Chapter 9

2304 Words
RUSSEL'S POV: NAGKAKA-ASARAN kaming apat nang may kumatok sa pintuan. Napatikhim kami na umayos nang bumukas iyon. Ang tauhan kong nakabantay kay Hannah at may dalang shopping bag. Napangiti ako na sinalubong na ito. Ngumiti naman ito na hinintay akong makalapit sa may pintuan. Yumuko pa ito sa akin bilang paggalang. “Pasensiya na po sa istorbo, sir. Ito na po ang iniutos niyo,” magalang saad nito na iniabot sa akin ang shopping bag. Napalapad ang ngiti ko na kaagad inabot iyon mula sa kanya. “It's nothing, Butch. Salamat ha? Nagugutom na tuloy ako at excited matikman ang luto niya,” nakangiti kong saad na ikinangiti nito. “May ipapabili po ba kayo, sir? Babalik na ako ng hospital.” Tanong pa nito. Napanguso ako. Napaisip. Hindi ko pa gaanong kakilalang lubusan si Hannah. Katulad sa mga hobbies niya at mga gusto. “Uhm, magtungo ka ng flower shop. Ibili mo ng isang shop na flower si Hannah. Okay?” aniko na tinapik ito sa balikat at iniabot ang credit card ko dito. Napangiwi pa ito. Alanganing ngumiti sa akin pero tumango pa rin naman. “Sige po, sir. Aalis na po ako.” Pamamaalam nito na muling yumuko sa akin. Tumango ako dito. Lumabas naman na ito ng opisina. Nangingiti akong dinala sa kitchen ang dala kong ulam. Excited na matikman ang luto ng sweetheart ko. Lumapit naman na ang tatlong gurang sa akin na nakikiusyoso. “Yan ba ang ipinadala ni tita sa'yo, dude?” tanong ni Lukey sa akin. “Aha.” Sagot ko na maingat isinalin sa malaking bowl ang ulam. Sinigang na hipon na may mga sahog na gulay. Honestly, hindi ako mahilig sa maasim. Pero dahil ito ang unang beses na nagluto si Hannah, hindi ko ito palalagpasin matikman. Nakagat ko ang labi na maingat naglagay sa mas maliit na bowl ng akin. Nakamata naman ang tatlo sa akin na napapanguso pang makitang ordinary ulam lang ito. Napaawang pa sila ng labi na napasunod ng tingin sa kutsara kong isinubo ko. I close my eyes as I tasted her sour soup. Maasim siya pero balanse ang timpla at lasa. Nakatikim na ako dati ng pork sinigang pero dahil hindi ako mahilig sa maasim, I've never tried it again. “Wow. Ang sarap ha?” usal ko na muling nagsubo. Natigilan ako sa sunod-sunod na pagsubo nang mapatitig ako sa tatlong kaharap kong pinapanood ako. Napapatanga pa sila na nakaawang ang mga labi. “Bakit?” nagtataka kong tanong. “Sarap na sarap ka a. Hindi ka naman mahilig sa sinigang, ‘di ba?” nagtatakang tanong ni Edward sa akin na sinang-ayunan nila Lukey at Dawson. Napatikhim ako. Muling nagsubo ng sabaw na may kasamang hipon. “Masarap e. Bakit ba?” sagot ko. Napangisi naman ang mga ito na humalukipkip pa ng mga braso sa dibdib. “Yong totoo, Smith. Kay tita nga ba galing iyan, hmm?” nagdududang tanong sa akin ni Lukey. Napalapat ako ng labi. Paano ba ako magsisinungaling sa kanila e kabisadong kabisado nila ako. Namilog ang mga mata nila nang may ma-realize! Nagkatinginan pa sila na tila iisa ang tumatakbo sa isipan! “Luto ni misis!” sabay-sabay nilang bulalas! Naubo ako na nasamid! “Hoy, Smith. Patikim naman!” “Ako rin, Russel! Gusto kong matikman ‘yan!” “Hoy, tirhan niyo ako. Hindi naman pwedeng hindi ko matikman ang luto ng misis ni Smith!” Napapikit na lamang akong naiiling sa mga ito na nag-unahan pa talagang kumuha ng bowl at kutsara nila. “Dahan-dahan naman. Matapon niyo. Saka– para sa akin ‘yan e. Ang konti nitong akin,” reklamo ko sa mga ito na pinaghati hatian na ang natira. Para namang nauubusan ang mga ito at gutom na gutom. Sabay-sabay pang nagsubo na namimilog ang mga matang napabaling sa aking napataas ng kilay sa mga ito. “Fvck! Ang sarap!” panabay pa nilang bulalas na nagtawanan. Natawa na rin akong napailing na naglagay ng kanin sa bowl ko. Ginaya naman ako ng mga ito. “Akin sabi ito e. Kung gusto niyo ng sinigang na hipon, e ‘di bumili kayo at ipaluto sa mga asawa niyo,” pagmamaktol ko pa. Ako ang pinadalhan pero ako pa ang pinakamaliit ang natikman fvck! Kung alam ko lang na pag-aagawan nila ang luto ng sweetheart ko e ipinagdamot ko na kaagad. Mas marami pa nang ‘di hamak ang kinuha nila kaysa sa akin na asawa. Ibang klaseng mga kaibigan ang mga ito. “Damn, Smith. Ang damot ha? Mabuti naman masarap magluto ang misis mo. Lalo tuloy kaming naku-curious kung anong itsura niya. Ipakilala mo na kasi sa amin. Dalhin mo siya sa get together natin bukas,” saad pa ni Edward habang puno ang bibig na ngumunguya pa. “Tiyak na hindi iyon makakasama. Paano nga naman siya magbabakasyon at magpakasaya kung nasa hospital ang mommy niya? Next time na lang siguro. Marami pa namang susunod e.” Sagot ko. “Uuwi ka ba mamaya sa kanya? Sama kami,” suhestyon pa ni Dawson na sinang-ayunan ng dalawa. “Hindi. Baka sa susunod na araw na. Sinabi ko naman sa inyo. Marami akong kailangang tapusin dito. May mga meeting ding akong naka-schedule sa mga susunod na araw sa mga investors ko mula abroad. Kaya hindi ako pwede. Kayo na muna.” Sagot ko. “Hindi mo ba pwedeng ireschedule, dude? C'mon, ikaw ang boss dito. Ikaw ang masusunod. Walang magagawa ang mga investor mo kung magpapa reschedule ka ng meeting sa kanila. Minsan lang tayo lumabas nang gan'to kasama ang mga mahal natin oh?” pangungumbinsi pa ni Dawson sa akin. “Fine. Pero hindi pwede si Hannah ha? Ako lang,” sumusukong pagsang-ayon ko. Nagkatinginan pa ang mga ito. “Take it or leave it.” “Oo na. Ito naman hindi pa subukang tanungin ang asawa. Itinatago mo lang siya sa amin e.” Ingos pa ni Edward sa akin na napangisi dito. “Naman. Itatago ko talaga iyon. Napakaganda niya e.” Sagot ko na nakangisi ditong muntik pang masamid! HANNAH'S POV: KATATAPOS ko lang kumain ng hapunan at naglinis ng katawan nang may kumatok sa pintuan. Napalingon ako doon at napatayo na sumilip ang tauhan ni Russel na nagdala ng ulam sa opisina nito. “Ma'am, may pinaaabot po si boss,” magalang niyang saad na may ngiti sa mga labi. Napatayo naman ako na ngumiti pabalik dito. Nandidito kasi ako sa tabi ng mommy. Matutulog na nga dapat ako e. Napaawang ako ng labi nang pumasok na ito at makitang may dala siyang isang bouquet ng red roses. Lumapit ito sa akin na iniabot ang bulaklak sa akin. “Para sa'yo daw po, ma'am. Pinapaabot ni boss.” Saad pa nito. “Salamat, Kuya.” Sagot ko na may ngiti sa mga labing inabot iyon. “Ginawa ko lang po ang utos ni boss, ma'am. May iba pa sa labas.” Ani nito na ikinakurap-kurap ko. Sakto namang may mga lalakeng pumasok na may mga dala ng iba't-ibang uri ng bulaklak na ang nakalagay pa sa basket. Napaawang na lamang ako ng labi na nakamata sa mga lalakeng pumasok na may mga dalang bulaklak na naggagandahan! “Boss, saan po namin ito ilalagay?” tanong ng isa. Itinuro naman ng katabi ko ang gilid namin, kung saan katabi ni mommy. Sumunod naman ang mga ito. Maingat na iniayos sa sulok ang mga dalang bulaklak. Sa dami nito ay para na tuloy flower shop ang silid! Ang gaganda pa naman nila at tiyak kong mahal ang mga ito. Pagkatapos nilang maayos ang mga bulaklak ay magalang na silang nagpaalam at umalis. “Ang dami naman nito. Sayang ang pera. Malalanta din naman ang mga ito e.” Wika ko. Nakakapanghinayang kasi talaga. Mamahalin pa naman ang mga bulaklak na ‘to sa disenyo pa lang ng mga palamuti nila. Napangiwi naman ito na nahihiyang napakamot sa ulo. “E. . . iyon kasi utos ni boss e. Sige po, ma'am. Sa labas na ako.” Pamamaalam na nito. Tinanguhan ko na lamang ito na napasunod sa kanyang lumabas ng silid. Napalingon ako sa mga bulaklak dito na napailing. Nanghihinayang pa rin ako sa perang ginamit ni Russel para sa mga ito. Dala ang red roses bouquet ko ay lumapit ako sa mga bulaklak. Isa-isang sinamyo ang mga ito at hindi mapigilang mapangiti. Ang sarap nila sa mga mata. Pakiramdam ko ay napaka special ko namang tao. Naalala ko namang padalhan ulit ng larawan si Russel. Kaya napahawi ako sa buhok kong nakalugay at saka nag-take ng selfie habang nasa likuran ko ang mga bulaklak. May kinuha pa akong anggulo na sinasamyo ko ang red roses na hawak ko. May ngiti sa mga labing ipinadala ko ang ilang selfie ko kay Russel. Nakikita ko namang naka-online pa rin ito. Pagka-send ko ay binalikan ko na si mommy. “Mommy, look oh? Ang dami nating flowers mula kay Russel. Isang shop na yata ‘tong pinadala e. Ang dami at ang gaganda.” Pagkausap ko sa aking ina na hindi maitago ang kilig. Maya pa'y nag-vibrate ang cellphone ko na ikinalunok kong makitang. . . tumatawag si Russel! Bumilis ang t***k ng puso ko na hindi kaagad nakabawi. Nangangatal pa ang daliri ko na ini-swipe ang answer botton sa cellphone ko bago inilapat sa tainga. “H-hello?” utal kong sagot. “How is it, wife? Did you like the flowers?” tanong nito. Napasulyap ako sa mga bulaklak sa sulok na napailing. “O-oo. Ang gaganda nga nila e. Salamat ha? Nagustuhan ko. Pero– ang dami naman yata. Malalanta lang ang mga ito dito, ano ka ba? Ang dami mong ipinabili. Isang buong shop na yata ‘to e.” Wika ko. Natawa naman ito. “Napasobra ba? Ang sabi ko isang lang e.” Sagot naman nito. Natigilan ako. Baka nga isa lang ang ipinabili niya pero iba ang pagkakaintindi ng tauhan niya! “Totoo?” pangungumpirmang tanong ko dito na napahagikhik. “Oo. Isang–buong shop.” Napakurap-kurap ako. Naipilig ang ulo na inaalisa sa isipan ang sinaad nito. “So, totoo nga? Isang buong shop ang ipinabili mo?” hindi makapaniwalang bulalas ko ditong natawa. “Yeah. Uhm, hindi ko kasi alam kung anong paborito mong bulaklak. Kaya ipinabili ko na lang lahat kay Butch. Ang mahalaga naman ay nagustuhan mo, ‘di ba?” ani nito. Naiiling akong napatampal sa noo. Nanghihinang napaupo ng silya katabi ng mommy. “Ano ka ba? Nagsayang ka naman ng pera. Kahit nga isang rose lang ang bilhin mo para sa akin e sapat na. Akala mo ba hindi ko maa-appreciate ang bigay mo kung isang piraso lang?” may halong panenermon ko. Ayoko kasing nagsasayang siya ng pera. Sa dami ng binili niyang bulaklak ay tiyak na umabot ito ng daanglibo! “Hindi naman siya sayang, sweetheart. Nagustuhan mo siya. Napangiti at napasaya kita. That's the matter the most. I don't care how much it cost. Ang mahalaga sa akin, napasaya ko ang asawa ko.” Sagot nito na ikinanguso kong hindi mapigilang kiligin. “Sige na nga. Pero ngayon lang ito ha? Saka– red roses ang pinakapaborito kong bulaklak. Para sa susunod, hindi na buong shop ang bilhin mo. Salamat, Russel.” Aniko na napasamyo muli sa hawak kong roses. “You're welcome, wife. Anyway–you look gorgeous tonight. Your nighties dress suits you. At iyong niluto mo. Ang sarap niya. Sobrang sarap. Nagustuhan ko siya. Nakakainis lang. Inagawan ako ng mga kaibigan ko. Mas marami pa nga silang nakain sa akin e. Inubusan nila ako,” wika pa nito na parang batang nagsusumbong ang tono. Napangiti ako sa narinig. Hindi ko alam pero– unti-unti na akong nagiging palagay kay Russel. I know it's too early to fall for him. Pero kahit sino naman sigurong babae ay mahuhulog sa kanya. He has everything that every woman's dream off. Looks, money, power and good heart. “Salamat naman at nagustuhan mo. Hayaan mo na. Kung gusto mo, magpapadala ako d'yan ng lunch mo.” Sagot ko pa. “Uhm– wala ako dito bukas e. May outing kami ng mga kaibigan ko. Gusto ka nga nilang isama ko e. Para makilala mo na raw sila. Pero alam ko namang hindi ka pa komportable at hindi mo maiwan ang mommy ko. Kaya sabi ko, sa susunod na lang. Mapilit kasi sila kaya pumayag na lang ako. Ipina-reschedule ko nga ang mga meeting ko e. Para makasama sa kanila. Okay lang ba iyon sa'yo?” seryosong saad nito na ikinatigil ko. Sa haba ng sinabi niya, wala nang nag-sink-in sa utak ko. Tanging ang malinaw lang sa akin, sasama siya sa mga kaibigan niya mag-outing. “G-gano’n ba? O-okay lang naman sa akin, ano ka ba?” utal kong sagot. “May mga babae doon. Are you sure it's okay with you?” paninigurong tanong pa nito na ikinangiwi ko. “B-babae? Ano ka ba? Kahit saan naman may mga babae e. Ang mahalaga naman ay. . . hindi ka m-mambababae ‘di ba?” sagot ko na napalapat ng labi. “Fvck!” Dinig kong napamura ito. “P-pero kung gusto mo, wala naman akong magagawa e. Bago pa lang tayo at maiintindihan ko naman na may mga pangangailangan kayong mga lalake.” Pambawi ko. Baka kasi mamaya ay nasasakal na pala siya sa akin. Ayoko nang maulit ang nakaraan sa akin. Kung saan dahil hindi ko maibigay ang pangangailangan ng boyfriend ko–hinanap niya iyon sa ibang babae. Lalake din si Russel na may mga pangangailangan. “S-sige iyon lang. Goodnight, sweetheart. Magpahinga ka na d'yan, hmm?” pamamaalam na nito. “G-goodnight.” Sagot ko na hinintay ibaba niya ang linya. “--Sweetheart.” Tuloy ko nang maibaba na niya ang linya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD