HANNAH'S POV: PASADO alasdose na ng hatinggabi nang lumabas kami ng hotel nila Russel. Hindi pa tapos ang party at naiwan pa sina Ate Tarah doon. Pero inaantok na rin kasi ako at panay ang hikab. Ang sabi naman ng mommy, gan'to raw talaga ang mga buntis. Bawal nga akong magpuyat e. Pero dahil mahalaga ang party na pinuntahan namin ni Russel ay sumama ako. “Sweetheart, sa opisina na lang tayo tumuloy. D'yan lang sa tapat ang kumpanya,” wika nito na ikinatango ko at sobrang inaantok na ako. “Come. I'll carry you.” Lihim akong napangiti na nagpaubaya ditong kinarga ako ng bridal style. Napasiksik ako ng mukha sa dibdib nito na paulit-ulit humahalik sa noo ko. “Russel?” inaantok kong pagtawag dito na nanatiling nakapikit at siksik sa dibdib niya. “Yes, sweetheart?” malambing sagot nit

