HANNAH'S POV: MABILIS lumipas ang mga araw. Matapos ang party ng kumpanya ni Russel kung saan ipinakilala niya ako sa media na asawa niya. Kasunod no'n, may naging welcome party din kami sa mansion. Ipinakilala ako nila Ate Tarah sa mga kaibigan nila at sa media, na ako ay isang Parker. Nagulat pa ang mga malapit nilang kaibigan na may ibang anak pa pala ang daddy namin bukod kay ate. Gano'n pa man, naging maayos naman ang pagpapakilala sa akin ni Ate Tarah sa publiko. Hindi kami nagkaroon ng problema sa party at mga kaibigan ng pamilya lang ang imbitado. May mga press din na dumating at pili lang ang mga inihandang katanungan para sa amin ni ate para maipakilala ako ng maayos. Hindi na rin kami nakabalik pa ng bahay. Dito sa mansion na kasi kami tumira at hindi ko maiwan ito. Unti-unti

