HANNAH'S POV: PAGDATING namin sa rooftop, marami na ngang bisita dito. Kaagad na may tumawag kay Russel kaya bumitaw na muna ako sa kamay nito. Nagtatanong naman ang mga mata nitong napatitig sa akin. “Uhm, sige na. Hahanapin ko ang table nila ate. Puntahan mo muna ‘yan.” Saad ko dito. “A’right. Wait for me there, okay? Babalik kaagad ako, sweetheart.” Aniya na humalik sa noo ko. Ngumiti ako na tumango dito. Sinenyasan naman niya ang tauhan niya na samahan akong ihatid sa mesa nila Ate Tarah at marami-rami na ding tao dito. Lahat kasi ng empleyado niya sa Smith's Corporation ay imbitado. Kahit ang mga pinakamababa ang trabaho. “Hannah? Ikaw ba iyan?” Natigilan ako na may tumawag sa pangalan ko at hinawakan pa ako sa braso para pigilan ako. Nadaanan ko kasi ang mesa nito. Napalun

