Chapter 8

1817 Words
FEW DAYS BEFORE THE WEDDING. RUSSEL'S POV: MALALIM na ang gabi nang umuwi ako sa mansion mula sa trabaho. May condo naman ako. Pero umuuwi pa rin ako sa mansion namin at wala pa naman akong asawa. I'm already 45 years old and yeah--still single fvck! Ang mga kaibigan ko ay may mga anak na. Dalaga at binata na nga ang ibang mga inaanak at pamangkin ko e. Pero ako? Heto, tamang opisina, bahay, bahay, opisina ang routine ko. Nakikipag-date din naman ako. Wala nga lang matatawag na exclusive dating o ka-label. Wala sa vocabulary ko ang salitang pagpapakasal. Masaya ako sa buhay ko at kuntento na rin. Kung babae lang naman ang pag-uusapan? Maraming babae ang naghahabol sa akin at nakahandang luhuran ako at paligayahin. Kung anak naman ang pag-uusapan, marami na akong pamangkin at inaanak. Sapat na sila sa akin dahil tunay na anak ang turing ko sa kanila. "Russel, halika muna dito, son." Napalingon ako sa gawi ng sala na tinawag ako ng daddy. Nagsalubong ang mga kilay ko na napasulyap sa wristwatch ko. It's already eleven o'clock in the evening. Lumapit ako dito na naupo kaharap siya. "What's up, Dad? Why you're still awake?" tanong ko. Napahinga ito ng malalim. Malamlam ang mga matang tumitig sa akin. "What's your plan, son? Hanggang kailan la ba magpapakabinata? You're already forty-five, Russel. Kailan mo naman kami bibigyan ng manugang at apo ng mommy mo?" may halong panenermon nito. Hindi naman ito ang unang beses na kinausap ako ng daddy tungkol sa pag-aasawa. Noon niya pa ako kinukulit na magpakasal na. Sadyang wala lang sa vocabulary ko ang magpakasal. Kaya hanggang ngayon ay single pa rin ang tao. "Daddy naman. Hwag niyo na akong kulitin sa bagay na 'yan. Sinabi ko naman na sa inyo dati pa. Wala po akong planong mag-asawa. Masaya naman ako sa buhay ko e. What's the problem with that?" sagot ko. Napahilamos ito ng palad sa mukha. Pagod ang mga matang tumitig sa akin. "Kung ayaw mong mag-asawa, pwes ako ang hahanap ng mapapangasawa mo. Hindi pwedeng sayangin mo ang gem natin. Ikaw lang ang may dala ng apelyedo ko. Please naman, son. Hwag mo naman tuldukan dito ang surename natin." Pagalit nito. Naiintindihan ko naman siya sa part na 'yon. Ang lolo kasi, dalawa lang ang naging supling nila ni lola. Iyon si daddy at Tita Jen. Si Dad, dalawa lang din ang naging anak. Iyon ay ako at ang nakababatang kapatid ko--si Divonne. May asawa nga ito e. Malalaki na rin ang mga anak nila. Pero ako? Heto at buhay binata pa rin. Wala ring anak. Ako na lang ang pag-asa nila ni lolo na magpapalago sa pamilya Smith. Dahil ako lang ang may dala-dala ng Smith na apelyedo. Nag-asawa na ang kapatid at tita ko kaya napalitan na ang kanilang apelyedong Smith. "Fine. Panalo kayo. Ako ang hahanap ng mapapangasawa ko. Gusto ko, ako ang mamimili." Sumusukong pagsang-ayon ko na may isang dalagang sumagi sa isipan ko. Napangising tagumpay naman ito na bakas ang galak sa mga mata. "Siguraduhin mo lang na gagawin mo 'yan, Russel. Oras na wala kang iharap sa amin? Ako na ang maghahanap ng mapapangasawa mo." Saad nito na tumayo. Tinapik niya ako sa balikat na may ngiting nakapaskil sa labing iniwan na ako. Napailing na lamang akong nakasunod ng tingin ditong umakyat na sa silid nila ni mommy. "Damn. Paano kung may asawa na siya?" usal ko sa isipan na napahilot sa sentido ko. KINABUKASAN. Ipinahanap ko sa private investigator namin ang dalagang nakilala ko--two years ago. Hindi ko alam pero--ibang-iba ang dating niya sa puso ko. Kung ang mga babaeng nakaka-fling, date at one night stand ko ay hindi ko na matandaan ang pangalan maski mukha? Kabaliktaran naman sa dalagang ito. Tandang tanda ko pa rin ang buo niyang pangalan. Lalo na ang mukha nito. It was happened two years ago. Kung saan nagawi siya sa kumpanya ko. Nalaman kong boyfriend niya ang isa sa mga executive manager ko sa Smith's Corporation. Pero nabisto niya ang nobyo niya na may ibang babaeng kinakalantari sa trabaho. Nawalan siya ng malay noong nakasalubong ko siya. Sinadya ko talaga siyang balikan nang narinig ko ang usap-usapan ng ilang employers ko na dumating ang girlfriend ng manager nila at tiyak na magkakagulo sa opisina nito dahil nasa opisina din ang babaeng kinakalantari nito! Naalala ko naman ang dalagang nakasabayan ko sa elevator. May dala-dala pa siyang cake at tiyak kong siya ang tinutukoy nilang girlfriend ng isa sa mga manager ko. Hindi nga ako nagkamali. Nakita ko siyang lumabas ng opisina ng executive manager ko na umiiyak at parang wala sa sarili. Natapilok pa ito sa pagmamadali at muntikang sumubsob sa sahig kung hindi ko siya nasalo. Nawalan siya ng malay. Kinarga ko siya at dinala sa opisina ko dahil may silid naman ako doon.For the first time. There is a girl who catch my attention. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya inalagaan that time. Ni hindi ko nga siya kilala e. Pinunasan ko siya at binihisan. Kung wala lang akong naging urgent meeting noon sa labas, hindi ko siya iniwan ng opisina. Nalaman ko ang pangalan niya dahil pinaimbestigahan ko siya. Napag-alaman ko rin na nakipaghiwalay na siya sa nobyo niya at naabutan itong katalik ang kanyang best friend! Dalawang taon na ang nakakalipas pero-- tandang tanda ko pa rin ang pangalan at mukha ng dalagang nakaagaw ng attention ko sa unang pagkakataon. Hindi ko rin alam kung bakit ibang-iba ang dating niya sa puso ko. Para akong nahihipnotismo sa kanya sa tuwing naiisip ang maamo niyang mukha. Sa loob ng dalawang taon, gabi-gabi siyang laman ng malamig kong gabi. Sa tuwing may ka-fling o ka-s*x ako, ang maamo niyang mukha ang naglalaro sa isipan ko. To the point na nasasambit ko ang pangalan niya habang pinapaligaya ako ng ibang babae. I didn't pursue to court her. Masyado kasi siyang bata para sa akin fvck! Pero nang ipinahanap ko ulit siya sa tauhan ko ay napag-alaman kong single pa rin ito. Bagay na ipinagdidiwang ko. Napag-alaman ko rin ang mga nangyari sa kanya nitong mga nakaraang buwan. Ang pagkamatay ng ama niya, pag-aalipin sa kanila ng mommy niya sa sarili nilang pamamahay. Pag-agaw ng mga dapat para sa kanilang mag-ina ng kanyang tita na kasama nila sa bahay. Kaya naman naging sunud-sunuran sila ng kanyang ina sa kanyang tita. Mabuti na lang, mukhang pera ang tita niya. Pinalabas ng abogado ko na ipapakasal ang anak niya sa isang matandang bankrupt at walang pera. Kaya naman madali silang nahulog sa trap ko at si Hannah ang ipinakasal niya sa akin. Kapalit ng malaking halaga ang pagpayag nito na pakawalan si Hannah. Pero para sa mahal ko, binigyan ko ito ng pera. Alam kong papalugi na ang bangko nila at kung doon niya man gagamitin ang perang kinuha niya sa akin? Good for them. My plan goes well. Nasunod ang plano ko. Ang maging asawa si Hannah. Luckily, napakabait nito. Hindi ko alam kung kilala niya ako o natatandaan niya pa ako. But one thing I'm sure? I won't let her suffer again. Wala nang makakanakit sa mahal ko. Not even her evil aunt and cousin. Gusto ko nga sanang singilin ang mag-ina sa ginawa nila kina Hannah at ina nito. Pero sa nakikita ko naman, malapit nang makarma ang mag-ina. Bukod kasi sa lulong sa bawal na gamot ang pinsan ni Hannah, adik din sa casino ang kanyang ina. Kaya tiyak kong hindi magtatagal ay karma na ang babalik sa kanila sa mga ginawa nila kina Hannah at Mommy Belinda. ***** "HEY, are you still with us?" untag sa akin ni Parker na tinapik ako sa hita. Napabalik ang ulirat ko na napakurap-kurap. Natawa naman ang mga ito. Napailing ako na tinungga ang shot ko. Nakamata naman ang mga ito sa akin. Naghihintay ng sasabihin ko. "Fine. What do you want to know?" sumusukong tanong ko. Kilala ko ang mga tatlong unggoy na 'to. Nakatitiyak akong kung hindi ako magkukwento, magi-imbestiga sila. Pulis general pa naman si Edward kaya mabilis lang ditong malaman ang sikreto ko. Isa pa, they are my best friend. Tiwala naman ako sa kanila na hindi nila ipagkakalat na kasal na ako. Nagkatinginan pa ang mga ito na tila iisa ang tumatakbo sa isipan. Sumilay ang pilyong ngisi sa mga labi nila na sabay-sabay pang bumaling sa aking napataas ng kilay sa mga ito. "Everything, Smith. Everything about you and your mysterious wife." Panabay nilang saad na ikinangiwi ko. Nagsalin ako ng shot sa baso ko at inisang lagok iyon bago sumagot. Matamang namang nakatitig ang mga ito sa akin na bakas ang kasabikan sa kanilang mga mata. "Her name is Hannah. We've met--two years ago. May boyfriend siya nang mga panahong iyon na empleyado ko dito sa Smith's Corporation. Actually, until now ay nandidito pa rin sa kumpanya ang ex boyfriend niya. Nagkataon na pinipilit na ako ng daddy na magpakasal. At kung hindi pa ako magpapakasal? Siya ang mamimili ng ipapaasawa sa akin. Kaya ipinahanap ko si Hannah sa private investigator namin para siya na lang ang pakasalan ko. Lucky me because she's still single until now. Kaya naman hindi na ako nag-aksaya ng panahon at inalok siya ng kasal." Pagkukwento ko. Napanguso naman ang mga ito. Iniisip ang sinaad ko. "You mean. . . hindi kayo nagmamahalan ng babaeng iyon?" tanong ni Edward. Napakamot ako sa batok. Tinungga ang shot bago sumagot at nakatutok ang mga ito sa akin. "Of course not, dude. Mahal ko kaya siya." Sagot ko. "What?! Mahal mo siya?!" panabay nilang bulalas. Natawa ako na pabirong binato ng throw pillow ang mga itong nasalo ang unan. "Pero hindi ka niya mahal, Russel." Wika pa ni Lukey na pinaningkitan ko. "Matututunan niya rin akong mahalin. Siraulo," ingos ko. Natawa naman ang mga ito. "Fvck, Smith! Pinikot mo siya. Kawawa naman 'yong tao!" bulalas pa ni Dawson na inismiran ko. "Parang hindi rin kayo namikot ng asawa a? Sa natatandaan ko kasi. . . namikot din kayo." Balik panunudyo ko sa mga itong napaubo at tikhim. "Si Madrigal lang 'yon noh? Hindi ko kaya pinikot ang Tarah ko. Si Tarah ang nanligaw at namikot sa akin," pagtatanggol ni Lukey sa sarili na nakatikim ng batok kay Edward. "Gago! Mama ko 'yon! Anong namikot? Ikaw itong naghahabol sa kanya," sikmat ni Edward na ikinahagikhik namin nila Dawson at Lukey. "Oo na. Ako ang naghabol sa mommy mo. Happy--son?" ngisi ni Lukey dito na nasamid ng shot na tinungga nito! "Fvck you, Payne! Kahit kailan ka talaga!" sikmat ni Edward na akmang babatukan ito na kay bilis tumayo at lumipat ng upuan sa tabi ko! Tatawa-tawa itong sumuksok pa sa akin. Hanggang ngayon kasi ay ayaw tanggapin ni Edward na tawagin siya nitong anak. Ina kasi ni Edward si Tita Tarah na pinakasalan ni Lukey. Kaya nag-away pa talaga ang dalawang 'to noon bago nagpaubaya si Edward.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD