko sa kanila e. Ako na lang itong napag-iiwanan. Naging mas priority ko kasi ang pagpapalago sa kumpanya namin. Kaya heto at hindi ko namamalayan ang paglipas ng panahon. "Hindi siya pwede. Nasa hospital ang mommy niya. Kung wala nga lang sa hospital ang mommy no'n, dinala ko na siya sa Bali e. Para mag-honeymoon." Wala sa sariling sagot ko na ikinamilog ng mga mata nila! "Honeymoon?!" panabay na bulalas ng mga ito sa akin! Nasamid ako na sunod-sunod napaubo na ma-realize ang naisatinig! Namimilog naman ang mga mata nilang nakatutok sa akin na napangiwing napakamot na lamang sa ulo. "Hehe. . .oo--may asawa na ako." "Whaaatttt?!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD