HANNAH'S POV: MASAYA naming in-celebrate ang pagkikita-kita naming pamilya sa Parker's mansion. Dumating din ang pamilya ni Russel kaya nakilala nila mommy ang pamilya nito. Napakasaya ko na biglang dumami kaming pamilya. Maingay, magulo pero napakasaya naman namin. Lumaki kasi ako na kaming tatlo lang nila mommy at daddy ang magkakasama. Minsanan lang kaming dumalaw sa mga kaanak nila mommy at malayo ang probinsya nila. Pero ngayon? Heto at ang dami na namin sa pamilya. Magkakasundo kaming lahat at ramdam na ramdam ko ang mainit nilang pagtanggap sa amin ng mommy ko. At iyon ang nagpapaligaya sa akin ng lubos. Na maging ang mommy ko ay tinanggap nila at itinuring na parte siya ng malaki naming pamilya. Ang pamilya Parker at Smith. Kahit si Kuya Dawson ay dumating din at dinala niya pa

