HANNAH'S POV: KABADO ako habang patungo kami nila Russel at mommy sa mansion ng mga Parker–ang old mansion namin. Ngayon pa lang kasi ako tatapak sa bahay ng ama ko. Ngayon ko pa lang din makikilala ang ina ni Edward na ate ko. Ayon sa mga ito, mabait daw si Ate Tarah. Magkamukha pa nga raw kami nito. Wala naman kaming ibang kaanak dito maliban sa mga Smith, Madrigal at Payne family na kalapit ng pamilya namin. Gano’n pa man. Kinakabahan pa rin ako. Wala kasi akong idea kung anong itsura ng mansion na tinatawag nila Russel na mansion daw namin. Nasasabik din akong masilayan iyon lalo na ang itsura ng ama ko at syempre–ang Ate Tarah ko, ang mga anak nito at ang mga apo ko kay Edward. “Relax, baby. Malapit na tayo.” Ani Russel na marahang pinipisil-pisil ang palad kong hawak-hawak nito.

