HANNAH'S POV: NANGINGITI akong pinagmamasdan si Russel na nahihimbing sa tabi ko. Nanonood kami ng movies sa Nètflix pero nakaidlip na ito sa kalagitnaan ng palabas. “Wala bang kapintasan ang lalakeng ‘to? Masyado naman siyang perfect,” usal ko na panaka-nakang hinahalikan ito. Para akong paslit na nakadapa sa ibabaw niya. Sa lapad ng katawan niya ay kasyang-kasya ako sa kanya. Mabuti na lang at hindi siya pumasok ngayon. May kasama ako dito sa hospital at nakakausap. Nahihiya kasi akong makipag-usap sa mga tauhan niya d'yan sa labas. Puro naman kasi sila mga lalake. Kahit mababait at magagalang ang mga iyon, naiilang pa rin ako. “Uhmm.” Namilog ang mga mata ko na mahinang napaungol ito. Hindi ko kasi namalayan na marahan kong nakagat ang ibabang labi niyang maingat kong sinisipsip

