HANNAH'S POV: NAPAUNGOL ako nang maramdaman si Russel na marahang niyuyugyog ang balikat ko. Sobrang nanlalata kasi ang pakiramdam ko. Para akong naubusan ng lakas na ultimo magdilat ng mga mata ko ay hindi ko magawa. Sobrang nanghihina ako at kumikirot pa ang ulo, balakang, mga hita at lalong-lalo na ang kaselanan ko. Tiyak kong namamaga na iyon sa sobrang kirot. Ilang beses kasi akong inangkin ni Russel kanina. Hindi naman ako makatanggi dahil maging ako ay gustong-gusto ko ang pinagsasaluhan naming dalawa. “Gumising ka na muna, sweetheart. Nakahanda na ang tanghalian natin,” malambing niyang saad. Dahan-dahan akong nagdilat ng mga inaantok kong mga mata. Kahit hinang-hina pa ako ay pinilit kong bumangon. Tinulungan naman ako nito. Inabot niya pa ang unan ko na inilagay sa likuran k

