Mabilis pa na lumipas ang mga linggo at mas nagiging malapit na sila ni Bryan sa isat-isa. Si Damien naman ay laging galit at pinag-iinitan ang skirt niya.
"Can I talk to you for a moment, Ms. Mendoza?" Mabilis na sabi nito nang dumaan ito sa harapan niya ni hindi man lang siya nito hinintay na makapagsalita.
Agad siyang sumunod dito.
"From now on, doon ka na sa may dining area" Mabilis na sabi nito habang umuupo sa swivel chair nito.
"What? Why? I mean, okay na ako roon. Mababait ang mga kasama ko" Angal niya.
Totoo iyon, habang tumatagal ay lalo niyang nakakasundo ang mga kasama niya roon. Minsan mas mabuti pang mga lalaki ang mga kaibigan at kasama mo sa trabaho, walang plastikan, walang inggitan at ituturing ka pa nilang prinsesa.
"Masyado ka na yatang nag-eenjoy sa may kitchen?" Taas kilay na sabi ni Damien.
"Well, I can say yes"
"My decision is final. I will now promote you as a supervisor. Kayong dalawa ni Bianca ang bahala sa lahat from now on" Seryosong sabi nito.
"Pero--"
"No more buts, now go back to your work" At sinimulan na nito ang mga ginagawa.
Napabuntong-hininga siya bago umalis.
Paglabas ay agad ibinigay sa kan'ya ni Bianca ang bago niyang uniform at template.
Malungkot na pumasok siya ng kitchen. Pero nagulat siya nang may sumabog na party popper.
"Congrats, Ma'am Jane!"
Bati sa kan'ya ng mga tao roon. Bakit parang siya lang ang malungkot?
"Hey, why are you sad? Hindi ka ba masaya? Graduate ka na sa paghuhugas ng mga plato" Nakangiting biro ni Bryan.
Agad niyang pinatulis ang nguso. "Eh paano, mamimiss ko kayong lahat dito. Pwede bang maging dishwasher nalang ako?" Ngiti niya.
"Nah, you don't deserved that. Here" Sabay abot sa kan'ya ng maliit na cake sa gitna ng puting plato at may nakalagay na congratulations from team kusina.
Agad siyang napangiti. "Thank you, guys"
Gaya ng ginawa niya sa unang uniform ay pinatahi niya rin iyon at pinaiklian, sobrang haba kasi ng ibinigay nito sa kan'ya at lumampas hanggang sa may tuhod. Sumabog ka sa galit Damien. Sabay ngisi niya.
Since maganda naman ang uniform niya ay pumasok na agad siya na iyon ang suot. Nasa may parking palang siya ay kita na niya ang paglabas ni Damien mula sa kotse nito. Mabilis din siyang lumabas at naglakad. Nilampasan pa nga niya ito. Pero bigla nalang siya nitong hinila sa isang braso.
"Oh! Goodmorning, boss. Hindi kita napansin" Ngiti niya rito.
Pero isang masamang tingin lang ang binigay nito sa kan'ya sabay tingin sa damit niya.
"What are you doing, Ms. Mendoza?!" Habang nakapaningkit ang mga mata.
"What?" Takang-tanong niya.
"Do you have any plans in seducing our customers? Look at you! Damn crazy woman!" Inis na sabi nito.
"No, I don't have any plans in seducing them. I only want that one man to be seduced" Ngisi niya.
"Are you pertaining to our head chef?"
Agad naman nawala ang mga ngiti niya sa labi. Manhid talaga! I was pertaining about you idiot! Sagot niya sa isip.
Inismiran niya lang ito at mabilis na naglakad papasok ng restaurant.
"Bianca will going to teach you all the things that you need to do" Sabi nito nang ganap na makapasok.
"Goodmornig, sir" Bati naman ni Bianca rito.
Todo ngiti pa ito kay Damien. Agad naman siyang napasimangot habang nakatingin kay Bianca, nagpapa-cute ka pa sa Damien ko ha.
"Goodmorning, Ms. David" Bati rin nito kay Bianca.
Aba! Bakit kapag ako ang bumabati rito ay ni hindi man lang ito sumasagot. Bwiset kang malandi kang lalaki ka. Magsama kayong dalawa.
Buong duty niya ay walang ibang ginawa si Bianca kung hindi turuan siya pero hindi niya ito pinapansin. Kita niya ang inis sa mukha nito pero wala siyang pakialam. Lahat ng lumalandi sa Damien niya ay kaaway na niya.
Alas Sais ng gabi ay pansamantalang magsasara muna ang restaurant para sa monthly meeting ng lahat ng empleyado.
Nakaupo na silang lahat, si Bryan nalang ang hinihintay dahil naghanda ito ng merienda para sa meeting nila.
Nang dumating si Bryan ay umupo ito sa may tabi niya.
Kita niya pang napatingin doon si Damien.
"Okay before we start this meeting. Let us congratulate Ms. Mendoza, for being promoted as a supervisor" Seryosong sabi nito.
Tumayo lang siya at nagpasalamat. Pagkatapos ay nagsimula na ito sa pagsasalita tungkol sa performance rating ng restaurant nila, employee of the month etc etc.
Nagsimula na siyang humikab at maboring. Kaagad siyang napatingin sa may cellphone niya at nakipag-chat nalang sa mga kaibigan niya.
"I want us to be a team, and by next month we will going to have our team building. Ms. David and Ms. Mendoza kayo--"
Napapangiti siya sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan niya sa groupchat nila.
"Ms. Mendoza!"
Pero parang wala pa rin siyang naririnig at diretso sa paghagikgik.
"Ms. Mendoza!" Malakas at galit na sabi ni Damien.
Agad naman siyang kinalabit ni Bryan. "Jane"
Agad naman siyang napatingin kay Bryan at nginuso nito ang magkasalubong na mga kilay ni Damien.
"Are you with us, Ms. Mendoza?!"
"Ah eh, yes boss hehe" Ngiti niya rito at nag-peace sign sa mga kasamahan.
Napapailing naman si Damien sa kan'ya. "Come to my office later, I don't tolerate this kind of behavior here" Matigas na sabi nito.
"Okay" nakataas kilay na sagot niya.
Hindi siya natatakot sa galit ni Damien. Sanay na siya rito.
Nang matapos ang meeting ay binigyan siya ni Bryan ng niluto nitong merienda. Akmang susubo na siya nang tawagin ni Damien.
"Ms. Mendoza, come to my office now!"
"Teka lang naman, hindi ko pa natitikman itong niluto ni Bryan" Inis na sabi niya.
"Don't make me wait, I'll count till 5 kapag wala ka pa, you are fired!" At mabilis na itong umalis.
Nagmamadali naman siyang napatayo at napasunod dito.
Nakapamewang siyang humarap dito. "Ano na naman bang problema mo ha, Damien?"
"Sinabi ni Bianca na binabalewala mo raw ang mga itinuturo niya sa iyo awhile ago"
"Nah, those are basic things. I am not a pre-schooler. Alam ko na ang mga iyon. Para saan pa at nagtapos ako sa isang sikat na eskwelahan" At pinaikot niya ang mga mata niya.
"Kailan ka ba magmamature ha, Jane?! You're not even listening while I am discussing! Ganyan ba talaga ang nature mo?" Inis na sabi nito sa kan'ya.
"I am listening, I am a multi-tasker" Ngiti niya rito.
Malalim itong napabuntong-hininga at parang nagtitimpi sa galit.
"That is the main reason why I hate woman like you. Childish! Irresponsible and spoiled brat! Grow up, Jane!"
"Then tell me exactly what do you want. Para mabago ko ang sarili ko" Seryosong sabi niya rito.
Pinakatitigan lang siya nito at umiling. "There's no need for you to do that, Jane" Seryosong sabi nito.
"Why?" Takang tanong niya.
"Because I hate everything about you. I hate your presence, I hate your smiles, I hate you, Jane. Kung hindi lang dahil sa mommy ko ay hinding-hindi kita kukunin dito sa restaurant ko. Kaya please, do your job properly. Know your limitations, I am your boss and you are just my employee. We are not even friends. Now go back to your work" Malamig na sabi nito.
Matagal siyang nakatulala dahil sa sinabi nito. This is the very first time na sinabihan siya ni Damien ng ganoon. She didn't even know na ganoon pala kalala ang tingin nito sa kan'ya.
Mabilis siyang lumabas ng opisina nito at pumasok sa banyo. Durog na durog ang puso niya. How dare him say that to her. Hindi niya napansin na mabilis naglandas ang mga luha niya sa mga mata. Kahit isang oras pa bago ang out niya ay mabilis na siyang umalis at sumakay ng sasakyan niya.
Pumunta siya sa club at doon gusto niyang maglasing. Ano ba ang nagawa niya kay Damien para magalit ito ng sobra sa kan'ya?
Maybe after almost 15 years, it's time for her to remove all her feelings towards Damien.
Mabilis na tumutulo ang mga luha niya habang umiinom.
"Are you okay, Ms. Jane?" Alalang tanong sa kan'ya ni Julius, ang bartender sa bar na iyon.
Nakangiti siyang tumango. "Yes, okay lang ako"
Napangiti siya sa katangahan niya. Masyado na ba siyang na oobssessed sa nararamdaman niya para sa lalaki?
Mapait siyang napangiti habang umiinom ng alak. Damn you, Damien! Why can't you like me!
Halos hindi niya namamalayan na nakakarami na pala siya ng shot. Akmang bababa na siya sa upuan nang muntik ng matumba.
"Hey Jane, are you still okay?" Tanong ni Ralph na siyang nakahawak pala sa kan'ya.
Agad niyang iniiwas ang braso niya na nakahawak dito. "Don't touch me, I'm okay"
"Wait there, I'm gonna call Damien to---"
"Shut up! Don't call him! He doesn't care!"
"But you're drunk. Come on, I'll drive you home"
Napangisi siya "Really? Why you care? Thanks but no thanks, I can manage" At susuray-suray na naglakad papunta ng restroom. Kailangan niya munang maghilamos, hindi siya pwedeng umuwi ng ganoon. Magdra-drive pa siya.
Pagkalabas ng club ay nakita niyang nasa may labas si Damien at parang may hinihintay. Diretso lang itong nakatingin sa kan'ya at seryoso ang mukha.
Akmang lalamapasan na niya ito nang hilahin siya nito. "I'll bring you home"
Agad niyang hinila ang braso. "I'm okay, kaya ko pang umuwing mag-isa" At akmang maglalakad nang hilahin na naman siya nito.
Nang humarap dito ay hindi niya napigilan ang sarili at sinampal ito "Bakit ba ang kulit mo?! I can take care of myself!"
"Damn! Why did you slapped me?! Right, I can see that you're still okay base na rin sa lakas ng pagkakasampal mo. If I just knew hindi ako pupunta rito kung hindi lang ako tinawagan ni Ralph"
"Hindi ko sinabi sa kanyang tawagan ka. I don't need you!" Galit na sabi niya. Masyadong masakit ang dibdib niya. Mali, masakit ang puso niya. Wasak na wasak at durog-durog.
"Okay, If you say so" Balewalang sabi nito at mabilis na siyang iniwanan.
Nagpupuyos siya sa galit. Bwiset ka Damien! Ang sama-sama ng ugali mo!
Dahan-dahan siyang nag-drive pauwi nang biglang tumirik ang sasakyan niya. Nakailang ulit niya itong sinubukan i-start pero ayaw talaga nito. Naiinis siyang lumabas at pinagpapadyak ito. Bwiset! Bwiset!
Nang biglang may humintong van sa tabi niya. Bumaba ang mga lalaki na sa tingin niya ay may bilang lima.
"Miss, gabi na. Kailangan mo ba ng tulong?" Ngisi sa kan'ya ng isa.
"No! I don't need your help. You can go!" Mataray na sabi niya rito.
Nagngisihan ang mga ito. "Aba, mataray"
"Halika na miss, ihahatid ka namin sa langit" Sabay tawa.
Bigla siyang nahintakutan nang biglang lumapit ang mga ito. "Boys, hawakan niyo siya!"
At bigla siyang hinawakan sa magkabilang kamay ng mga lalaki. At nilapitan siya ng isa.
Napasinghap siya nang bigla siyang amuyin sa leeg ng isa sa mga ito. "Pervert! Let me go! Ang papangit niyo! Tulong!"
Sigaw niya, nasa may madilim kasi silang parte ng daan. Kokonti lang kasi ang dumadaan sa lugar na iyon.
"Pare, pangit ka raw?" Tawa ng isa.
"Tarantado!" At sinapok ito.
Akmang hahalikan siya nang makarinig ang mga ito malakas na putok ng baril.
"Let her go, or else isa-isang puputok sa mga bungo niyo itong mga balang ito" Tutok ni Damien sa dala nitong baril sa mga lalaki.
Kita niya ang gulat sa mga mata ng lalaki. "Boys, halina kayo!" At mabilis na ang mga itong pumasok ng van at pinaharurot ito.
Agad siyang napaupo at napahagulgol at niyakap ang sarili.
Mabilis siyang itinayo ni Damien at inayos ang ang buhok. "Sssssh, don't cry I'm here" Alo nito sa kan'y at bigla siyang niyakap.
Nang maalala ang mga sinabi nito sa kan'ya ay bigla siyang kumawala mula sa pagkakayakap nito. "Thank you for saving me pero pwede ka ng umalis. Maghihintay nalang ako rito ng taxi---"
Naputol ang sasabihin niya nang hilahin siya nito papunta sa may kotse nito at mabilis na ipinasok sa loob.
Akmang bababa siya nang mabilis din itong makapasok at ni-lock ang mga pinto. "I'll drive you home"
"No, ihatid mo nalang ako sa sakayan. I don't want to go home" Seryosong sabi niya.
Mariin siya nitong tinitigan. "No, kailangan mo ng umuwi. Tita Janice needs to know kung anong nangyari sa iyo. My God, Jane! You almost got raped! Paano nalang kung hindi ako dumating? Dahil iyan sa katigasan ng ulo mo!" Galit na sabi nito sa kan'ya.
"No! Huwag mong sasabihin kay mommy! Ayokong mag-alala pa siya, please ayoko munang umuwi. Ibaba mo nalang ako riyan" Turo niya sa isang waiting shed.
Pero linampasan lang nito ang waiting shed na itinuro niya. Nagulat siya nang dalhin siya nito sa condo unit nito.
"W-what are we doing here?"
"Dont think anything else. Dito ka muna magstay hanggang sa kumalma ka" At mabilis na itong bumaba.
Dahan-dahan din siyang bumaba nang makaramdamn ng hilo at panginginig ng katawan.
Nakakailang hakbang na si Damien nang mapalingon sa kan'ya.
Nakakunot noo ito habang nakatitig sa kan'ya habang nakahawak sa may kotse.
Mabilis siya nitong binalikan at biglang binuhat na parang bagong kasal.